Chapter 5: The Bestfriend

18 1 2
                                    

"And that's what happened"

"You mean to say na ginawa ko lahat yun kagabi?!" napataas ang boses ko sa kinuwento sakin ni Renz.

"Hmm yup"

I can't believe what he just said "So nagsisisigaw ako kagabi tapos tawa ko ng tawa na parang baliw tapos napagkamalan kitang si Bryle?" ganun ba karami ang nainom ko at nagawa ko ang kahihiyan na iyon? Sheeezz nakakahiya! Ayoko pa naman sa lahat yung nagi-eskandalo.

"Hindi lang iyon, you almost kissed me" then he sip his coffee. What?!!!!! I almost kissed him? Huhu pwede na bang matunaw ngayon? Nasaan na ang dignidad ko? I can feel how red my face is. I am so embarassed right now, as in super!

"Ah....hmmm...ga-ganun ba? sorry" and now. What now? Awkward please! I can't even look at him. Nakayuko na lang ako at kinakausap ang kawawang tapa.

"Hahaha it's okay don't be shy about it" anong don't be shy about it?! Dalagang pilipina ako no! That's so humiliating! Hindi na ako nagsalita at patuloy na tinitigan ang tapa, napipe ang beauty ko.

"Hey I said it's okay" narinig ko pa ang pagngisi niya, but still hindi pa rin ako makatingin.

"I am warning you Elisse, if you don't look at me now then I would have to make the kiss happen" ohhhh and now he's threatening me? Sige go! Panindigan mo yan haha.

Akala mo papalag ako? haha joke lang. Syempre dahil isa akong mapagkunwaring dalagang pilipina, tumingin na ako sa kanya para kunwari hindi ako agree sa kiss haha.

Teka ano ba itong iniisip ko? Hindi naman talaga ko agree sa kiss tseh! Sige Elisse ipaglaban mo ang pagiging Maria Clara! haha

"Good, seems like you don't like my kiss" ngingisi-ngisi na naman ang gwapong nilalang na ito. In fairness habang tumatagal pagwapo siya ng pagwapo sa paningin ko. Hala ano ba itong mga pumapasok sa kokote ko? Erase erase erase! Ngiti ang tanging sagot ko.

"Sir Renz nalabhan at naplantsa ko na po yung damit" sabi nung isa sa mga kasambahay niya na kararating lang sa dining.

"Ah sige thank you Polly" nginitian niya yung Polly tapos inilipat niya ang tingin sa akin "Kung tapos ka na kumain pwede ka ng maligo nakahanda na yung damit mo"

Ang sweet niya ba't ganun? Kung assuming lang ako inisip ko ng crush ako nito eh. But I know I am not his type at mas lalong hindi ako assuming haha.

"Ah ok" tipid na sagot ko.

"Dun ka na sa kwarto ko maligo at magbihis"

"Sige" at ayun nga hinatid niya ko sa kwarto niya tapos siya hindi pumasok sa loob. When I entered his room nakita ko nga na may mga damit sa kama niya. Ang dami ah, may color fuscia pink na dress(did I spell fuscia right?), may maong shorts, dalawang white shirt at dalawang pantalon, kanino kaya ang mga ito? Halatang mamahalin pa, ang mga tatak forever21 at iba pang international brand. Naligo na ako agad dahil excited akong suotin ang mga iyon haha kumbaga sa pagkain patay gutom ba haha. Damit kasi talaga ang kahinaan ko bukod sa pagkain haha. Remember mahilig kaming magshopping ng mga friends kong feeling magaganda?

Matapos mag-ayos ng dyosa ehem bumaba na ako at nagfeeling prinsesa ulit sa bonggang stairs. Bagay na bagay sa akin itong pink dress, very classy.I saw Renz resting in their couch, nakatulog siya. Excuse me hindi ganun katagal ang pagligo at pagbihis ko, binilisan ko nga eh. Lalapitan ko na si Renz pero bago ko pa magawa ito ay nakasalubong ko ulit yung Polly.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Second Chance for UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon