---> Kabanata VI <---

80 2 0
                                    

     Dylan's POV

          Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at sa mga nagdaang yun naging maayos na ulit ang samahan ng tropa at ipinakilala ni Kyle si Dianne samin na girlfriend nya matagal na.

Ngayong araw na 'to ay sem break na kaya ang tropa ay nagplano kung saan magbabakasyon. At nandito na kami ngayon sa rest house nila Grace dahil dito napagpasyahan ng tropa na magbakasyon.

Pagbaba namin ng kotse may sumalubong samin na lalaki na galing sa rest house. Akala ko nung una boyfriend ni Grace dahil masyado silang close pero pinakilala sya samin ni Grace na.....

kuya nya pero pinsan nya... Get's nyo?

Ganto kasi 'yon. Para sa mga nagbabasa na di naintindihan, yung pinsan nya eh yung lalaking sumalubong samin at kuya ang turing nya dito dahil sa wala naman syang kapatid na lalaki.

"Wow grace, may pool pala kayo dito!" - ako.

"Anong akala mo wala? Itulak kaya kita dyan!" - Grace.

"Guys mamaya na yan. Maghati-hati muna tayo ng room." - Jerald. "Ganto, taas ng kamay nung may partner na sa gagamiting mga room." dagdag pa niya. Nagtaas kami lahat ng kamay.

"Okay... hawakan nyo sa kamay yung partner nyo." at hinawakan ko ang partner ko, si Ryan syempre.

"Oh! Edi kayo na ready. Vince! Tara tayo nalang partner, tutal wala na akong choice." - Jerald.

"Eto naman!" - Vince.

"Joke lang, 'to di mabiro." - Jerald.

"Uyyy, may mga nagbabaklaan!" - Jen sabay turo samin ni Ryan at kela Eros, kasama nya si Kyle.

"Tss, o ano pinaglalaban mo?" - Eros.

"Pinaglalaban nya na bakla kayong apat." - Mama Kelly.

".........." - Eros. Haha, tahimik sya eh! Naku, pag si Mama Kelly na talaga ang mangbabara kay Eros tatahimik na yan. XD

"Hahaha!" - Girls. Tss, naku pasalamat kayo mga babae kayo.

"Wait lang! Kayo may partners eh pa'no naman ako? Anong room ko?" - Dianne.

"Ah! May bakante pa'ng room dun, pwede ka dun mag-isa ka lang." - Grace.

"Pwede ba'ng samahan ko nalang sya don?" - Kyle.

"Oi! Dre di pwede 'no. Bawal yan!" - Eros.

"Ok lang ako babes, wag ka mag-alala." - Dianne.

"Oo nga naman Kyle, wala namang mangyayari sa kanya eh! Di naman sya mamamatay dun, tss!" - Jen.

"Oo nga! Matutulog lang eh!" - Arian.

"Che!" - Dianne.

"Aba't---" - Jen.

"Uhm... Jen, Arian, Grace, punta na tayo sa room natin para naman makapag-ayos na tayo ng mga gamit natin." - Kelly.

"The heck.." - Jen.

"Tss.." - Arian.

"Fine.." - Grace. Mahihinang sabi nung tatlo.

"Oo, para makakain na tayo! Tara na mama Kelly, sabay tayo pumunta sa room natin. Natatakot kasi ako baka mamaya masabunutan ako ng wala sa oras nang dahil sa kanila." - ako sabay kapit kay mama Kelly, bigla namang tumingin ng masama sakin yung tatlo.

"Ikaw puro pagkain nalang ang nasa isip mo! Pwede ba kahit isang oras lang umakto ka namang TEENAGER wag yung puro pagka-CHILDISH yang inaakto mo!" - Grace.

Kwento ng Tropa(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon