Chapter 1

31 4 0
                                    

§°°°°°ж°°°°°§

Dana's POV

Nagising nalang ako sa makulit kong katabi, which is my sister Diana or Ana for short.

"Ana 'wag kang malikot! Alam mo namang natutulog pa ako eh." Ungol ko sa katabi ko.

"Gising na kasi. Mag-hahiking na tayo. Bilis, excited na ako!" sabi niya at inuga-uga pa talaga ako.

"Pakisabi kina mommy iwan nalang muna ako. Puyat talaga kasi ako eh." Garagal na sabi ko. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko after namin magparty-party kagabi. Masaya mag camping after ng lahat ng paghihirap ko sa pag-aaral lalo na kung malayo sa kabihasnan, pero nakakapagod din.

"Eh sabi nga ni mommy lahat daw kasama. Pati nga si na lolo at lola mag-hahiking eh. Bilis na kasi." Pangungulit pa niya.

"Sige na, sige na. Panalo ka na. Sige na alis na sa tent. Hala labas!" pagkasabi ko tapos bumangon na rin ako para matigil na si Ana sa kakakulit sa'kin.

Nag ayos na rin ako ng sarili ko tapos lumabas na sa tent.

"Oh mabuti naman at natapos at lumabas na rin ang mahal na prinsesa." Bungad sa'kin ng inip na si Ate Shine. "Tagal mong bruha ka." Tinawanan ko na lang sa kaartehan niya na 'di talaga bagay sa kaniya.

"Sorry na. Sino kasing may sabi na antayin mo ako?" pang-aasar ko.

"Hoy kayo diyan! Aba, inabot na kayo ng pasko sa kakadaldal niyo. Ano na?!" sigaw sa'min ni Dzree na papunta na sa kakahuyan. "Tayo nalang ang inaantay. Paki bilis bilisan naman po ang paglalakad!" pandadagdag pa niya.

"Hoy ka din." Pabulong na sabi ko sabay tawa na palihim.

Ay siya nga pala, sila ang mga pinsan ko. Si Ate Shine – medyo maarte pero okay naman 'yan kasama. Kalog siya, just like the rest of us. And si Dzree – babae 'yan ha. Asta tomboy nga lang, parang si Faith.

Anyways, nandito kaming buong pamilya sa isang camping site sa Baguio. Hindi ko alam ang pangalan. Basta maganda siya at malamig. Of course, Baguio nga 'di ba?

"Bilisan niyo naman sa paglalakad! Nag-aantay na sa atin sina Mama doon sa may falls." Aburidong sabi ni Dzree.

Naglakad-lakad pa kami hanggang makarating kami sa sinasabing falls ni Dzree.

"Wow! Parang tour guide si Dez ah! Infairness, hindi nasayang ang paglalakad natin. This falls is just wow!" Manghang-manghang sabi ni ate Shine.

"It is indeed. Kailan niyo 'to nakita Dez?" Tanong ko. Kasi imposibleng kagabi kasi madilim na. Grabe sobrang ganda talaga. Parang nawala lahat ng pagod namin sa paglalakad dahil sa majestic falls na ito. Parang ang sarap lumusong sa clear blue water, kung marunong lang sana akong lumangoy.

"Kanina pa kasi kami gising ni na Mama. Tapos 'yung tour guide dito, sabi sa'min may magandang part daw sa site na 'to. Na-intrigue naman kami, kaya sumama kami. And heto na nga tayo. Ang sabi sa'min, ang tawag raw rito ay Mystery Falls dahil nababalot daw ito ng misteryo." Paliwanag ni Dez.

"I love mysterious things. It makes me think na ako si Detective Conan trying to solve mysterious stuff." Sabi ko sa sarili ko.

"Oh, hayun sila!" Turo ni ate Shine doon sa baba namin. Wow nakasakay sila sa parang bangka na flat na gawa sa bamboo'ng pinagdugtong-dugtong. Pagkatapos bumaba na rin kami ng dahan-dahan dahil madulas ang lupang tinatapakan namin, puro lumot kasi.

"Oh, buti nakapunta pa kayo rito. Bagong taon na ah!" Pang-aasar ni Jeff na tinarayan lang naming tatlo.

"Ate Dana, tara na sakay na tayo dito!" Tawag sa'kin ni Faith, tapos pumunta na'rin ako doon at iniwan sina Dzree at ate Shine na inaaway si Jeff.

Paglapit ko, medyo nalula akodahil parang ang lalim noong tubig tapos 'di ako panatag sa bamb0o'ng ito.

"Safe ba 'yan?"

"Oo naman, Dan! Halika na kasi!" paghila sa'kin ni Ate Mhean na Kanina pa sa'kin nakatingin. Hehe, naartehan siguro sa akin.

Tapos 'yun na nga si kuya na 'di ko kilala, nagsimula ng mag-paddle habang kami amaze na amaze sa ganda rito. Pinapalibutan kami nang nagtataasang lupa tapos ang sarap pakinggan ng pagbagsak ng tubig galing sa falls.

"Sina mommy nga pala tapos sina lolo?"

"Yung mga matatanda nauna na sa'tin doon sa cottage malapit sa base ng falls. Doon daw tayo magsisimula mag-hike pataas, then magra-rapell pababa." Sabi ni Faith.

"Hala! Gagawin ba talaga natin 'yun?" nangangatog na tuhod na sabi ko. Ang taas kaya nang falls, feeling ko baka mahulog ako, tapos... Oh noes! Baka mamatay ako! Knowing my cousins marurunong sila lumangoy lalo na 'yung mga lalaki, baka pag-tripan kami. Huhuhu.

'Di na ako sinagot nang mga kasama ko tapos narating narin namin ang aming destinasyon. Ang cute ng cottage, swear! Bumaba na kami pagkatapos, then nag-ready na kaming lahat sa pag-akyat pero bago 'yan, binigyan muna kami ng mga instructions ng tour guides tapos, 'yun na. Off we go!

AquaWhere stories live. Discover now