Chapter 18: Why?

76 4 0
                                    

It's been a week since the last time I had a quarrel with Tyler. I tried to reach and talk to him pero he's still ignoring me. So Maxie told me na baka he just need time that's why I gave it to him.

Kaso days feels like years kasi wala siya.
Ang hirap umarteng okay lang ang lahat kahit hindi naman. Ang hirap magpanggap na wala kang problema kahit parang nababaliw ka na.

Kaso mas mahirap magpanggap na masaya ka kahit ang totoo hindi naman talaga.

I don't want others to know what I am going through. They can't do anything about it. It's just between me and Tyler.

I keep on telling myself that it's just a small fight. Na hindi bigdeal. Pero the fact that it's been a week since that happened and until now hindi parin kami okay. And it's bothering the hell out of me.

"Late night
Your eyes fell to the floor
I'm trying to make sense
But you're losing your patience
Hands talk, won't stop
We go to war
In the heat of the moment
You think that we're broken

I could see my whole life with you baby
Now you got me thinking that I'm crazy
Cause you're...

Out the door
Just one mistake
You say you're not in love no more
But was it really love
If you can leave me for
Something so innocent
Is this the end?
Thought you'd be there through thick and thin"

We're currently having a small gathering at Maxie's house cause it's her birthday. At parang trip niya mang-asar ngayon dahil sa mga pini-play niyang music.

Gaya nalang ngayon, she's playing Thick and thin by Lany. Na- addict na siya sa mga kanta nila kaya hindi na ako magtataka kung bakit parang palagi siyang wasak.

"Palitan mo nga iyan!" Asik ko sa kaniya dahil narealize ko yung meaning nung kanta.

"Bakit? Relate ka?" Tanong niya sa akin habang nakangisi.

Sarap mong patayin!

Tangina!

"Fuck you!" As I showed her my middle finger.

"Wag ako gago! Di tayo talo!" Sagot niya habang tila nandidiri.

Umiling nalang ako at hindi na siya pinansin pa. Tinungga ko nalang yung alak na kanina ko pa iniinom. Since it's her birthday, nag-aya siya na uminom. Kaya heto ako, malapit ng malasing.

Nakatatlong bote rin ako ng alak at iba na ang lagay ko iyon. Tipsy na at parang anytime ay tatawag na ako ng uwak. Kaya nakapikit lang ako at nakaupo.

Masarap lang sa una itong alak, pag tumagal na nakakapeste na!

At gaya nga ng inaasahan, nagtawag ako ng uwak sa loob ng halos limang minuto. Hindi naman naparami ang inom ko sadyang mahina lang talaga ako sa inuman.

Kaya the next morning, hindi na ako nagulat pa nang magising ako na sobrang sakit ang ulo. Bigla kong naalala ang sinabi ko dati nung unang beses akong uminom at nagka-hangover.

Sinabi ng hindi na iinom ee!

Kaya nung nasa classroom na'y para-paraan ako sa pag idlip. Hindi naman ako pwedeng mag-absent dahil regular class na. At isa pa, hindi din naman ako papayagan ni Papa na mag-absent dahil lang sa may hangover ako.


Pinilit kong kumain kaya nandito ako ngayon sa canteen kahit na feeling ko magsusuka ulit ako.

I was about to finish my lunch when I saw him with his friends. As usual, may mga babae na namang halos maputol na ang leeg kakatitig lang sa kanila.

I was expecting him na lumapit sa akin pero bilagpasan lang niya ako. Hindi masyadong obvious sa iba na gustong maghiwalay kami dahil sa mga ngisi nila.

Pero I realized na I gave him enough time and space. It's about time na para yung sa amin naman yung maayos.

And so I followed him to fix this cause I've had enough. Gusto ko nalang maayos ang lahat. Pero hindi ko na siya nahabol pa. Kaya nagmadali akong nagtaxi papunta sa bahay ng lola niya. Kung saan kami nag sleepover dati.

Pagbaba ko sa taxi kaagad akong tumakbo papunta sa bahay nila kasi baka umalis na naman siya. Sakto namang tulog yung guard kaya nagdire-diretso nalang ako. Palapit palang ako sa pintong medyo nakaawang nang marinig ko ang sigawan nila ng tatay niya.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam na alam ko ang boses ni tito. Pero mayroon pang isang pamilyar na boses akong narinig. Pero alam kong imposibleng siya iyon.

Imposibleng nandito siya.

Kaya dahan-dahan akong sumilip don sa nakaawang na pinto at parang gusto kong pagsisihan ang ginawa ko.

"Ayoko Dad! Hindi ako papayag! Nanay siya ng girlfriend ko! Please kahit ito lang. Ayoko...ayokong magpakasal kayo...kasi once na nangyari iyon...

Hindi na kami pwede para sa isa't-isa."

Fuck!

Why of all people?

Why him?

Why?

Boyfriend Rules! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon