Ang pinakamasakit na part ay yung kinabukasan after the break-up.
Yung feeling na pagkagising mo sa umaga parang nagsisisi ka kung bakit ka pa gumising.
Yung hindi mo mapaniwalaan na wala na sayo yung taong pinakapinahahalagahan mo sa buong buhay mo.
Yung gusto mo pang umiyak pero naubos na ang luha mo at pati mata mo sumusuko na.
Yung bigat na ayaw kang pabangunin mula sa pagkakalugmok mo.
At lahat lahat ng alaala niyo paulit-ulit na nagrereplay sa utak mo.
Wala ka na lang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng sakit at hirap na iyon.
Pero tulad ng sinasabi ng karamihan, lilipas din yan. Mahirap tanggapin sa umpisa at tila mahirap paniwalaan ang payong iyan pero totoo naman iyon na isang araw masasabi mo na lang sa sarili mo na "I Survived!"
Marami ng istorya na nagkikita ulit ang mag-ex. May iba deadma na lang, nabura na ng panahon ang feelings nila.
May iba bitter, may galit pa ring nararamdaman dahil sa kinahantungan ng relasyon nila.
Pero may iba umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo, hindi pa rin nagbabago ang feelings para sa isa't isa, at kahit kailan hindi nawala yung "LOVE" na
tinatawag nila.
Paano kung mahal niyo pa rin ang isa't isa pero ubos na ang chance para maging kayo ulit? Hanggang saan nga ba natatapos ang chance?
Tulad na lang sa kwentong ito nila Bryle at Elisse.
Bryle proposed to Elisse, they are perfectly happy but on the day of his wedding he is marrying another girl.
Is it right to fight for the wrong love?
Can they possibly have a second chance?
-------------------------------------------------------------------------
Wala na-inspire na naman ako eh.. Nasimulan ko tuloy itong isang to.. Sana po mabasa niyo to. Thanks =)
BINABASA MO ANG
A Second Chance for Us
Teen FictionAng LOVE....... Hindi ito para lang sa mga taong gustong sumaya, magkaroon ng kulay ang mundo nila, at maging buo ang buhay nila Ang LOVE....... Ito rin ay para sa mga taong handang harapin ang kabiguan at muling bumangon mula sa pait ng nakaraan...