Kinabukasan
Ang aga ko yata nagising madilim pa sa labas, bumangon ako para pumuntang kusina at kumain.
Pagtapos ko kumain nag yosi ako sa garden. Habang nagyoyosi ako napangiti ako sa nangyare kagabe.
Nawala yong pagiisip ko kay vanessa ng may nakita akong lalaki sa dapat ng bahay namin parang nagmamasid sya. Kaya lumabas ako sa kabilang gate namin sa likod pumunta agad ako sa di kalayuan malapit sa dapat ng gate nangbahay ko naka itim na jacket sya namay numerong zero sa likod tapos naka cup na black. May logo pero diko maaninag, lumapit ako ng dahan dahan ng dinya napapansin.
"SINO KA AT ANONG GINAGAWA MO SA TAPAT NG BAHAY KO NG GANTONG ORAS!" Sigaw sa lalaking nakatalikod hindi sya lumingon kaya lalapit na sana ako ng may humarorot na motor sa likod ko at tinadyakan ako para mapagulong ako sa sahig. Naglabas ng patalim yong lalaking naka cup sasaksakin nya sana ako pero nahawakan ko agad ang kamay nya. Tumayo ako agad, Nang hawak namin pareho yong balisong sinupa nyako bigla.
pero diko ininda yong sakit siniko ko yong mukha nya dahilan para mabitawan nya yong balisong. Hawak ko yong balisong ng itutuk ko sa kanya dahil para mapahinto sya.
"Sino ka at bakit mo ginagawa to!? Magsalita! Pipi kaba! Anong pakay mo saakin!" Sabe ko sakanya ng matalim ang tingin. Nakayuko sya dahilan para diko makita ang mukha nya dahil madilim ren
"Layuan mo si vanessa kong ayaw mong mamatay" Sabi nya dahil para mapatulala ako. Kaya tumakbo sya papalapit sa motor sumakay sya at humarorot yong motor.
"Layuan mo si vanessa kong ayaw mong mamatay"
"Layuan mo si vanessa kong ayaw mong mamatay"
"Layuan mo si vanessa kong ayaw mong mamatay"
"Layuan mo si vanessa kong ayaw mong mamatay"
"Layuan mo si vanessa kong ayaw mong mamatay"
Bakit kailangan mangyare lahat ng ito. Napaluhod ako sa subrang sakit naiyak ako sa sakit nanghina ako kaya napahiga ako sa sahig. Bago ako mawalan ng malay nakita ko si ryle papalapit saken. At tuloyan ng nagdilim yong paningin ko.
"Lalaban ako para satin babe".