Kung minsan sa pag-ibig nagkakaroon tayo ng mga eksenang "you and me, against the world".
Pakiramdam ninyo, kaya ninyong bunuin ang mga pagsubok basta nagmamahalan kayo.
Pero sapat na nga ba ang pagibig para malagpasan ang lahat ng pagsubok sa buhay?
O masyadong idealistic ang kasabihang "love will keep us alive"?
Sa panahon ngayon kailangan marunong ka, hindi lang puro puso ginagamit dapat kasama utak.
Dapat pag nagmahal ka, yung may mapapala ka.
Karamihan sa mahal lang ng mahal, ang ending, nasasaktan, kung di man, lilipas din yan kapag dinagukan at sinubukan ka na ng kapalaran.
Although, hindi lahat nakukuha sa pera, hindi rin lahat ng puro pagmamahal, happy ending.
Aanhin mo nga daw ang pagibig na wagas kung wala kang pambili ng bigas.
Mas masarap magmahal yung alam mong may maganda kang patutunguhan.
Hindi fairytale ang buhay, kumakain tayo, nagdadamit at magkakaroon ng sariling pamilya.
Hindi habang panahon, nakasandal ka sa magulang.
kung may apektado, magsumikap, kung nag-aaral pa, mag-aral mabuti..