Elisse’s POV
Hindi maubos-ubos ang luhang pumapatak sa mga mata ko. I can’t explain how miserable I am now. Ang sakit sakit talaga! Alam kong mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko dahil sa ginagawa ko ngayon. I feel pathetic watching Bryle from afar. Nakatago dito sa puno at sinisilip siya. Gusto kong kalimutan itong part ng buhay ko, ang araw na ito na kasal ni Bryle. Kita ko rin sa mukha niya ang lungkot habang may kausap siya sa phone and I know it’s because of me. I can see it in his face na ako pa rin ang mahal niya.
“Okay na girl? Pwede na ba tayong umalis?” sabi ng pinsan ko na si Paula habang naka-cross arms.
“Sandali na lang” mahinang salita ko. Nanghihina ang buong katawan ko at feeling ko manhid na ang tuhod ko. Parang gusto ko na lang himatayin.
“Girl maawa ka naman sa puso mo, bukang-buka pa ang sugat tapos binubuhusan mo agad ng alcohol! Gets?” naaasar na sakin si Paula but I can’t help it, kahit ako mismo naaasar na sa sarili ko kung bakit pa ko nagpapakatanga ngayon.
“Gusto ko siyang kausapin”
“Haayy! Gusto mo talagang mamatay sa sakit sa puso neng?!”
“I-cocongratulate ko lang siya”
“Nako di ko bet yang style mo, panggap na masaya para sa kanya? Tapos ngingiti sa harap niya? Plastik tawag dun! Fake! Tara na alis na tayo inaanay na ko dito eh!” sabay hila sa akin ni Paula.
After that day I almost die. Gusto ko iyak lang ako ng iyak baka kasi pag nilabas ko lahat ng luha ko mawala din ang sakit na nararamdaman ko. Nakakalimutan ko nga kumain sa isang buong araw. Ilang linggo na ang nakalipas ganito pa rin ang naging eksena ko. Umaga na pala, pagdilat na pagdilat palang ng mga mata ko si Bryle agad ang unang pumasok sa isip ko at kasunod nun sumakit na naman ang dibdib ko. Kailan kaya matatapos to? Makakalimutan ko pa kaya siya? Ang dami kong tanong at alam ko hindi pa ito masasagot lahat ngayon. Napatingin ako sa may pintuan at may nakita akong kaprasong papel sa sahig. I get out of the bed then pick up the note and read it.
[If you’re in pain always remember there are people who misses your smile, people who loves you. Don’t ever think you’re alone. ---Quote yan galing sa internet, ganda noh? Sige na girl wag ka na mag-inarte diyan gimik tayo mamaya. Love Paula and Kara.]
Ang pinsan at kaibigan kong loka, kahit ganyan sila lagi nilang napapagaan ang loob ko kahit papaano. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang dalawang ito, hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko, pati tuloy sila nahawa na sakin naiyak na rin. Niyakap nila ako.
“Bakit ka ba umiiyak?” tanong ni Kara sa akin. Umiiling lang ako.
“Eh ikaw bakit ka umiiyak?” tanong naman ni Paula kay Kara.
“Eh umiiyak ka rin eh” sagot naman ni Kara. Para kaming mga baliw na nag-iiyakan at nagpupunasan ng luha tapos tatawa. Good thing may kaibigan ako at pinsan na hindi ako iniiwan sa kabila ng mga kadramahan ko.
BINABASA MO ANG
A Second Chance for Us
Fiksi RemajaAng LOVE....... Hindi ito para lang sa mga taong gustong sumaya, magkaroon ng kulay ang mundo nila, at maging buo ang buhay nila Ang LOVE....... Ito rin ay para sa mga taong handang harapin ang kabiguan at muling bumangon mula sa pait ng nakaraan...