Tila isang bangungot para kay Mondy ang pagsapit ng buwan ng Nobyembre.Balot ng makapal na kumot ang kaniyang katawan ,mula ulo hanggang paanan. Nagtataasan ang kaniyang balahibo dala ng matinding lamig. Kahit ang mga bintana't pintuan ng silid ay pawang nakasarado. At naka tanggal sa saksakan ang electricfan.
Kaya malaking palaisipan para sa kaniyang mga kasama sa bahay kung bakit siya'y lamig na lamig samantalang sila'y hindi matagalan ang init, dulot ng walang hanging pumapasok.
Dagdag pa sa init ang mga ilaw na nakabukas, mga christmas light na nakasaksak, Flashlight at Led light na nakakabit sa powerbank.
Hindi rin na kaligtas sa mapagmasid na mga mata ng kaniyang mga Kapatid at Ina ang maya mayang pagbulong ni Mondy na tila'y may kausap at tinataboy.
Bakas sa mga mukha ang pagtataka ng kaniyang ina at dalawang kapatid na kasalukoyang pinagkakasya ang mga katawan sa maliit na sofa sa loob ng silid ni Mondy.
Sabog sabog rin ang buhok ng Dalaga na naging dahilan kung bakit natatakluban ang ilang parte ng mukha nito. Malamlam rin ang mga mata at nag lalakihan ang eyebags tanda ng ilang araw na itong hindi makaayos ng tulog. Tila walang kabuhay-buhay ang mga mata at nangangayayat na.
"Ma! Hindi kaya nag aadik na yang si Ate! "
Pabulong na parang sigaw na naiusal ng nakababatang kapatid ni Mondy habang panay ang reklamo dahil kalahati lang ng pwet nya ang nakaka upo.
"Sshhh! Sundy! Hinaan mo boses mo, saka pwede ba umurong ka ng kaunte! Mababali na tagiliran ko kakaisug mo E."
Reklamo ng pangalawa sa magkakapatid na si Wendy.
"Tsk! Bat ba kasi ang payat mo!" -Sundy
"Bat kasi ang taba mo!" - Wendy
"BAT BA ANDITO KAYO!!! "
Sigaw ng dalaga gamit ang basag at garalgal na boses at walang ka emo-emosyong mata.
Kasabay ng pagsigaw nito ang pagkamatay ng ilaw at flashlight. Linamon ng dilim ang buong silid. Gumuhit ang kidlat at ilang segundo lang ay kumolog ng napakalakas.
Awtomatikong napatayo sa kinauupuan ang mag-irina at na istatwa ng ilang segundo bago napa sigaw samantalang ang kanilang ina'y pilit na pinapakalma ang sarili .
Lumamig ang buong silid at mapanindig balahibong hangin ang dumampi sa bawat isa.
Gumapang ang kaba kina Wendy at Sundy maging ang kanilang ina'y bakas ang takot. Alam nilang hindi lang sila ang nasa loob ng kwarto, ramdam nilang may ibang kung ano sa paligid.
Kakilakilabot ang mga sandali , pansamantalang na tahimik ang mga taong nasa silid wari'y nag papakiramdaman at pinapakinggan ang mga impit na tili dala ng pinaghalong takot at nerbyos.
Nangangapa sa dilim ang mag-irina. Sa subrang dilim hindi na nila makita ang kinalalagyan ni Mondy.
Nasa unahan ang inang nangangapa ..ang isang kamay sa unahan at ang isang kamay ay nakahawak sa damit ng Pangalawa sa magkakapatid na si Wendy. Samantalang si Wendy namay nagigitna at nasa hulihang bahagi naman ang bunsong nangangatog ang tuhod na si Sundy.
Hindi alintana ang mahigpit na pagkakahawak sa damit at braso ng bawat isa at pagkabasag o pagkalaglag ng mga nasasagi nilang bagay.
Bagamat maliit lang ang silid marami itong mga gamit na nakaharang.Pakiramdam ni Wendy ay tuluyan ng magkakaralasan ang kanyang katawan sa tindi ng kapit ng kanyang nakababatang kapatid at Ina.
"Putragis na yan! Ngayon pa tayo pinagtaguan ng pinto!" - Wendy (Pabulong na sa subrang hina sya lang ang naka rinig)
Sa gitna ng pangangapa , biglang napahinto ang kanilang ina. Kung kaya't subsob ang nguso ni Sundy sa batok ng kapatid na si Wendy.
"nguso ko po! Ar-rraaaay" daing sa pumotok na labi ni Sundy
Hindi pinansin ng nakatatandang kapatid ang naghuhuromentadong bunso. Naka pokus kasi ang atensyon nito sa kanyang inang nanigas sa kinatatayuan. Nanginginig ang tuhod na kaunting pitik na lang ay mabubuwal sa kinatatayuan.
"Ma! Mama! H-huy mama bakit !"
BINABASA MO ANG
Sick Senses
Mystery / ThrillerPaano kung hindi kana nga kagandahan , hindi ka pa mahusay sa pagkanta at pagsayaw. Marunong kang gumuhit ng larawan pero di kagalingan. Sinubukan mong pasukin ang larangan ng pagsusulat pero palagi kang nangangapa. Parang ipinanganak ka lang para...