Chapter 20

16 2 3
                                    

Medyo malalim na ang gabi at patuloy pa din ang party ni Jacob dumami na din ang mga bisita niya at iilan dito ay taga media pa. Tinignan ko mga kasama ko na mukhang wala pang balak umuwi maski si Monique ay nag eenjoy na din. 

Napabuntong hininga na lang ako. Inaantok na ko pero di ko naman magawa mag aya dahil masayang masaya si Monique sa pakikipagusap kila Jerome. 

"Pst." Tumingin ako kay March. Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

"Ayos ka lang?" Tanong niya. 

"Oo. Ikaw ayos ka lang?" Balik na tanong ko sa kanya. 

"Oo naman. Bakit ang seryoso mo?" Tanong niya ulit sabay abot ng bagong bote ng beer. 

"Inis ako sayo." Sagot ko na siya naman kinakunot noo niya. 

"At bakit? Inaano kita?" Narinig ko ang paghagikgik ni Monique sa tabi ko. 

"Nag tatampo yan sayo. Hindi ka kasi nag papakita na at nag paparamdam dyan." Sabi ni Monique. 

"Wow ako pa? Sino ba ang may issue ng pag iwas na parang tanga?" 

Sinamaan ko ng tingin si March. Rinig ko ang paghalakhak nila Monique sa tabi ko. 

"Oh edi ako na may issue. Kahit ikaw naman 'tong iwas ng iwas." 

"Ulol. Hindi ba pwede busy ako sa trabaho?" 

"Says who." 

Tumawa lalo sila Monique dahil alam nilang napipikon na ko kay March. Hindi na ko kumibo hinayaan ko na lang sila pero ilang minuto lang ay lumapit si March sa akin. 

"Alam mo ikaw napaka matampuhin mo. Hindi mo ba ko naminss?" Tanong nito. 

"Tigilan mo ko, March. Ako ang umiiwas bakit kita mamamiis? Tska may problema ka ba?" Balik na tanong ko sa kanya. Nakita ko na natigilan siya sa sinabi ko. 

"Wala." 

"Wag ka nga mag sinungaling sa akin. Ano ginawa ni Kevin sayo? Hindi ka naman mag gaganon sa harapan kanina kung wala kang problema." 

Nakita ko pag iwas niya ng tingin. Tss. Marunong talaga 'tong mag sinungaling napaka expert. Nakakainis. 

"Tska kailan ka pa naanghang sa sisig? Baka nakakalimutan mo, ilang taon mo kong bestfriend, March. Para kang gago habang kumakain ng sisig at nag papanggap na anghang na anghang." Sabi ko sa kanya. 

"Wala nga siyang ginawa. Tska parang hindi mo ko kilala kaya ko mag inarte. Iniisip ko nga mag audition sa PBB dahil papasa akong artista." 

"Ewan ko sayo. Hindi ka tatanggapin doon ayaw ni big brother na may housemate siyang siraulo." 

"Alam mo instead na mainis ka dyan ay tulungan mo ko mag ayos para sa surprise ko kay Kevin. Birthday na niya sa susunod na araw eh." 

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga niya na ipamukha sa akin na okay sila ni Kevin o talagang kailangan niya ng tulong para sa paghahanda sa birthday ng kumag na yon. Naalala ko na naman yung mga sinabi ng mga babae kanina na wala naman silang relasyon ni Kevin. At hindi naman siya sineseryoso at may ibang girlfriend ito.


"Mag sabi ka nga sa akin ng totoo March, ano ba talaga kayo ni Kevin?" Tanong ko sa kanya. 

Nakita ko naman natigilan sila Jerome sa pag uusap at ganon din si Monique. 

"Jowa ko siya."  

"Sigurado ka?" 

Hinawakan ni Monique ang kamay ko at marahan niya yon pinisil. 

Awatin ang puso na ibigin ka - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon