Mahirap talagang may kahati sa atensyon ng iyong minamahal pero anong magagawa natin pinili mong mahalin siya kaya dapat matuto kang mahalin kung sino at kung anong meron sa buhay niya.
May mga taong nahihirapan at madalas malungkot dahil sa sitwasyon pero ang lagi kong tinatanong sa kanila bakit ayaw mong maghanap at magmahal ng iba?
Hindi daw nila kaya iwan yung taong mahal nila kasi kahit masakit... kinakaya nila.
Ganun ba talaga kapag nagmamahal kahit masakit lumalaban, kahit mali pinag-lalaban? pero ikaw bakit mo siya minamahal kahit alam mong mali kaya mo ba siyang ipaglaban?
Anong silbi ng pagmamahal mo kung lagi ka na lang nasasaktan.
Bakit hindi mo subukang buksan ang puso mo para sa iba?
Alam ko mahirap pero ganun talaga kailangan mong tanggapin ang katotohanan na ang tunay na relasyon ay para lamang sa dalawang pusong nagmamahalan. :)
