One

7.9K 208 30
                                    

ISA NA lang ang hinihiling ni Rafael sa buhay, iyon 'yung matanggap siya ng kanyang ama bilang siya, kung ano siya. Pero kahit ata anong gawin niya hindi nito matatanggap 'yon. He's a famous novelist and a business man at the same time. Mayaman kung sa mayaman. He has everything he needs, expensive things, car, mansion and many more. But he's a Bi. Open naman siya sa kahit na ano relasyon, mapababae man o lalaki kung ibibigay talaga sa kanya ng diyos ay buong puso niyang tatanggapin. Pero kung ang ama niya ang tatanungin, gusto nito dapat matikas siya, dapat nanggaling sa isang kilalang angkan ang babaeng papakasalan niya. Kaya kahit nasa kanya na ang lahat, kulang pa rin.

Kasalukuyan siyang nagtitipa sa kanyang laptop nang may kumatok.

"Señorito, señor está aquí." Señor is here. Ani ng kanyang kasamabahay na si Presila.

Nagbuga siya nang hangin na iniwan ang ginagawa kuway lumabas na ng kwarto. "Ano daw ang kailangan niya?" agad niyang tanong kay Presila na may dugo ring pinoy.

"Hindi ko ho alam, Señorito. Pero mukhang mainit ang ulo ng Papa mo." nababakas sa boses nito ang takot.

Mukang alam na niya ang ipinunta nito dito. Siguradong nalaman na nito ang ipinagtapat niya kay Czarina, ang babaeng gusto ng ama niya na pakasalan niya. Muli siyang nagbuga ng hangin bago bumaba sa sala.

"Papa, buena noch-" Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa kanya.

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at hindi ininda ang ginawang pagsampal nito sa kanya.

"¡Eres realmente estúpido!" You are really stupid! Singhal nito sa kanya.

"Papa, if this about Czarina-"

"Yes it is! How dare you for telling her that you're a gay!"

Kinuyom niya ang kamao. "What's wrong with that? What's wrong if I'm a gay?"

"I don't have an abnormal son! ¡No te dejaré arruinar mi reputación!" I will not let you ruin my reputation! Galit na dinuro siya nito.

"Fix this! " Huling katagang sinabi nito bago siya talikura.

"Por eso odio el filipino." That's why, I hate filipino. Narinig pa niyang sabi nito.

Nagbuga siya ng hangin at pabagsak na naupo. Inis na sinuklay niya ang buhok at malalim na humugot ng hangin.

"Are you ok, Señorito?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Presila.

Umiling siya. "I need to breath. Get my car key please."

Dali nitong kinuha ang susi ng Lamborghini niya at agad na iniabot sa kanya. Pagkasakay sa sasakyan ay mabilis niya iyong pinatakbo papunta sa isang sikat na gay bar sa Madrid kung saan siya palagi mapupunta tuwing kailangan niyang huminga.








"What my schedule for tomorrow?" Tanong ni Vance sa secretary niyang si Fan na isang Lota.

Hinubad niya ang leather jacket niya kuway iniabot rito. "Bukas ang kasal nila Maximus at ni Aaric, siguraduhin mong bakante ang oras ko sa hapon." Aniya rito.

"Yes, Alpha. Bukod ho sa magazine pictorial niyo bukas before lunch, wala na ho kayo ibang appointment."

"Good. You can leave now." Pagtataboy niya rito na agad naman itong lumabas sa okuoado niyang room hotel.

Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at agad na dinial ang number ni Maximus.

"What?" Halatang nagising lang ito dahil sa tawag niya.

"I'm bored." Narinig niyang nagmura ito sa kabilang linya. "Kill your self." He said sarcastically. "Ibababa ko na-"

"Sandali! I need to hoopy." He means sex.

Accidentally Yours (Great Pretender Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon