Sick 3

39 5 2
                                    


"Aaaaah! *pak!"

Isang malakas na sampal ang nagpagising sa diwa ni Wendy.

Dilat na dilat ang mga mata at agad suminghap ng hangin na parang ilang oras n'yang pinigilang gawin ito.

Napahawak ang isang kamay sa malanit na pisngi at ang isang kamay ay sa parteng dibdib ..masyadong mahapdi iyon.

Dumako ang tingin nito sa bagay na nakakabit sa kanyang isang kamay pagkaraay kumunot ang noo.

Lumibot ang paningin ni Wendy sa buong paligid. Ilang beses pa nya itong ginawa na tila hindi titigil ang mata kakasuyod sa paligid hanggat hindi na babali ang leeg.

Tahimik ang loob ng silid tanging mabilis na paghinga nya lamang at tunog ng maingay na electricfan na puno ng kalawang.

Puti ang kisame maging ang dingding. Maluwag ang silid, tanging kulay abong aparador sa (kaliwang) gilid. Isang maliit na Tv' flat screen na naka sabit sa puting dingding sa harapan at isang kama kung saan sya nakahiga.

Malalim na buntong-hinga ang kumawala sakanya, isa lang ang pumapasok sa isip nya ngayon. Iyon ay ... nasa ospital sya.

"N-nahimatay ka ." pambasag sa katahimikan ng taong palagay nya ay sumapak sa pisngi nya kanina.

Hindi na nya kailangan lingonin ito dahil sa boses palang ay kilala na nya ito.

Nanatili syang nakahiga at nakatingin sa puting kisame habang pinagmamasdan ang dalawang butiking tila naghahabolan.

Gustong nyang libangin ang isip sa ibang bagay, iwaglit ang katakot-takot na naranasan ..maging ang kanyang napanaginipan.

Isa-isang nag slide show sa isip nya ang lahat ..

"Maaaaa!!"

"HAYUP KA ATE! H-hayup!"

"WENDY~ AKO TO ANG ATE MO. DIBA MAHAL MOKO!! Halikaaa~ BWAHAHAHAHA ISUSUNOD NA KITA!!! "

"HINDI IKAW ANG ATE KO!! D-DEMUNYO KA IMPAKTU! HAYUP KA ! WALANG AWA!!"

"tyug mmao uugo k-kanNa-ackk ah-ackk"

"BUHAY KA PA PALA TANDA!! BWAHAHAHAH! PERO NGAYON, SISIGURADUHIN KO NG PATAY KA!!"

"M-mahal ka n ng m -ackK MA! ack"

"Maaaaaaaa!!"

"Waaaag!"

Isa-isa ring nag patakan ang luha ni Wendy na hindi man lang nya namamalayan.

Dumako ang kamay nya sa bahagi ng kanyang dibdib at nililis ang suot nyang hospital gown para matingnan ang bahaging 'yon.

Walang sugat , pero mapapakanta ka talaga ng HAPDI AT KIROOOOT~ by APRIL BOY.

Alam nya sa sarili nya na hindi lang 'yun isang pangkaraniwang PA-NA-GI-NIP . May nais 'yung iparating ..pero bakit!? B-bakit sya pa! 

"B-bigla ka na lang nabuwal sa kinauupuan mo n-nung sumigaw ako saka nag brown out  ..h-hihi ang galing 'nu .."
(Back read) .." - Garalgal ang boses nito, tumikhim ito ..para matanggal ang barang namuo sa kanyang lalamunan.

Kung ganon, pagkatapos magbrown-out ..nawalan na sya ng malay at panaginip na ang lahat ng sumunod na nangyari. Panaginip  pero ..bakit parang totoo, bakit parang sariwa pa sa isip nya ang lahat.

Bakit ramdam nya ang sakit , bat parang ilang beses na saksak ang natamo nya ..katulad sa panaginip nya.

Hindi na bago kay Wendy ang lahat, Hindi ito ang unang pagkakataon na gumising sya mula sa malagim na panaginip at gigising ng umiiyak. Na ramdam nya ang lahat ng sakit galing sa panaginip nya.

"M-masakit ba pi..pisngi mo? , napalakas ata pag-sapak ko sa mukha mo h-hahahah~ .." napa bungisngis ito sa sariling biro.

"Putcha naman Wen! Gaano ba kalakas ang pagkakasapak ko sayo para ma-stroke ka ng ganyan! K-kausapin mo naman ako. Ano bang nangyayari sayo .."

