§°°°°°ж°°°°°§
Dana's POV
"Malayo pa ba tayo?"
"Ang raming lamok! May Off Lotion ka ba?"
"Gutom na ako!"
"May tubig kayo?"
"Ang sakit na nang kasu-kasuan ko."
'Yan lang namn ang samu't saring daing ng mga kasama ko. Ay, kasali pala ako doon, hehehe.
"Sigurado ba kayong patungo tayo sa tuktok ng falls?" pagtatanong ni ate Shine doon sa isang tour guide na kasama namin.
"Opo ma'am. Malapit na po tayo."
"Malapit? Pang-pitong bese mo nang sinabi 'yan ah!" pagaamok ni Jeff habang pinapakita ang anim na daliri. Halatang gutom na'tong isang 'to. Natawa na lang kami sa kaniya.
Sabi nila, aakyat kami dito sa parang kagubatan pataas sa falls, tapos mag zi-zipline nalang kami pababa at hindi ni mag ra-rapell. Yung ibang 'di na talaga kayang umakyat, pinababa nalang pabalik sa cottage, habang 'di kami pinasama dahil mga bata pa raw kami at mas kakayanin namin 'to. Like, seriously? Ang taas kaya.
"Sa wakas! Natatanaw ko na! Oh yeah, baby!" Pagsisigaw ni Yuri at nagtatakbo na pataas.
Naghihintay sa'min ang mas magandang tanawin nang nakaakyat na kami. This place is breath taking.
"TUBEG! I beg you! Tubeg!" sabi ni Jeff na parang ikamamatay niya ang 'di pag-inom ng tubig.
"Anong tubeg? Baka tubig?" sigaw sa kaniya ng kapatid niyang si Dzree. Oo, magkapatid sila.
Nagtawanan nalang kami at nagsi-inuman na ng buko juice na nakahanda para sa amin. Nagpahinga muna kami sandali tapos picture picture, tingin-tingin sa paligid. Grabe, napaka-ganda ng lugar na ito. Very magical.
"Oh sino una bababa?" Tanong ni Jeff.
"Ako nalang! Ang babakla niyo eh!" sabi ni kuya Raymond.
"Sunod ako." Sabi naman ni kuya Joram..
At nagsunod-sunod na nga silang mag-volunteer. Habang ako tahimik lang.
Nakababa na silang lahat except sa'kin, nakakalula sa baba, 'di ko keri.
"Ma'am, ikaw na po." Sabi sa akin nang isang tour guide.
Okay, let's just say na ako na talaga ang may pinaka-mahinang resistensiya pagdating sa mga ganito sa aming mag-pipinsan.
"Ikaw muna kuya." Sabi ko with a smile para ma-convince.
"Eh ma'am hindi naman po kami bababa na rito. May iba pa po na tour guides sa baba. Sila po ang bahala sa inyo. At marami pa po na susubok na turista mamaya. Kaya sige na po." Parang nakukulitan na si kuya sa'kin. Walang talab ang killer smile ko.
Okay, kaya ko 'to. Dana para lang niyan, takot ka na. you can do this. Lord, kayo na po bahala sa'kin.
Kinabitan na ako ni kuya ng mga safety buckles and ready na ako. Bale, parang naka-upo ako.
Hilong-hilo na ako kahit hindi pa man umaandar. Tapos nag-thumbs up pa si kuya sa akin at they set me free. Ako ay pababa na!
Ngunit – nakarinig na lang ako ng parang nangingitngit na tali, at nagulat ako ng maputol ang zip line.
"Tulonggggg!!!" pagsigaw ko at 'di na nga mapigil ang pagkahulog ko pababa sa tubig.
Para akong nabingi sa katahimikan ng mahulog ako sa rumaragasang tubig. Nahulog ako hanggang sa pinaka-malalim na parte, at tinangay ng tubig. Ito na ba ang katapusan ko? Pinilit kong umahon ngunit ako'y hinihila pababa at nakaramdam na rin ako ng pagod at pagka-suffocate, at tuluyan na akong nawalan ng malay.
§°°°°°ж°°°°°§
Unknown's POV
"Hindi. Hindi ito maaring mangyari. Sinigurado mo ba'ng hindi ito mangyayari? Alam mo'ng ito ang mangyayari, dapat pinigilan mo na ito habang maaga pa. Wala kang silbi. Ngayon, maaaring magkatotoo ang propesiya. Hangal ka! Siguradong malalaman ito ng ating ama." Kasabay nito ang paglaho ng nakaitim na lalaki sa hangin.
Ginawa ko na ang lahat para hindi ito mangyari. Heto na ang kinatatakutan namin. Dapat ay may gawin ako para hindi ako itakwil ni ama at para mag hari ang kasamaan sa mundong ito.
§°°°°°ж°°°°°§
Dzree's POV
Naghi-hysteric na kami nang hindi na nakaahon pa si ate Dana. Marami ng sumisid papunta sa direksiyon kung saan siya nahulog, ngunit 'di talaga siya makita. Nahimatay naman si auntie Ann dahil sa kakaiyak dahil sa pagkawala ng kaniyang anak. Nagkakagulo na kaming lahat.
"Si ate ko..." paghihikbi ni Diana.
Nakagigimbal ang mga nangyayari. Hindi namin ito inasahan dahil ligtas naman kaming nakababa rito samantalang si ate Dana –
...
Nagpatuloy pa ang search and rescue team sa paghahanap sa kaniya hanggang sa pagsapit ng gabi.
"Ma'am pasensiya na po talaga. Itutuloy na lang po namin ang paghahanap kina umagahan. Delikado na po kasi." Sabi ng isang rescuer na kausap ang Mama ko.
"Hindi! Hindi puwede! Baka pag-tumigil kayo - " hindi na naituloy pa ni uncle Noel ang sasabihin niya dahil sa sobrang paghihinagpis at takot. Takot na maaaring mawala sa kaniya ang kaniyang anak pag 'di tinuloy ang paghahanap. Nasaan ka ba ate Dana? Bakit kailanganghumantong ang lahat sa ganito? Bakit?
YOU ARE READING
Aqua
Teen FictionAng isang simpleng babaeng nagmula sa Pilipinas na nakarating ng America sa isang iglap. Mga pangyayaring 'di maipaliwanag ng eksperto. Ating subaybayan ang pagbabagong buhay ni Dana Amethyst Sue - ang babaeng nagtaglay ng kakaibang parte sa mundo n...