---> Kabanata I <---

203 6 1
                                    

     Eros's POV

          Nandito ako ngayon sa rooftop ng school namin at kumakain ng lunch. Masaya ko'ng pinagmamasdan ang magandang view nang biglang bumukas ang pintuan sa rooftop.

"Oh! Choco, mag-isa ka lang dito naglu-lunch?" - Kelly sabay tabi sakin.

"May nakikita ka bang katabi ko na di ko nakikita? (-_- ")" - sarcastic ko'ng sagot.

"Ito naman di mabiro eh..." tapos naglean sya sa parang veranda ng rooftop. "...sya na naman pala yung tinitignan mo." sabi nya.

"Oo, maganda naman sya eh." - ako. Maganda naman talaga eh! Pag nakita nyo baka ma-inlove din kayo, pero di ko hahayaan yan! Dadaan muna kayo sakin! *death glare*

"Oo nga maganda sya... nakakatomboy nga eh... kaso taken na yung heart nya tol!" - Kelly. *stab* Ouch! Saket nun ah!

"Oh! Ano namang problema dun?" tanong ko.

"Kung ako sayo Eros maghanap ka na lang ng iba... kasi sayang yung time mo sa kakatitig sa kanya eh! Di ka naman nya napapansin!" - Kelly . *stab* *stab* shet! Ano ba Kelly, tama na... TT-TT

"Wala na eh... ayaw tumingin sa iba ng puso ko... kahit gustuhin ko man ayaw talaga eh!" - ako. Oo, hindi ko na talaga kaya!

"Try mo! Pagbaba mo lingon ka sa kaliwa't kanan mo. Pili ka kung sino maganda, yun ligawan mo! Hindi yung taken na!" - Kelly.

"Edi kung pagbaba ko dito sa rooftop at lumingon ako sa kaliwa't kanan ko..... IKAW nalang kasi magkasama tayong bababa dito eh!" - ako na nagbibiro at en-emphasize ko talaga ang word na ikaw. XD

"Sira! Di tayo talo 'no!" - Kelly. Sus, di daw talo?!

"Di daw talo pero may crush sya... tanong ko sayo tomboy ka ba o nagtotomboy-tomboyan lang?" tanong ko.

"E-Ewan ko sayo! Makakain na nga lang!" - Kelly na halatang umiiwas sa usapan.

"Sus, iniiba yung usapan eh." - ako.

"Isa pang asar mo dyan matatamaan ka sakin!" - Kelly na seryoso na, kaya si ako nanahimik na. Takot ko lang matamaan ni Kelly! Nga pala close kami ni Kelly kasi sa kanya ako humihingi ng payo, umiiyak o naglalabas ng sama ng loob tuwing galit ako. At maliban kay Kelly meron pa'ng isang babae na close ko sa tropa... si Jennilyn na tumatayo bilang ate ko.

((Fast Forward))

   After 3 years.. <~~ sabi ni Eros xD

          Uwian na at hinihintay namin ang ibang tropa ng bigla ko'ng makita si Gerleen... yung crush ko na tinutukoy ni Kelly sa rooftop... :(

          May kasama syang ibang lalaki galing 3rd year college. Kung matatanong nyo, 2nd year college palang kami. </3

"Sige, tingin pa! Tingin pa! Alam namang masasaktan tititigan pa! Kulit mo rin eh 'no!" - Kelly.

"Sakit 'no! Tingin pa Eros, tingin pa! Tignan mo 'to Eros oh, durog na." - Jennilyn. Tinignan ko kung ano yung tinuturo ni Jen... sa dibdib ko nakaturo. Oo nga, durog na puso ko. :(

"Hoy, kayo! Kung gusto nyo'ng maiwan para hintayin yang BUGOK na yan, mauuna na ako. Nagugutom na ako eh!" - Dylan. Napansin ko lang, kumpleto na pala yung tropa?!

"Oh? Kanina pa kayo dyan?" - ako.

"Ay hindi! Baka sakaling ngayon-ngayon lang!" - lahat ng tropa kaya napatingin samin yung ibang students kabilang na dun si Gerleen at yung g*g*ng lalaking kasama nya. Tss, nag-unite na naman ang mga utak nila! Ano akala nila? Na nasa speech choir sila?! At sakit naman sa tenga! Masakit na nga puso ko eh pati tenga ko dinamay pa. HAYY, BUHAY!

Kwento ng Tropa(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon