Chapter 23

43 2 0
                                    

  Jet's POV~

Lumingon ako sa paligid ko.

*lingon*

*lingon*

T-teka s-si r-rebecca b-ba y-yun?? Sana tama nga ang nakita ko. Babaeng nakatungo at nakaupo sa isang banda. Maliwanag naman yung lugar kung nasaan sya kaso nakatungo kasi sya. Tin-ry kong puntahan yung babae at umaasa na sana si rebecca yun. Sana hindi ako nagkakamali.

Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa kanya at iniwan ang mga dala ko sa bench. Siguro dalawang meterstick ang layo ko sa kanya nung tumigil ako para pagmasdan sya.

Nakita ko naman na iniangat nya na ang ulo nya. Tama nga ako, si rebecca ang babaeng nakita ko. Punong-puno ng luha ang dalawang pisngi nya.

"Rebecca" humahagulgol syang tumakbo sa akin at tsaka niyakap ako nung makalapit na sya. Sinalubong ko din naman sya ng yakap. Yakap na ayaw ko nang kumawala pa sya. Ang bilis ng mga pangyayari nandito na sya sa harap ko.

"J-jet saan ka ba galing? Matagal kitang hinintay"

Napawi na ang agad ang pagod ko nung marinig ang boses nya. Pero bakit parang iba? Paos ba sya?

"Sorry rebecca. Ginawa ko naman ang makakaya ko para makapunta lang dito. Kung hindi mo naman ako sasagutin okay lang naman sakin. Dahil pinaghintay kita ng matagal. Alam ko dahil kasalanan ko" Ako

Pinaghintay ko nanaman sya. Manliligaw palang ako pero ganto na agad ako. Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae dapat ang lalaki ang pinaghihintay. Gaano kahirap o kasakit man yan. Basta ang usapan, dapat ang lalaki ang pinaghihintay hindi ang babae.

"Ang Oa mo naman jet eh. Ayaw mo yata ako maging officially girlfriend mo" Rebecca

"Hah bakit naman? Gustong-gusto ko nga eh" Pinunasan ko yung luha nya  sa dalawang pisngi nya "Wag ka na umiyak pumapanget ka eh. Tingnan mo nga yang mata mo namamaga na kakaiyak."

"J-jet naman kase eh. Shi* ka ba? Saan ka ba kasi nanggaling bakit hindi ka sumulpot ng ilang araw ng ilang buwan ha?"

"Nagpamiss lang ako sayo"

"Shi* ka talaga nohh. Papatayin mo ko sa takot eh" Rebecca

"Gusto ko lang kasi magpamiss lagi mo nalang kasi ako dinededma. Teka panong takot? Takot ba na baka mawala ako?"

"Ewan pero nakakainis ka naman eh. Sobrang Effective nyang pagpapamiss mo"

"Haha sa totoo lang nagbussiness roadtrip ako sa Dubai" Ako

"Ha?? Talaga? Teka pano-"

"Tsk hindi ko na sinabi sayo kasi ang alam ko mas makakabuti yun kesa magpaalam pa sayo kaso nagkamali ako. Pag hindi nagpaalam mas grabi pa pala."

7 Ways to make your crush fall inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon