Chapter 20

41 2 0
                                    

"Hindi nohh. Eh naaalala mo pa nung may nagbigay sayo noong letter?" Jet

*throwback*

*school*

"Ate may nag-papabigay po.." May babaeng lumapit sakin tapos nakita ko may inabot syang maliit na papel.

Kinuha ko yun tapos..

"Ate kanino to ga-" tatanungin ko pa lang sana yung babaeng nag-abot sakin kaso wala na sya sa harapan ko. Hala? Saan nagpunta yun? Hindi kaya maligno yun? O di kaya multo? Waaaah wag naman sana.

Nilagay ko muna sa bulsa ko yung maliit na papel. At naglakad.

*classroom*

Umupo na ako sa upuan ko.

*ting*

May naalala pala ako. Yung may nag-abot saking papel. Yung papel na maliit. Teka saan ko nga ba nilagay yun?

*hanap*

Nasa bulsa ko nga pala.

*buklat papel*

"   HI   "

Badtrip >_<) Pinagti-tripan yata ako nung nag-bigay nun eh. Anong klase to? Hi lang ang nakasulat. Anong meaning nyang hi?

Hi-blood

Hi-five

Hi-nako!

Hi-jusko po!

Hi-tech

Hi-friend

Hi-rry potter

O

Hi na hello.

Weird grabe. May tama yata talaga sa pag-iisip yung nagpa-bigay. Kung magbibigay lang naman sana paki-effort effortan lang tss. Imagine yung binigay sakin..

Maliit na papel, nakatiklop tapos yung papel nya parang pinunit lang kung saang pad paper. Tapos pagbukas mo "Hi" lang yung nakalagay. Hindi naman sa sinasabi kong bakit konti? Sinasabi ko lang.. EFFORTLESS.

Goodvibes lang rebecca. Wag mo sirain ang araw mo ng dahil dun. Sira ulo kasi ang nagbigay nun kaya lang ganun itsura. *enhale-exhale*

*End of throwback*

"Oo may babaeng nagbigay sakin ng letter pagkadating ko sa school. Nabwisit nga ako dun sa letter eh. Teka wag mong sabihin ikaw din may pakana nun?" Ako

"Haha oo" Jet

"Eh bakit 'Hi' lang ang nakasulat?" Ako

"Sabi dun sa libro.. 6. Magbigay ng letter sa kanya ng di nya nalalaman na ikaw ang nagbigay. Wala namang sinabing love letter, thank you letter, friendly letter o kahit ano pa. Sabi lang letter. Walang specific na sinabi. Kaya yun lang ang naisipan kong gawin. Madalian nga lang yun eh kasi nakalimutan ko. Kaya nagpunit lang ako sa papel ko."

"Halata nga walang effort eh" Ako

Oo nga nuhh. Tama si jet walang specific na sinabi sa libro. Akala ko naman love letter lang. Nagpakapuyat pa ako dun sa love letter na yun may mga designs pa nga yun sa gilid eh para lang maiabot kay troy. Tsk pwede naman pala kahit anong letter.

Lesson Leared: Basahing maigi ang instructions para iwas nganga haha

"Tapos.. Yung pang seventh rule? Ipaalala mo nga sakin kung pano ka nagtapat noon." Ako

"Diba nung nagSM FOODCOURT tayo nun? Nagpapatulong ka sakin kung paano ka magtatapat kay troy? Kaya inunahan na kita."

*throwback*

SM FOODCOURT

"Uy ano? Aabutin na tayo ng hapon dito." Ako

"Eto na nga eh. Rebecca wait." Jet

Napatingin naman ako sa kanya.

"Anong problema?"

"May ipagtatapat kasi ako sayo eh." Nakasmile nyang sabi.

"Oh bilisan mo time is gold." Ako

Gasgas na yung kasabihang time is gold eh pero trip ko pading gamitin hihi

"Mahal kita rebecca. Mahal kita."

Sabi nya saking mata sa mata. Tsk ayan nanaman sya eh.

"Adik ka!" Ako

*End of throwback*

Ah oo. Ginamit nya sa pabirong way yung pagtatapat sakin hehe atleast na kumpleto nya yung 7 ways blah blah. Ang masaklap lang, naunahan nya ko. Dahilan para magkagusto na nga ako sa kanya at ako ang hindi magustuhan ni troy. WHATA LIFE?! Pero minsan kahit joke pala totoo din.

"Ay oo naaalala ko na lahat hihi" Ako

Time check: 6:43pm

parang kanina lang 5:37pm lang bilis ng oras ah hehe. Nag-story telling pa kasi kami ni jet eh.

"Ahm jet pwede uwi na tayo?"

"Ha? Oh sige."

"Kanina pa din kasi ako nilalamok dito sa pwesto natin." Ako

"Ha? TAKTE NAMAN REBECCA OHH. Bakit hindi mo sakin sinabi agad? Edi sana ni-ninja turtles ko yung mga lamok. Tsaka lagot ako sa papa mo, sabi ko kasi sa kanya iuuwi kita sa bahay nyong walang galos eh."

Nagulat naman ako sa reaksyon ni jet. Ang Oa na ang sweet na ang worried. Haha akala ko naman kung ano.

"Okay lang ako. Tara na!!"

~~

7 Ways to make your crush fall inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon