---> Kabanata XII, part 1 <---

62 3 5
                                    

     Jen's POV

          Woah! Kinilabutan ako ah! Parang may bumanggit sa pangalan ko? ("Hala! Bakit tumaas yung balahibo ko sa braso?" - Arian.) ("Shet! Ba't lumamig?" - Kelly.) Well anyway, nandito kami sa department store at bibili kami ng mga damit para sa mga bata sa bahay ampunan!! Wiiihh!! (/^o^)/

"Hoy! Hiwalay tayo, dun ka sa children's sections ng pangbabae, ako naman sa panglalaki." - Eros sabay lakad. G*go yun ah! Maka-hoy lang kala nya wala akong pangalan?! Tss, masama pa siguro yung loob kasi hindi nakakain. Well excuse him! Pare-parehas lang naman kami gutom na eh. Palamunin ko sya ng isang buong manok eh, yung buhay ah! XD

Pumunta ako sa may baby section para sa mga baby sa bahay ampunan. Para sa mga naguguluhang readers(kung meron nga talagang readers. XD) may tinutulungan po kaming bahay ampunan at ang mga binibili naming damit ngayon ay para sa mga bata sa bahay ampunan.

Nung natapos na ako mamili ng mga damit mapababy hanggang teenagers, pumunta na ako sa men's section dahil di ko sya nakita sa children's section at ayun nga ang mokong! Haha, namimili ng mga damit habang may mga julalay este sales lady sa likuran nya na buhat-buhat yung mga damit na binili nya. Ba't kaya hindi nalang magcart? Sira ulo talaga yun!

     Eros' POV

          Namimili ako ng damit na bagay sakin ng biglang...

"Bagay sa'yo." - napalingon ako bigla sa nagsalita dahil sa gulat.

"Jen?!" - ako.

"Buti naman at nabanggit mo na ang pangalan ko!" sabay pout nya. Haha, kala mo naagawan ng chocolate eh! "... Kaso para lang 'to sa mga bata sa bahay ampunan eh." - Jen.

"Ahh... ehh... I-Ito naman oh! Tumitingin lang eh! Tara na nga!" - ang bakla man pakinggan pero, pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa hiya kaya nauna na akong pumunta sa cashier. Nakita ko namang pinalagay ni Jen yung mga pinili ko'ng damit sa push cart na dala nya. Habang nasa pila kami may biglang lumapit saking sales lady tapos kumapit sa braso ko.

"Hi sir! Para saan 'yang mga pinamili nyo?" - nang-aakit na tono ng sales lady. Nginitian ko lang sign ng hello din. Hindi naman ako snob sa mga tao kahit na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.

"Uhm... Para sa mga bata sa bahay ampunan." - sagot ko tapos tinanggal ko yung pagkakakapit nya sa braso ko. Feeling close eh.

"Ang bait nyo naman sir!" - sales lady sabay kapit uli sa braso ko tapos dumikit pa lalo kaya naramdaman ko yung hinaharap nya. Shet! Feeler ba 'to?! Feeling maganda eh mukhang clown naman because of her make-up! Tsaka di ako basta-basta nahuhulog sa mga padikit-dikit nya sakin dahil may mahal na akong iba 'no!

"Excuse me miss, nakaharang ka kasi sa pwesto ko." - narinig ko'ng sabi ni Jen pero mabait ang tono. Ano na naman kayang acting nito? Pero thanks Jen! You're my savior! ^_^

Kwento ng Tropa(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon