Chapter 2

201 4 0
                                    

*bahay*

"Sige ma at pa, akyat na po ako sa kwarto ko." paalam ko sa kanila at eto ako hawak yung sandwich na bigay ni mama

"Sige baby mag-ingat ka!" Papa

Oo tama kayo ng basa. 'baby' ang tawag sakin nila mama at papa. Akala nila baby pa ako. Kahit na alam nilang college student na ako. Bine-baby pa parang ganun. Palibhasa only child lang ako.

Sinimulan ko ng kainin yung sandwich. Tapos bigla kong naalala.. masimulan na nga yung librong binili ko kanina.

*kuha sa bag*

*buklat*

Author's Note:

  Teka lang. Ta-taglishin ko nalang yung steps dun sa libro para mas maliwanag ang pagkakaintindi nyo.

First step

1. I-trace ang pangalan ng crush mo sa bituin at ipagkonek ang mga to.

Author's Note: Parang Connect the dots lang.

Dali-dali kong binuksan yung bintana ng kwarto ko. At kungsinu-swerte nga naman ako. Daming stars ngayon. Teka saan ko ba sisimulan?

*After 12minutes*

  Mabilis lang pala ang first step eh. Pero medyo natagalan lang din ako.

*kagat sa sandwich*

..

..

..

..

*successfully log in facebook*

Nag-online muna ako saglit sa desktop namin tapos nag status ako.

Status:

Eating tuna sandwich~ #ForeverFavorite

tapos nag-offline din ako agad. Gaya nga ng sabi ko kanina lang.. saglit lang ako.

Pffft Makatulog na nga para maganda gising ko bukas.

~~

*school*

"Rebecca!!!"

Sino naman yung epal na tumatawag sakin? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko makita kung saan ng gagaling yung boses eh.

"Rebecca!!!" tawag nya pa ulit. Hindi ko nililingon kung sino man sya. Istorbo lang sa paglalakad ko.

"Uy rebecca snobber ka na ngayon ah?"

  May humarang sa harapan ko dahilan para tumigil ako sa paglalakad tapos napatingin ako sa kanya. Si Jet pala. Yung tawag ng tawag sa pangalan ko kanina pa.

Hindi ko sya pinansin ang fc nya eh.

"Ang snobber mo na talaga rebecca." habol nya pa.

Nainis na ako sa kanya kaya nilingon ko na sya. "Bakit sino ka ba?" tanong ko.

"Hindi mo nanaman ako kilala? Halos paulit-ulit nalang akong nagpapakilala sayo." Sya

  Naglakad nalang ulit ako.

"Uy rebecca sandali." sya

"Ano bang kaylangan mo? Kainis ah." Ako

"Ang highblood mo naman ngayon. Oo nga pala may itatanong kasi ako sayo."

"Ano yon? Pakibilisan nalang." Ako

"Eto na.. na miss mo ba ko?" Sya

Naiinis na talaga ako sa kanya maging dun sa tanong nya. Anong konek nun sa reality ng buhay? Diba wala naman akong friends kaya bakit ko sya kakausapin? Dahil mabait ako ngayon pinagbigyan ko sya tapos pipilosopohin nya lang ako.

"Tapos ka na?" pilosopong tanong ko din sa kanya

"Teka di mo pa nga sinasagot yung tanong ko eh."

"Bakit ba kasi??!" Naiinis kong sabi.

"Absent kasi ako kahapon kaya tinatanong ko kung na miss mo ba ko?" Sya

Kaya naman pala ang ganda ng araw ko kahapon walang jet na makulit. Absent daw sya. Well who cares?

"Lumayas ka nga sa harapan ko!!!!"

Sinigawan ko sya. Naiinis na talaga ako sa kanya eh. Mainit kasi ang ulo ko ngayon. Ewan ko nga din kung bakit. Siguro dahil sya ang unang mukha na sumalubong sakin.

"Rebecca sorry na. Tinatanong ko lang naman kung namiss mo ako eh."

  Hindi ko na sya pinansin pagkatapos. Ang kulit nya kasi. Naiirita din ako pagnaririnig ko ang boses nya.

  Sya lang naman kasi si Jet. Jet Ramirez. Ang tawag sa kanya ng mga babae dito is JR. Wala naririnig ko lang din. Isa sya sa mga kaibigan ng hubby ko ay este crush ko na si Troy.

Playboy yan sa barkada nila si Jet eh. Kaya wala akong pakielam sa kanya. Siguro tin-try nya na mahulog ang loob ko sa kanya. Jan sya nagkakamali. Big NO for that. Mali sya ng napili. Hindi naman kasi ako easy to get. Kaya manigas sya!

Hindi ko din alam kung pano kami nagkakilala nung jet na yun. Basta isang araw, lagi nya nalang akong kinukulit at basta kung ano-ano pa. Kaya naiirita ako sa kanya. Ang fc nya din kasi kalalaking tao.

Bago pa man ako makapasok ng room may humarang sa dadaanan ko...

"Hey cheap."

  Si jane and kids. I mean kaibigan nya pala. Ayan nanaman sila. Pinag-iinitan ako. Papansin talaga grrrr.

7 Ways to make your crush fall inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon