Sick 2

59 8 3
                                    

"Ma! Mama! H-huy mama bakit !"

Nakatalikod sa kanya ang kanyang Ina kung kaya't pinaharap nya ito sa kanya.

Natutup ni Wendy ang bibig habang nanlalaki ang mata.

"Maaaaa!!"

Sapat ang mabilisang liwanag ng kidlat na tumatama sa loob ng silid para makita ni Wendy ang Ina.

Puti ang mga mata nito at dilat na dilat. Maraming kalmot sa mukha na halos ikatanggal na ng balat sa pisngi nito.

Mangiyak-ngiyak si Wendy sa kalunoslunos na itsura ng ina. Para syang tatakasan ng bait, lalo na ng makita nya sa likod ng kanyang Ina ang ate n'yang si Mondy. Na may hawak na kutsilyo sa kaliwang kamay at sa kabilang kamay nito ay ang ulo ng kanilang kapatid na umaagos pa ang sariwang dugo sa sahig.

Mabilis ang pangyayari. Hindi nya namalayan na lumapit pala ang kanyang nakababatang kapatid kay Sundy upang sumaklolo sana .. (pero sa maling tao). At ngayun ay biglaan ang pagka-pugot ang ulo at ang katawan ay nakahandusay sa sahig.

Parang demunyo ito kung ngumisi sa kanya habang nanlilisik ang mata.

Kasunod nito ang pagpatay sindi ng ilaw at pagputok ng mga bombilya ng christmas light. Masakit sa mata pero mas masakit ang puso ni Wendy dahil sa sinapit ng nanay at kapatid nya.

Hindi nya matanggap na ang ate pa nyang pinagkakatiwalaan at nakasama ng matagal ang gagawa sa kanila nito.

Walang kagatol-gatol na hinagis nito ang pugot na ulo ng kapatid na si Sundy sa pwesto nya.

Gumulong ang ulo nito sa paahan nya . Laylay ang mata na parang pwersahang itong dinukot. Maging ang pisngi nito'y laplap ang balat kung kaya't kita ang laman at pingas ang dalawang tainga. Para itong kinatay na baboy .

"HAYUP KA ATE! H-hayup!"

Sigaw ng dalaga na walang magawa kung hindi umatras habang lalaylalay ang inang ilang minuto nalamang ay malalagutan na ng hininga.

Pero iwinaksi ito sa isip ni Wendy,
*Mabubuhay ang kanyang ina. Mabubuhay silang dalawa! Makakatakas sila. Yan ang pilit na ipinapasok sa utak nya* kahit malabo itong mangyari.

Kailangan nyang humanap ng paraan o daan para makatakas sa demunyong nasa katauhan ng kaniyang ate. Pero .. malabo talagang mangyari ang iniisip nya.

Walang ibang daanan ang kwarto maliban sa nag iisang pintuan ng kwarto na kung saan ay kinatatayuan ni Mondy.

May isang bintanang gawa sa Jalosi ang kwarto ..pero may harang itong bakal. At kahit siguro sumigaw sya upang humingi ng saklolo ay walang makakarinig (dahil sa layo ng pagitan ng ilang bahay sa kanila) at siguradong wala ring mag-aaksayang tumulong sa kanila kahit may makakita o makarinig ng kanyang saklolo.

*Naloko na*

"WENDY~ AKO TO ANG ATE MO. DIBA MAHAL MOKO!! Halikaaa~ BWAHAHAHAHA ISUSUNOD NA KITA!!! " mabilis na humakbang ito papalapit sa kanya

"HINDI IKAW ANG ATE KO!! D-DEMUNYO KA IMPAKTU! HAYUP KA ! WALANG AWA!!"

Sunod sunod ang kidlat , na nakapagpadagdag ng takot ni Wendy. Takot syang marinig ang boses nito na parang nagmumula sa ilalim ng lupa. Takot syang makita ang mukha nito. Takot sya ,takot ! Takot na takot na parang tatakasan na sya ng sariling katinuan.

Dead-end ..walang-wala na syang maaatrasan. Ramdam nya ang lamig ng lumapat ang kanyang likod sa dingding.

Napaupo nalamang si Wendy habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang tainga. Mariin ang pag-pikit ng mata at mabilis ang pag-iling.

Sick SensesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon