Always With You

1.3K 39 38
                                    

Yung taong laging nandyan sa'yo. Sasamahan ka kahit saan, kahit anong oras, kahit ano pang ginagawa niya, kahit wala siyang pera. Yung nasasabihan mo ng lahat ng bagay. Nagugutom ka, inaantok ka, natatae o nauutot ka man, pag magkasama kayo, para kayong mga baliw. Feeling niyo kayo lang ang tao sa mundo. Magkasama kayo sa lahat ng trip, pinauuna ka kapag sasakay ng jeep, yayakapin ka kapag siksikan sa tren, di baleng nakatayo siya basta't ikaw nakaupo pag nasa bus. Yung pipilitin niyang dalhin ang bag mo tapos bibigay yung bag nya para palit kayo. Yung lalaking papayag na make-upan mo, matuwa ka lang. Magsusuot ng ribbon matawa ka lang. Kekembot na parang bading ngumiti ka lang. Sasayaw kayo kahit nasa kalye kasi favorite mo yung tugtog. Yayakapin ka kahit na pawis na pawis ka at sasabihing ang bango-bango mo. Yung taong sasabihing maganda ka kahit kagigising mo lang. Yung taong tanggap lahat sayo. Hindi kailangan romantic basta ang cool niyo. Kilala ka niya at alam kung ano ang ayaw at gusto mo. Hindi siya magsasawang magpicture na magkasama kayo. Yung taong bago pa sabihin yung "I Love You" naparamdam niya na ng todo. Siya yung kahit kanino mo iwan, alam mong faithful sa'yo. Pag nahahanap mo yun, swerte mo! Huwag na huwag mo nang pakakawalan yun. :)

Quotes For You(Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon