Months passed, patuloy pa rin kami sa set up namin ni Jho. Okay lang naman sa kaniya. Sa totoo lang, wala nga akong naririnig na angal sa kaniya e. Ewan ko ba, palalim ng palalim 'yung koneksyon ko sa kaniya. Hindi ko alam bakit.
"Bea, what's this?" Tanong ni Dad habang may pinapakitang picture sa phone niya. Wtf.
"Haaa? Saan niyo po nakuha 'yan?" Tarantang tanong ko naman. 'Yung picture kasi ay 'yung kissing scene namin ni Jho sa resto nung makipagkita si Marco sa amin.
"Hindi na mahalaga 'yun. Anong meron dito? Kayo ba ng assistant mo?" Dire-diretsong tanong ni Dad. Hindi ko alam kung anong emosyon ang taglay niya. Hindi ko alam kasi blangko ang expression ng mukha niya.
"Opo, kami po ni Bea." Sagot ni Jho. Sulpot talaga ng sulpot 'to. Nakakagulat.
"Bakit mo sinabi, Jho?!" Sigaw ko naman. Nagulat kasi ako dahil hindi naman seryoso 'yung relasyon namin ni Jho.
"At bakit naman hindi? Bakit mo tinatago? Gandang bata nito tas itatago mo lang?" Sabi naman ni Dad.
"Sorry, Dad. Akala ko po kasi hindi niyo matatanggap e." Sabi ko naman kay Dad.
"Ayos lang. Basta suportado ka namin ng Mommy mo. 'Wag ka na mahiya." Sabi naman niya at agad na rin lumabas.
Paglabas ni Daddy ay hinila ko agad si Jho para kausapin.
"Tangina, bakit mo sinabi? Pwede mo namang sabihing edited lang 'yung picture ah." Sabi ko sa kaniya.
"Gusto ko e. Hindi ka naman napagalitan ah. Suportado ka naman daw e." Sabi naman niya at kumindat pa.
"Diba alam mo namang pang-cover up lang kita?" Paalala ko ulit sa kaniya.
"Oo, pero I can't take this anymore. Gusto kita. 'Wag na natin gawing cover up ang lahat." Sabi naman niya. Nagulat ako kasi hindi pa naman kami ganun magkakilala tas gusto na niya agad ako. Parang ang bilis naman ata. Hmm.
BINABASA MO ANG
Midlle Ft. JhoBea
FanfictionSa gitna ng kawalan, nakahanap ako ng taong masasandalan.