Nangsatingin nya'y wala syang makukuhang reaksyon kay Wendy , napangiwi ito .. At pansamantalang tinikom ang bibig ..lumipas ang ilang segundo'y tumikhim ito saka nagtanong muli.

"May gusto ka ba? ..p-pagkain? Tubig? Ehm! ..Mansanas! ..pagtatalop kita! " -mula sa pagkakatayo sa may bintana'y taranta itong lumapit sa may kabinet na maliit kung saan naka patong ang isang pulang plastic para kunin ang mansanas at umupo sa silya para simulang magbalat.

"Sabi nga nila, An apple a day makes a D-doctor away h-hihi. " umigting ang panga nito ng nanatiling walang kibo si Wendy.

Linamon ulit ng katahimikan ang silid, tanging tunog ng electricfan at paisa-isang patak ng gripo sa banyo dahil sa hindi maayos na pagkakasara nito . At mahihinang yabag mula sa labas ng kwarto ang maririnig.

Lumipas ang tatlong segundo ..hanggang mag limang minuto at umabot ng maraming minuto .Tuluyan ng napanis ang laway ng dalawa.

Tapos ng balatan ni Mondy ang lahat ng mansanas (ang totoong Bida sa kwentong ito)
Humiwa sya ng maliit at saka tinusok sa kutsilyo at inabot sa kapatid na si Wendy.

Akala nya'y patuloy syang de-dedmahin ng kapatid kung kaya't laking gulat nya ng bumaling ito sa kanya at kunin ang maliit na pirasong mansanas.

Bahagyang na pangisi si Mondy , pero agad ring nabura ng napansin nyang nakatitig sa kanya ang kapatid. Bagay na ayaw na ayaw nya sa mga oras na yun.

"anong ..petsa na" pangalawang beses na salitang lumabas kay Wendy matapos nitong magising.

"O-october 31 isang ..araw kana rito. Kung inaalala mo 'y-yung bayarin rito sa ospital kaya ka nag-kakaganyan . Sagot na lahat ng PhilHealth .." -nag-aalangang sagot ng panganay sa magkakapatid

Sumilay ang hilaw na ngiti kay Wendy habang lumuluha.

Bakas ang pagkalito sa mukha ni Mondy. At unti-unting nabuo ang isang ideya. Sana lang ay mali ang mga iniisip nya.

"G-gusto ko ng mamatay .. " -mahina at puno ng sakit ang boses na 'yun. Mahina na mistulang bulong na kahit sarili nya ay hindi narinig ang huling sinabi.

Pero iba si Mondy, sa hindi malamang dahilan. Mas malakas ang senses nya kumpara sa normal na tao. At mas lalong malakas ang pandama nya tuwing buwan ng Mahal na Araw o di kaya naman ay Undas.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mondy , bahagyang bumuka ang kanyang bibig ..at mabilis ring tumikom. Parang may gustong sabihin pero mas minabuti nalang manahimik kahit kating-kati na syang sumingit.

"Walang .. walang naniniwala s-sakin ate " tuluyan ng humagolhul si Wendy na agad namang dinaluhan ng kanyang ate .

"N-nakit-a ko ate .. y-yung *huk* *huk* babae a-ate pi ..pinat--*huk* tay ..wala akong n-nagawa  .."

Hindi malaman ni Mondy kung paanong pagpapatigil ang gagawin nya sa kapatid kung kayat yinakap nya na lamang ito at tila nag-aalinlangan pa ng hagurin nito ang likod ng kapatid .

Nang sa palagay nya'y kumalma na ang kanyang kapatid. Tingin nya'y kailangan nya ng magpaka-Ate. Bahala na kung anong lumabas sa bibig nya , sana lang ay may katuturan ang masabi nya. Isang tikhim ang kanyang ginawa bago bumuka ang bibig

" H-hindi ako magaling sa pagpapayo pero .. Wen, m-may mga bagay na hindi mo mapipigilan. Mangyayari at mangyayari ang bagay na 'yon k-kahit gumawa ka pa ng paraan .. May mga pagkakataong k-kailangan mong  ..wag makialam. AT m-may  ..mga bagay na dapat mong tang..gapin na hindi *huk* *huk*  t-talaga tayo normal .." kasabay ng pagbuhos ng luha ni Mondy ang pagbuhos ng mga ala-alang nababalot ng misteryo.

'Sana lang ..maging tama ang magiging bawat desisyon mo Wendy. '

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sick SensesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon