Chapter 13: Pret-ending

89 5 0
                                    

"Just a kiss on your lips in the moonlight
Just a touch of the fire burning so bright
No, I don't wanna mess this thing up
No, I don't wanna push too far
Just a shot in the dark that you just might
Be the one I've been waiting for my whole life
So baby I'm alright, with just a kiss goodnight"

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at gustong-gusto kong batukan si Timmy dahil sa mga pinapatugtog niya. Lalo na ang nagpi-play ngayon.

I used to love that song pero ngayon parang ayaw ko siyang pakinggang dahil naalala ko na naman ang nangyari sa canteen. At sa t'wing maalala ko iyon, parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil bumigay ako sa halik niya.

Matapos non', hinihila ko siya palabas ng canteen pero hindi siya mayinag sa pwesto niya. Tumikhim siya at ramdam kong sa'min lahat nakatingin ang mga nandito sa canteen.

"Alam ko may mga kinuhanan kami ng video at pictures kanina. Huwag na huwag ko yang makikitang kumakalat sa mga social media sites kundi lahat kayo irereport ko."

Ramdam ko naman ang takot sa kanila at paghigpit ng pagkakahawak nila sa phone nila. May mga yumuko rin at may mga nagsi-irapan dahil don'.

"Huwag sa mga social media site, sa nga porn site nalang!" Sabat naman ni Calyx at gustong-gusto ko siyang batukan dahil don. Bagay sila ni Maxie. Walang preno ang mga bunganga.

Kaya ayon! Wala naman akong nakitang video namin sa facebook. Effective ang pananakot na ginawa ni Tyler sa kanila at sa pang-aalaska pa nina Keiffer at Calyx.

Kesyo ihanda daw ang mga abogado nila once na may nagpakalat sa video o kaya maghanap na ng school na malilipatan dahil expulsion daw ang katapat non'. May mga sinabi pa sila na magbabayad daw ng malaking halaga ang mga nahuli.

Kahit naman siguro ako matatakot sa mga pinagsasabi nila. Knowing na mayayaman sila at posible nang gawin o totohanin nila iyon.

Nakadapa parin ako sa kama ng may kumatok kaya naman pinagbuksan ko ito at nakaramdam naman ako ng ilang ng makita kung sino ang kumatok.

It's Tyler.

Dire-diretcho siya sa kama ko at humiga. Samantalang nakatayo parin ako malapit sa pinto dahil hindi ko talaga maalis ang ilang na nararamdaman ko.

Kahit na naiilang ay tumabi parin ako sa kaniya. Ramdam ko naman ang pagiging tahimik niya ngayon kaya tinitigan ko siya. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon adahil nakapikit siya.

"Naiilang kaba sa akin dahil sa nangyari?" Deretcho niyang tanong st gustong-gusto ko siyanh sigawan at sabihing umiwas-iwas kay Calyx dahil nahahawa na siya sa walang prenong bunganga nito.

"Ahmm...hindi naman." Nahihiyang sagot ko. Ano ba dapat isagot? Na oo naiilang ako kasi bumigay ako sa mga halik mo? Na oo naiilang ako kasi hindi ko gusto tong nararamdaman ko na parang gusto kong halikan ka ulit? Na oo naiilang ako kasi nabit----okay. Tama na.

"You don't have to lie. Ramdam kong naiilang ka sa'kin." He said while looking me in the eyes. Hindi ko naman magawang makipagtitigan sa kaniya kaya umiwas nalang ako at tumingin sa ibang direksiyon.

"Wala lang yon. I know that it was just a part of our pretending." Sabi ko pero parang gusto kong bawiin iyon ng nakita ko ang pagbabago sa expression niya.

Ilang saglit pa ay tumayo na siya st inayos ang nagusot niyang damit. Hindi siya nagsasalita habang ginagawa iyon. Wala rin akong mabasang expression sa kaniya kaya hindi ko alam kung galit siya o ano.

"Yeah. You're right. We're just pretending. And what we did was just a part of it. So no need to worry or to feel guilty." Matabang na sabi niya at hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga iyon. Nararamdaman ko abg pagsikip ng dibdib ko at pagbara ng lalamunan ko pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.

"Are we cool?" Basag na boses na tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na napahinto siya don pero hindi parin siya humaharap sa akin. Hindi ko narin napigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil lahat ng ito ay hindi pamilyar sa akin. One thing is for sure...

Ayokong mawala siya sa'kin.

"Yeah. We're cool." Sagot niya ng hindi man lang lumilingon sa akin. Nung nakalabas na siya ng kwarto ko, kaagad ko iyong ni-lock at hindi na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Nakakaramdam ako ng takot na baka mawala na naman siya. Na baka iwan na naman niya ako. Nasanay na kasi ako sa presensiya niya at hindi ko alam kung paano babalik sa dati.

Hindi ko naman sinasadya na saktan siya,sinabi ko dahil yun ang totoo. We're just pretending and the thought of it, brought pain in my heart.

I'm always ready to cross the line pero pag naiisip kong nagpapanggap lang kami parang hindi ako makapaniwala. Ang hirap tanggapin.

Even the line between us was just a part of it. Kasi wala naman talaga. Kasi pagpapanggap lang ang lahat. Iniisip ko nga noon kung may hangganan ba ang pagpapanggap namin pero ngayon alam ko na ang sagot.

It has an ending.

It just ended.

Why do I have this feeling na parang ayoko ng matapos iyon? Na parang okay sa akin kahit na magpanggap pa kami ng mahabang panahon bastat siya ang kasama ko.

Pero sa t'wing iispin ko na tapos na, parang hindi magawang tanggapin ng pagkatao ko. Hindi ko man maintindihan kung bakit pero ayokong matapos ito.

Pero may parte rin sa akin na gustong lumagpas doon. Gustong higitan iyon. May parte sa akin na sinasabing, hindi ako makukuntento sa pagpapanggap lang. Pero hindi ko kayang tanggpain kasi natatakot ako.

I'm always scared to take a risk. I'm always scared to step out of my comfort zone. I'm always scared to try something new. I'm always scared to get hurt.

But I'm willing to bet. I'm willing risk my heart for him. I'm willing step out and reach for him. I'm willing to try. And I'm willing to get hurt because I know it'll be worth it.

I know

He's worth it.

He's worth the risk.

He worth the pain.

I'm willing to face my fear just for him. At sana ganon' din siya. Sana handa rin siya tumaya sa akin. Kasi kahit hindi ko maamin sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, sigurado naman ako.

Pero ayokong ako lang. Ayokong kong ako lang pala ang may nararamdaman na ganito. Ayokong sa huli mare-realize ko na ako lang pala ang nahulog. At lalong na ayokong sa huli ...

Pagsisihan ko lahat ng ito.

Boyfriend Rules! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon