---> Kabanata III <---

100 5 7
                                    

     Kyle's POV

          Pagdating ko sa tapat ng bahay biglang bumukas yung gate at nakita ko si Ryan.

"Tol, 'san ka galing?" tanong ni Ryan.

"May inasikaso lang." - ako.

"Tsk! Tanong ko 'san ka galing, sagot mo naman may inasikaso lang... parang ang layo naman nun sa tanong ko." - Ryan na gumagamit ng sarcasm.

"TOL! Pagod na ako... pwede bukas nalang..." nilakasan ko talaga yung pagsabi ng tol para matahimik na sya pero parang hindi umubra.

"ALAM MO BA'NG KANINA PA NAG-AALALA ANG TROPA LALO NA SI KELLY SAYO!" galit na sabi ni Ryan. 

"Bukas nalang pare, pagod na ako." mahinahon ko'ng sabi para huminahon na rin sya, ayokong mag-away kami.

"Sa tingin mo ba ikaw lang ang pagod?" mahinahon na ang pagkakasabi nya.

Lumakad na ako papunta sa pinto at binuksan ito. Bubuksan ko na rin sana ang ilaw kaso bukas na pala. Pagtingin ko sa kanan, nakita ko sila Jen at Kelly na natutulog sa sofa.

"Alam mo ba'ng hinintay ka ng dalawang yan... si Jen sinamahan lang si Kelly dahil hindi pa talaga natutulog si Kelly... nagulat nalang kami ni Jen na nandito pa sya at hinihintay ka..." - Ryan.

Mukha ngang pagod na pagod ang mukha nila lalo na kay Kelly. Hayy, bakit pa kasi nila ako hinintay eh! Nakaka-guilty tuloy...

"Ryan, tulungan mo nga ako---" hindi natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Ryan.

"Kahit di ka humingi ng tulong bubuhatin ko yan..." - Ryan sabay lapit kay Jen at binuhat papuntang taas.

"Bakit ba kasi masyado ka'ng nagpapagod pagdating samin? Alam ko'ng ate ang turing namin sayo pero... di mo kelangang gawin ang role ng pagiging ate namin kasi lalo ka lang mapapagod." - ako na kinakausap ng pabulong si Kelly kahit tulog ito.

Binuhat ko na sya at pumunta ng kwarto nya... Pumasok na ako sa room namin ni Eros at ang loko... tulo laway pa!

Umupo ako sa kama ko at humiga. Binalikan ko ang lahat ng nangyari kanina.

"Dianne... bakit bumalik ka pa? Kung kelan malapit na akong makalimot... tsaka ka uli darating?" - ako at pumikit.

     *Flashback*

(A/N: Ito yung dahilan kung bakit nawala si Kyle sa celeb. ng tropa :*)

          Ngayong araw gumising ako ng maaga kasi ngayon na yung 2nd anniv. ng tropa. Yes, makukumpleto na rin ang tropa! Tumingin ako kay Eros at ayon ang loko tulog na tulog. Naghilamos na ako at bumaba ng room. Agad ko'ng nakita sila Dylan na masyado'ng nagmamadali.

"Ui! Kyle bilisan mo aalis na tayo!" - Ryan.

"Oo na! Eh teka, pa'no si Eros?" - ako na kumuha ng tinapay at kinain.

"Hayaan nyo na yun, puyat yon eh." - Kelly.

"Ah ganon ba..." tapos kinain ko na ang huling parte ng tinapay.

"Oo kaya bilisan mo na kumilos dyan! Wag ka'ng magbagal!" - Jen.

     ((Fast Forward))

Nandito kami ngayon sa mall at namimili kami ng mga kakainin mamaya.

"Guys! Anong gusto nyo, Piattos o Nova?" - Jen na may hawak ng dalawang chichirya.

"Parehas." - sabay na sabi namin ni Dylan.

"Okay." - Jen sabay hagis sa cart.

"Anong gusto nyo Empi. Light o juice nalang?" - Jen na may hawak na bote at sachet.

Kwento ng Tropa(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon