SINURI NI Rafael ang buong kabuohan ng bahay na ibinigay sa kanya ni King Aaric. He wants to pay this house but he refused. Binibigay na daw nito sa kanya ang bahay na ito dahil hindi na daw nito kailangan. Ang bahay na ito ay nakatayo sa itaas ng bundok, tahimik at payapa, he like it. Magandang umpisa ito para sa panibagong buhay niya.
He left his life in spain and start a new life here in Tierra De Lobo. Mahirap pero kailangan niyang magpatuloy. Mula dito pwede naman niya ipadala thru email ang mga novela niya. At kapag tuluyan na niyang nakayanang kontrolin ang wolf niya, pwede naman siya magpabalik-balik sa spain para sa kumpanya.
It's been two months since his miserable life started. Sa loob ng dalawang buwan, hindi pa niya ulit nakikita si Vance. Marahil tinakasan na nito ang katarantanduhan na ginawa nito sa kanya.
Relax... Aniya sa sarili. Huminga siya ng malalim at marahan na pinakawalan ang hangin. Mabilis na umaatake ang galit niya sa tuwing naaalala o naiisip niya si Vance. Ano kaya ang ginagawa nito? Nagpapakasaya habang siya nahihirapan sa bagong buhay na binigay nito?
Maldita sea! Dammit! Hiyaw niya sa isipan.
Pagpasok niya sa kwarto ay inilapag niya sa gilid ng kama ang dala niyang maleta. At muling sinuri ang paligid. Natuon ang mga mata niya sa mga gamot na nasa bedside table at kinuha niya iyon. Isa iyong suppressant tulad ng iniinom niya. Siguradong kay King Aaric ito.
Dont forget to drink your suppressant everyday, two time a day...hindi makakabuti kung may Alpha at Rogue na makakaamoy sa pheromones mo. Mas matindi ang tapang ng pheromones ng isang Gamma kumpara sa Omega. Pwera na lang sa mated Alpha... Naalala niyang bilin nito.
Marami pa siyang hindi alam tungkol sa werewolf pero handa siyang pag-aralan 'yon. Marami pa din siyang dapat pag-aralan, isa na 'dun ay ang makipaglaban. Sisiguraduhin niyang handa na siya sa oras na muling magtagpo ang mga landas nila ni Vance.
Madrid Spain
"Hanggang kailan mo ipagpapatuloy ang kalokohan mong ito, Vance?" Galit na nilapag ng Grand Alpha ang newspaper sa center table.
Tinitigan niya iyon. Binalita doon ang ilang babaeng nilalabas niya at dinadala sa isang hotel. Nagpunta pa talaga ang mga magulang niya dito sa spain galing sa paris para lang kumprontahin siya nito tungkol sa nasabing balita.
"Kung baliwala para sayo na masira ang buhay mo at reputasyon, pwes sa'kin hindi!" Angil pa nito.
Vance tsked. "Kailan ka ba natuwa sa mga ginawa ko? Ni isa ata walang tumama." Sarkastikong sabi niya.
"Vance Zyd Fuentebella!" He exclaimed his name out of his lungs.
Mabilis pa sa pagkurap ng mga mata ay nasa harapan na niya ito habang mahigpit nitong hawak ang kwelyo ng suot niyang gusot na polo.
"You are now the leader of your own pack, kaya umayos ka!"
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Kayo lang naman ang may gusto nito." Umiling-iling siya. "I never wish to be a leader."
Lalong nag-angil ang ama niya. "You!"
"Zild, enough!" Awat ng stepmother mula sa likuran ko. Galit na binitawan siya ng kanyang ama. Sapo nito ang batok na tumalikod sa kanya.
"Son, ano na naman ba ito?" Malumanay na tanong sa kanya ng Ina niya nang makalapit ito sa kanya.
"Nothing, Tita.."
"Nothing? You called this nothing!" Singhal ng ama niya na itinaas ang newspaper at ibinato iyon sa kanya.
"Pinayagan kita maging model dahil iyon ang gusto mo, but this one is too much, Vance Zyd! Huwag ka lang magkakamaling buntisin ang isa sa mga 'yan dahil hindi ako magdadalawang isip na itakwil ka!"
Nagbuntong hininga siya habang kuyom ang kamao at walang paalam na tinalikuran niya ang mga magulang.
"Im not through with you! Come back here you insolent conceited child!"
Narinig niya pang sigaw ng ama niya bago lumapat pasara ang pinto ng opisina nito. Dali siyang sumakay sa kanyang Neiman Marcus at pinaharurot iyon papunta sa palasyo ni Aaric. Natigil sa pag-uusap ang dalawang mag-asawa nang dumating siya. Pinigilan siya ng mga kawal sa tangkang paglapit niya sa dalawa.
"It's ok..." Si Maximus. Binitawan siya ng mga kawal pero hindi pa rin umaalis sa kanyang tabi.
Humugot siya ng hangin at marahas iyong ibinuga.
"I need to know where is he?" He asked them, and he hope this time they'll tell where Rafael is.
"We don't know." Si Aaric.
Tumingala siya at mariin na pumikit. At sa muling pagtingin niya rito, ang mga mata niya ay naging ginto. "You-" Mariin niyang kinuyom ang kamao, pinipigilang lumabas ang inis sa loob ng dalawang buwan.
"Stop hiding him from me. I just want to know where is he!"
"Dude-"
"Don't Dude me! Just tell me where is he, I will not bothering you anymore! ¡Por favor!" Please. Nagbuga ng hangin si Maximus. "He's in Tierra De Lobo."
"Maximus!" Si Aaric.
"It's ok Amor." Anito sa asawa kuway muling bumaling sa kanya.
"Alam mo kung ano ang pwedeng mangyari kapag muli kayong nagkita ni Mr. Neisell, maaring patayin ka niya para bumalik siya sa dati."
Bumalik sa dati ang kulay ng mga mata niya. "Wala akong pakialam kung iyon ang gusto niyang gawin, hahayaan ko siya."
Tumango-tango si Maximus. "Hindi lang 'yon ang inaalala ko, tú sabes de qué estoy hablando." You know what I'm talking about.
"Lo sé." I know. Mabilis niyang sagot.
"Nandoon siya ngayon sa secret house ni Aaric."
"Kailan pa?"
"Isang linggo na."
Nakahinga siya ng maluwag nang malaman niyang nasa maayos na lugar ito. "Thank you, and I'm sorry for bothering you." Aniya na akmang tatalikod na nang magsalita si Aaric.
"He was determined to kill you, Vance. Alam mong ganito ang magiging kapalit pero bakit mo pa rin ginawa?"
"I don't know." Kibit balikat na sagot niya. "I can't stop my wolf that night. Masyadong mabilis ang lahat."
"Anong plano mo ngayon?" Si Maximus.
All he want right now is to see him.
Muli siyang nagkibit ng balikat. "Bahala na kung ano ang sunod na mangyayari." Sagot niya kuway tumalikod na.
Can't wait to see you again, Rafael...
BINABASA MO ANG
Accidentally Yours (Great Pretender Series II)
Hombres LoboWarning! R18 Don't read if you're not BxB lover. Isa na lang ang hinihiling ni Rafael sa buhay, iyon 'yung matanggap siya ng kanyang ama bilang siya, kung ano siya. Pero kahit ata anong gawin niya hindi nito matatanggap 'yon. He's a famous novelist...