Chapter 21: Little By Little

93 4 0
                                    

Reconcile...I'm still thinking about what she just said. Bumalik na si Papa at ate, ganun din si Mama at si Tito. Hindi na nila kasama si Tyler. At hindi ko alam kung bakit.

Umalis pansamantala si Papa at Mama dahil in-excuse sila nung Doctor. Kinakabahan kami pero hindi namin pinapahalata kay Timmy iyon.

Lumabas ako saglit dahil hindi ko kinaya ang atmosphere sa loob. Alam kong linilibang nila si Timmy pero ramdam ko rin ang kaba nila.

Napagpasyahan kong magpunta sa rooftop at don nalang muja mag-stay. Lalo na't makulimlim naman. Pag-akyat ko doon kaagad bumungad sa akin ang mga gusali. Kitang-kita mula sa taas ang pagiging abala ng mga tao.

Tanaw ko rin dito sa rooftop ang napaka-gandang langit. Kaso mukhang uulan talaga dahil may mga itim na ulap dito. At iba ang pakiramdam ko ngayon.

"Uulan na niyan. Di ka pa ba papasok?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likod ko. Just hearing his voice alam ko na kung sino siya. I looked at him and just like what I was expecting, siya nga.

Si Tyler.

"Mamaya na siguro. Gusto ko munang magpahinga." sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Okay sige." Yun na lang ang sinabi niya at hindi ko na siya narinig pa.

"Tyler." Hindi ko alam bakit biglang lumabas nalang sa bibig ko ang pangalan niya.

Ramdam kong nasa likod ko padin siya ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero kahit na ganon, hinarap ko parin siya. At parang nasaktan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

He looked tired.

"Okay ka lang?" Kita kong naguluhan siya sa tanong ko.

"A-ang putla mo kasi." Dali-dali akong lumapit sa kaniya para tignan kung may lagnat ba siya at tama nga ako. Ang init niya.

"Uminom ka na ng gamot?" Tanong ko sa kaniya pero tinitigan lang niya ako. Hindi ko mabasa ang expression niya.

Tinanggal niya ang kamay kong nakadampi sa leeg niya at tinalikuran ako. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at hinabol agad siya.

Hinila ko siya hanggang sa makababa kami ng rooftop. Hindi ko rin namalayan na nahila ko na pala siya sa parking lot. Tahimik lang siya kaya nilingon ko siya at nabigla ako ng makita siya nakapikit.

"Asan yung susi ng sasakyan mo ako na ang magda-drive." Napamulat naman siya sa sinabi ko pero maya-maya'y umiling siya at lumapit sa sasakyan niya.

"Ako na." Sabay agaw ko sa susi ng sasakyan niya. Balak pa ata niyang mag-drive sa sitwasyon niya ngayon. Hindi naman na siya nagpapilit pa at tahimik lang na sumakay sa kotse.

Nang makarating kami sa bahay nila, kaagad akong pumasok at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng planggana at towel. Nakita ko siyang umakyat sa taas kaya naman agad-agad ko siyang hinabol.

Pagpasok ko sa kwarto niya, nadatnan ko diyang nakatalukbong ng kumot. Kaagad kong inalis iyon at nagsimulang punasan siyaxsa kamay. Mabuti nalang at hinubad na niya ang jacket na suit niya kanina.

Nailang naman ako ng maalala kong kailangan ko nga rin palang punasan ang dibdib niya. Kaya binigay ko sa kanya ang towel.

"Ikaw nalang muna ang magounas sa sarili mo. Kuha lang saglit ako ng sabon."

"Do you still love me?" I was stunned by what he asked. I slowly faced him. Kita kong naghihintay rin siya ng sagot.

Hindi ko naman alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya kahit alam ko naman ang sagot. Kahit alam ko naman sa sarili ko na walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya.

"Okay, I knew it." He said habang binabalik ang towel sa basin at nagtalakbong ulit.

"I still do. Wala namang nagbago don ee. Pero sa totoo lang nalilito ako. Kasi gustong gusto ko nang makasama ka pero hindi ko alam kung pano."

Naglakas loob na akong sabihin ang nararamdaman ko dahil sa totoo lang gusto ko ng maayos kami. Pero ayokong magmadali ulit gaya ng dati.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. I was caught off guard when he suddenly pulled me to hug. I must admit that I missed him so much.

"You should've told me that earlier. Para hindi kana sana nalito. Cause I still love you too. At handa akong maghintay hanggang sa maging okay na ang lahat."

"We should take it slowly. Ayoko ng magpadalos-dalos ulit tayo gaya noon. Gusto kong ayusin natin to. Little by little."

He cupped my face and kissed my head. I miss this. Everytime na ginagawa niya ito pakiramdam ko special ako.

"I'm willing to wait. Kung kailangan mag-umpisa ulit gagawin ko. I just can't let you go again."

"Oo na. Pero magpagaling ka muna. Paano tayo makakapag-simula kung may sakit ka?" Pagbibiro ko sa kaniya at nakita ko namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"I miss this." He said and I can't help but to smile.

"Yeah. I miss this too."

----
Advance Happy New Year! Enjoy! Thanks for the wonderful year!

Boyfriend Rules! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon