---> Kabanata IV <---

77 3 4
                                    

Ate Tricky_izzy, ito na po ang magugustuhan nyong KABANATA !! XD

-----

     Jerald's POV

          Lumipas ang buwan at naging maayos naman ang tropa. Pero may bagong tao na maaaring gumulo sa tropa namin..... si Dianne Menosa. Si Dianne ang ex-girlfriend ni Kyle but sadly di alam ng mga girls ang tungkol dito at ang masaklap, kaklase nila 'to.

Hindi naman sa naninira ako pero to tell you the truth..... alam ko ang ugali ni Dianne at alam ko kapag may galit sya sa isang tao, gagawan at gagawan nya yun ng masama hanggang sa mahirapan ito. Alam ko ang kinikilos nito dahil ex-bestfriend ko si Dianne at alam ko kung bakit umalis ng bansa si Dianne pero di ko sinabi sa kanila.

Lunch ngayon at magkikita kami nila Jen at ng iba pa'ng babae sa tropa, wala kasi sila Eros dahil halos lahat o let's say lahat ng lalaki sa tropa ay nasa gym at nagpa-practice, basketball player kasi sila ng school na 'to.

"Jen!" - tawag ko sa kanya dahilan para mapalingon silang apat sakin.

"Rald! Ah!" biglang napaupo si Jen sa sahig at basang-basa ng juice. O.O

"Oops! Sorry... I mean it!" - isang babae at kilala ko kung sino sya, si Dianne. Tsk, ito na nga ba sinasabi ko.

"Wow huh! Ganda ng sorry mo 'te!" - Grace na tinaasan nya ng kilay pero tinaasan lang din nya 'to.

"Yan ang napapala ng mga pahara-hara sa dadaanan ko!" - sya. Mukhang may naaamoy akong away ah!

"Ate, tulungan na kita." - Arian tinulungan si Jen na tumayo.

"Miss, excuse me lang pero kung hindi ka naman magso-sorry sa mga ka-tropa ko pwede umalis ka na." - singit ko sa usapan nila dahil nakita ko'ng nakakuyom na ang kamao ni Kelly... baka masapak na nya eh.

Halata ko'ng nagulat si Dianne dahil tinawag ko syang miss kahit kilala ko sya pero agad naman syang nakarecover.

"Long time no see Jerald." - Dianne.

"Ahh miss? Alam kong sikat ako dito sa school pero... pwede ba na wag kang umarte na parang matagal mo na akong kilala." - ako.

"Look who's talking! Eh baka nga ikaw pa ang umaarteng parang di mo ako kilala eh!" - mataray na sagot ni Dianne.

"Sorry miss pero wag kang umasta na parang kilala mo ako pwede?" - ako.

"Bakit? Hindi ba? Tumatanda kana ba Jerald? Baka nagka-amnesia kana? O baka... nalason na yang isip mo dahil sa mga yan!" sabay turo nya kila Kelly.

"Aba---" naputol yung sasabihin ni Grace dahil siningitan na sya ni Dianne.

"Well, kung hindi mo ako nakikilala, magpapakilala ako---" - sya na pinutol ko naman yung sasabihin.

"Wag na miss, sayang lang oras ko sayo... Tara na girls, kain na tayo." - ako sabay lakad at nilampasan si Dianne.

     *at the bench*

"Jerald, kilala mo ba talaga yung babaeng 'yon?" - Arian na nagtanong agad pagkalapag ng pagkain nya.

"Hindi 'no! Baka isa lang sa mga obsessed fan ko dyan sa tabi-tabi." - ako sabay kagat sa burger.

"Siguro nga!" - Arian.

"Wow Rald! Ang hangin mo dre!" - Jen.

"Grabe ka naman Rald! Wag naman ganun! Ang bad naman ng pagsabi mo ng "TABI-TABI" parang mga asong nagkalat lang huh!" - Kelly.

Kwento ng Tropa(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon