Elisse's POV
"Hey.....h-how are you? It's been a long time huh" ang kapal ng mukha ng lalaking tong tanungin if okay lang ako?!!!! Hambalusin ko kaya ng barbel to tapos tanungin ko rin siya kung ok lang ba siya? Malamang hindi diba!
Ginawa ko lahat para sagutin siya ng maayos. "Of course I am okay, there's no reason to be not okay" then I gathered all my strength to give him a smile.
"Ah.. good for you" may pa-tango tango pa ah. Cool na cool ang itsura.
"Ikaw? Anong nangyari sayo dun? Bakit ka sinampal ng babae?" alam ko ang sagot sa tanong ko, for sure nahuli siya ng babaeng yun na may nilalanding ibang babae.
He's totally a player, puro yabang at walang sineseryoso sa buhay.
"Nothing, she just wants to make a scene" kaasar talaga kausap tong lalaking ito! Tatawa-tawa pa! Binabalewala niya lang ang mga babae. I hope one day he'll meet someone na makakatapat niya, yung paiiyakin din siya at pahihirapan ng husto para madala ang epal na ito.
"What a jerk" hindi ko napigilang mapabulong sa sarili ko.
"What did you say?" hala! Napalakas yata ang bulong ko! Buti naman! haha
"Ah hehe I didn't say anything" tatawa-tawa pa ko na halatang plastik.
"Huy introduce me naman sa friend mo" sabat nitong si George. Gustong-gusto kong sabihin na hindi ko friend yan!
"George meet Renz" ang ubod ng yabang na bestfriend ni Bryle. Simula pa noon ayaw ko na sa lalaking yan. I remember nga pinagbabawalan ko si Bryle noon na sumama diyan kasi feeling ko masyadong BI to.
"Hi handsome I am Georgina" said George while extending his hand to Renz. Handsome daw?! Sige sabihin nating handsome pero sana pati ugali handsome.
"Hi gorgeous I mean Georgina, I am Renz" pa-cute pa talaga naman.
"You want to join us? Have a seat" sasampalin ko na talaga itong si George eh! I am not comfortable to talk with any friends of Bryle especially Renz, his bestfriend. Ewan ko ba basta may kahit anong nagpapaalala kay Bryle sumasakit ang dibdib ko tsk!
"Sure sweety" at umupo na itong makapal na mukhang lalaking ito.
Feel kong type na type ni bakla si Renz, halata naman kasi dahil ang tagal na nilang nagkukwentuhan. Nakaubos na yata kami ng tatlong frappe hindi pa rin maubos ubos
ang kwento ni bakla. Nagtitinginan na kaming tatlo nila Kara at Paula, nagsesenyasan na kaming lumabas ng coffee shop at iwan sila Renz at George. Kanina pa kami na-OOP
dito at kanina pa kami rinding-rindi sa kayabangan ng bwiset na Renz.
"Ahmm Renz we have to go, magrereview pa kasi kami" paalam ko then tumayo na kami nila Paula and Kara.
"Wait sis maaga pa naman, later na tayo umalis" si George. Humanda talaga sakin ang baklang to.
"Oo nga. Or if you want let's go to the club, I'll treat you a drink"
"No thanks but we really have to go. George if you want to stay you can stay" ayoko ng magtagal pa ng ilang minuto na kasama ang hari ng yabang na to.
"Come on! Have fun sometimes. Don't worry Bryle won't come" lumabas ang pang-asar na ngisi niya, yung tipong nampipikon. Ano bang gustong puntuhin nito?! Konti pa mapupuntusan ko na ang mukha niyan!
BINABASA MO ANG
A Second Chance for Us
TeenfikceAng LOVE....... Hindi ito para lang sa mga taong gustong sumaya, magkaroon ng kulay ang mundo nila, at maging buo ang buhay nila Ang LOVE....... Ito rin ay para sa mga taong handang harapin ang kabiguan at muling bumangon mula sa pait ng nakaraan...