Chapter 19

46 3 0
                                    

*park*

Nakaupo kami sa bench sa kaninang inupuan namin kasama sila adrian.

"Rebecca may ipagtatapat ako sayo.." biglang lingon sakin ni jet kaya naman pala kanina pa to pinagpapawisan may gusto palang ipagtapat hayy

"Simulan mo na kung gusto mo" mahinahon kong sagot. Sakto at gusto kong maging listener kahit ngayon lang. Na tyempuhan ni jet ang mood ko ah. Naramdaman kong malalim na nagbuntong hininga si jet bago umpisahan yung ipagtatapat nya.

"Sorry kung hindi nagkagusto sayo si troy. Alam kong patay na patay ka sa kanya noon palang pero sorry kasi..-"

"Anong ginawa mo jet? Anong mga sinabi mo sa kanya para hindi ako magustuhan ni troy? Sinabi mo bang wag sya magkagusto sakin?"

Kung ginawa man ni jet yun. Napaka kapal ng mukha nya. Tsk umpisa palang yan ng kwento nya pero mukhang maiiyak na ako sa mga oras na' to.

"Rebecca mali. Mali yang iniisip mo"

"So ano jet? Ipaintindi mo sakin please.. Ipaintindi mo " Ako

"Ginamit ko yung librong 7 Ways to make your crush fall inlove with you sayo"

Napalingon ako kay jet ng may halong di maintindihang feelings sa puso ko.

"A-ano?" Wala na akong ibang masabi pa.

"Nung unang araw palang na makita kita sa school nahulog na agad ang loob ko sayo. Ewan ko pero mahal na kita agad at walang salita na kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Tumigil ng ilang saglit ang mundo ko habang pinapanood kitang maglakad sa hallway. Ang simple mo, simple ang ganda kaso mukhang masungit. Pero hindi siguro yun hahadlang sa pagmamahal ko sayo. Kaya minsang naglakas loob na ako sayong lumapit at tama nga ang nakita ko sayo. Na masungit ka nga, parang halos araw-araw noon pagtinatawag kita hindi mo ako nililingon. Hinayaan ko lang ang side mong ganun dahil ikaw yan eh hindi ko yan mapipigilan.. na surprise lang din ako noon na nainlove na pala ako sa tulad mo. Dati kasi pag-naiinlove ako, sa legs, sa cleavage,  chics, famous, mayaman, sa maikling magsuot ng shorts, sa magandang mukha ng babae. Dyan lang ako naiinlove noon. Playboy nga kung tawagin. Pero kasi sayo iba eh, siguro sa tibok ng puso ko na galing. Eh siguro yung dati.. tibok galing sa mata eh. Minsang pinag-gugulan ko din ang pagiging stalker ko. Oo tama ang dinig mo naging stalker mo ko naging hamak na tambay sa puso mo ay este sa facebook mo. Kaya ko nga nalaman ang buong pangalan mo eh, age mo pati na din ang address ng bahay nyo. Sayo nga lang din nga ako na torpe ng ganto, noon kasi kahit kaninong babae pa yan hindi ako nahihiyang manligaw pero sayo oo. Nabago mo din ang lahat ng kaplay-buyan ko.. Kaya nasabi kong mahal na kita at inlove na ko sayo. Bakit pa kita pakakawalan kung ramdam ko nang ikaw na ang destiny, meant to be, soulmate at future wife ko. Tsk nakakainis na nga minsan eh iba na kasing level ang pagmamahal ko sayo. Sinabihan ko ang tito ko tungkol dito nagpa-advice, nagpatulong ako sa kanya. Hanggang sa may inalok sya saking libro. Ang 7 Ways to make your crush fall inlove with you. Nasubukan nya daw yan noon. Kaya nga daw nya naging asawa si tita. Nakaka-amaze nga eh tapos pati si tita kinuwentuhan ako about kung pano sya ginamitan ni tito ng librong yun. Bigla nalang daw syang nagkagusto ng parang magic kay tito. Tapos ngayon may walong anak na sila apat na babae at apat na lalaki. Hayy sarap pakinggan ng love story ng iba noh? Wag kang mag-alala gagawa tayo ng satin."

7 Ways to make your crush fall inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon