chapter 3

3 0 0
                                    

Maria annica

"Be sa tingin mo tayo paren kaya hanggang dulo?" Tanong ng lalake sa babaeng nakahiga sa dibdib nya.

"Oo naman hindi kita iiwan no. Baka nga ako iwan mo baka igaya moko sa ex mo dati yong inapat na araw molang, tas iniwan mo nong nagsawa ka" Sabe ng lalake sakanya ng pabiro.

"Hindi ah! Hindi kita iiwan ikaw lang sapat na, kahit anong mangyare hindi kita igagaya sa mga ex ko nagbago nako no atsaka anjan ka naman kaya di nako maghahanap ng iba. Mahal na mahal kita alkean reyes!" Sabe ng babae nang nakangiti at napangiti ang lalake ng malapad atsaka hinalikan ang babae  sa labi napakaromantiko ng halikan nil—

Tiktilaokkkkkkkkkkk

Nagising ako sa ingay pagmulat ko ng mata ko napapikit ako sa sinag ng araw. Nagunat unat ako at napadilat ako nong nalaman kongwala ako sa kwarto ko at pagbangon ko,

ako lang magisa. At napatingin ako sa katawan ko iba nayong damit ko O-O

"AAaaaaaahhhhh papaaaa kooo!" Sigaw ko nang malaman kong wala ako sa sarili kong kwarto.

Biglang bumukas yong pinto at bumungad saken lnakaapron na lalakeng kinamumuhian ko >< nakatingin ako sakanya ng masamaaaa sobrang sama at pwede kona syang patayin sa tingin ko.

"Anong nangyare bakit my masakit ba sayo? Ano? Hoy nagugutom kanaba? O masakit ba ulo mo? Ano baaa?" Tanong nya saken pero tinignan kolang sya ng masamaaa. Lalapit sana sya

"WAG KANG LALAPIT ANONG GINAWA MO SAKEN HAA! BAKIT AKO ANDITO BAKIT KITA KASAMA BAKIT IBA NAYONG DAMIT KO! MAGKATABI BA TAYO KAGABI SIRAULO KA ANONG GINAWA MO SA—"  Di na natuloy yong sasabihin ko dahil binato nyako ng unan nanlisik yong mata ko sainis kaya sisigaw sana ulet ako pero naunahan nyako.

"Andito ka kase diko alam san ka nakatira kaya dito na kita dinala atsaka salamat ha kong wala ako kagabe baka napahamak kana sa kalasingan mo salamat ha! Iba nayong damit mo kase sinukahan mo, pati ako dinamay mo sa suka mo wag kang mag alala nagpatulong ako sa pinsan kong babae na bihisan ka, tas sa sopa nako natulog. At wala akong ginawa sayo babai. Bumangon kana jan at asikasohin mo sarili mo at kumain kana sa baba at umuwe kana" Sabi nya ng seryoso at my nilapag sa kama yong damit ko tas tumalikod nasya at umalis sinara yong pinto..

Hayy nako nakokonsesnya tuloy ako, akala ko pa naman :<

Bumangon nako at pumuntang cr at nagasikaso. Dinala konaren yong damit na suot ko lalaban ko nalang tas ibabalik sakanya. Pag baba ko asa kusina sya naghuhugas ng pinaggamitan ng niluto nya.

Naupo nako at hinintay sya ilang minuto dumating na sya at nilapag yong pagkain namen "kumain ka ng narami." Malamig nyang sabe ng di tumitingin saken" naupo na sya subrang tahimik habang kumakain.

Hindi na sana ako kakain dito kaso ang bango ng niluto nya adobong sitaw paborito koto ihhhh kaya no choice hehe. Habang kumakain hindi sya tumitingin saken. Kaya hinayaan konalang muna sya.

Natapos ng kumain ako na sana maghuhugas kaso "Umuwe kana baka hinahanap kana sainyo may nagaabang sa labas si mang ipi sya na maghahatid sayo pauwe sabihin mo nalang sakanya kong saan ka nakatira. Ingat" Sabe nya at tumalikod.

"Sandali" Tawag ko sakanya napahinto naman sya pero di sya lumingon. "Salamat nga pala kagabe susuli konalang yong damit mo. Salamat ulet alis nako al" Umalis nako at dumeretso sa labas ng bahay nya, meron ngang naghihintay na kotse siguro sakanya to o sa lolo nya. Sumakay nalang ako.

Nang nasa loob nako napalingon ko sa bintana ng kotse tumingin ako sa bahay nya nakita ko syang nakatingin saken umiwas nalang ako ng tingin.

Sinabe ko kay mang ipi kong san ako bababa. Ilang oras na medyo traffic kaya Napaisip ako bigla nong nakita ko sila ni vanessa masaya na siguro sila.

Nakarating nako sa bahay napaisip nanaman ako tungkol sakanya kamusta na kaya sya......

Truelove Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon