Bryle's POV
"Pre congrats! Pasensya ka na hindi ako makakarating ngayon sa kasal mo ah hindi ako pinayagan ng boss ko eh" sabi ni Renz.
"Sige pre ok lang! Pero sana magpakita ka na sa barkada! Nagtatampo na yung mga yun! Gusto mo resbakan namin yang boss mo? Mukang patayan trabaho niyo ah" biro ko.
"Gago ka talaga Bryle haha! Sige na baka ma-late ka pa sa kasal mo! Goodluck na lang sa pagpapatali mo haha"
"Sige pre" tapos binato ko ang cell phone sa kama. Ang totoo kinakabahan ako. Alam kong gay pero f*ck ang pangit pala ng ganitong pakiramdam, yun bang
parang nasusuka ka na pinapawisan ng malapot na hindi mo maipaliwanag.
Ganito ba talaga pag araw na ng kasal mo? Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon, tumingin ako
sa salamin at huminga ng malalim. In 15 minutes ikakasal na ako, magiging ibang tao na ako, magiging isang responsableng asawa na ako na walang kalokohan at pamilya na lang ang iisipin. Matatapos na ang yugto ng buhay ko kung saan puro sarili ko lang ang iniisip ko. Sh*t talaga!
Kinuha ko sa bulsa ang wallet ko at binuksan ito.
Bumungad sa akin ang picture ni Elisse. Napakaganda niya talaga, ng ngiti niya, ng mga mata niya, ng labi niya, ang lahat-lahat sa kanya. Haayy....
Naaalala ko pa ng nagpropose ako sa kanya. Ang araw na iyon....
Flashback:
Nakaupo kami sa paborito naming bench sa isang park at nanunuod lang ng fireworks. Malamig ang gabing iyon kaya isinuot ko sa kanya ang black jacket na suot ko.
Pareho kaming nakatitig sa langit. Tumingin ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapangiti. Napakaswerte ko talaga sa girlfriend ko. Wala na akong ibang mahihiling
pa kundi ang maging sa akin siya ng buong buo.
"Babe?" malambing na bulong ko sa tenga niya.
"Oh?" sagot ni Elisse pero nakatingala pa rin siya sa langit.
"Are you willing to be my wife?" diretsong tanong ko.
Mabilis na lumipat ang tingin sa akin ni Elisse. Her eyes sparkle that made her look more beautiful. She blushed and her tears started to fall. Halos malusaw ang
puso ko. Bakit hindi siya sumasagot? Ayaw niya ba ng tanong ko? Ayaw niya ba akong pakasalan?
"It's okay.. If you don't want to be my wi....." wala ng lumabas na salita mula sa bibig ko nang nakita ko siyang tumatango at paulit-ulit na sinasabing "YES".
Wala na akong pinalampas na oras pa, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at hinalikan. Sumenyas ako gamit ang aking kamay at lumabas sina Kino, Rob, Lester,
Paul, Reema, Trish at Renz na kanina pa nagtatago sa likod ng sasakyang nakaparada malapit sa park.
Ang bawat isa sa kanila ay may dala-dalang isang pulang lobo na may letrang nakasulat. Humilera sila ng sunod-sunod at nakabuo ng "I-L-O-V-E-Y-O"
Laking gulat ni Elisse ng makita ang mga ito.
"Kung napapansin mo may kulang diba? The only missing in my life now is..." may kinuha ako sa bag ko at nilabas ang isa pang lobo na may nakasulat na letter 'U'.
"You. Ikaw na lang ang kulang sa buhay ko Elisse. I Love You." Pagkatapos ay pinutok ko ang lobong hawak ko at kinuha ang singsing sa loob nito. Naghiyawan ang barkada ko sa
BINABASA MO ANG
A Second Chance for Us
Подростковая литератураAng LOVE....... Hindi ito para lang sa mga taong gustong sumaya, magkaroon ng kulay ang mundo nila, at maging buo ang buhay nila Ang LOVE....... Ito rin ay para sa mga taong handang harapin ang kabiguan at muling bumangon mula sa pait ng nakaraan...