Prologue

11 0 0
                                    

Prologue

"Magimpake ka na! Para Hindi tayo gabihin sa byahe!", sabi ni papa.

Nagdadalawang isip ako sa sinabi nya.

" Anak! Bilisan mo dyan!",sabi nya ulit sakin pero di ako nagpatinag sa kanya.

"Paano si mama? Iiwan ko lang sya dito? Alam naman nating hinang hina sya. Kailangan nya ng mag aalaga sa kanya!", sabi ko ngunit nanatili ang aking paningin sa sahig. Dahil ayaw Kong makita ang galit na galit na mata ni papa sakin.

" Anak, wala ng pag asang gumaling ang mama mo! Dyan na sya mamatay!",pagkasabi nya non sakin ay agad na nalaki ang mata ko at nagpanting ang mga tenga ko.

"Pa? Naririnig mo ba ang sarili mo? Pa, si mama yan! Si mama! Ginawa mo naman syang Parang aso lang na naghihingalo! Pa! Ano ba?", sabi ko habang nagsimulang tumulo ang aking mga luha.

" Anak, tanggapin mo na! May taning na ang buhay ng mama mo! Kailangan mo ng sumama sakin pa'Maynila!",paliwanag nya. Ilang beses nya na akong kinukulit sa mga bagay na'to pero kahit isang beses Hindi pa ako pumayag sa kagustuhan nya.

"Hindi to too yun! Pa, ganyan lang ang mga doktor! Pero...Hindi...Hindi pa mamatay si mama! Hindi!", sabi ko at saka ako tumakbo palabas ng ospital.

Narinig ko ang ilang pagtawag sakin ni Papa pero di ako natinag. Tumakbo ako kahit wala akong kasiguraduhan kung saan ako pupunta.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Kahit pa nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luhang umaambang pumatak.

Huminto ako sa kakatakbo at pumikit ako ng mariin para tumulo ang luha sa aking mga mata.

Ang sakit lang...dahil sa sarili mo pang ama nanggaling ang mga salitang Hindi mo inaasahan. Sa tono nya kanina...Parang wala lang sa kanya na mamatay na si mama.

Dumilat ako para sana maglakad muli. Ngunit, nakadinig ako ng malakas na busina at diko masyadong maidilat ang mga mata ko dahil sa liwanag ng ilaw sa aking harapan.

Naramdaman Kong lumipad ako sa ere at bumagsak ako sa kalsada at...everything went black.

Memories To RememberWhere stories live. Discover now