"Why you did that?" Nanggagalaiting tanong ni Karrim sa kanya. Nagpalakad-lakad ito kuway huminto at galit na muling humarap sa kanya.
"Tapos ano? Hihingi ka ng tulong sa amin ngayon?"
Hinigit ko ang aking hininga at mariin na kinuyom ang kamao. huminga siya at pilit na pinapakalma ang kanyang inner wolf. Ipekto ito ng ginawa niya kay Rafael. He turned him in to a werewolf and now he's a Gamma.
Kapag ang Alpha ay ginawang werewolf ang isang tao, ang lakas nito ay mababawasan. Kapag hindi pa lubusang nakokontrol ng Gamma ang pagbabagong anyo nito, hindi rin magagawang kontrolin ng Alpha ang inner wolf niya.
"Wala ng magagawa kung sisisihin pa natin siya." Singit ni Maximus. "Nandyan na 'yan nangyari na. Ang tanong, saan mo iniwan si Mr. Neisell?"
Tiningnan niya ito at hirapna sinagot ito. "I-in my hotel room." He mumbled.
"We need to get him out of this country. Maaari siyang makapinsala sa mga tao." Si Maximus.
"At baka mabunyag na sa mga tao ang lihim tungkol sa mga lobo na itinago sa mahabang panahon nang dahil sa'yo!" Sikmat ni Karrim.
"You're not thinking well, you stupid mutt!"
"Enough!" Saway ni Maximus kay Karrim na nag-iinit ang ulo.
Kung hindi lang siya aminado na may kasalanan siya, kanina pa niya ito sinugod at pinagsusuntok. Pagod na nagbuntong hininga si Maximus at napahilamos sa sariling mukha.
"Hihingi ako ng tauhan na mapagkakatiwalaan kay Aaric. Walang pwedeng maka alam nito." Anito na humakbang na at agad din namang sumunod si Karrim.
"S-sandali! Gusto kong sumama." Agaw hiningang sabi ko.
Huminto si Maximus sa paghakbang kuway nilingon siya. "You can't. Alam mo kung ano ang mangyayari kapag nagkita kayong dalawa." Inalis nito ang tingin sa kanya.
"Sana alam mo kung ano ang kahihinatnan ng ginawa mo. At siguro naman, alam mo kung ano ang mga kapalit nito." Anito na nagpatuloy na sa paghakbang. Nang tuluyan na silang nakalabas sa kwarto ay pagod niyang inihiga ang katawan sa sahig. Wala siyang ibang inaalala kundi si Rafael. Kahit man siya hindi alam ang dahilan kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin itong werewolf. Sa mga oras na 'yon hindi niya macontrol ang inner wolf niya sa gusto nitong gawin.
NANANAKIT ang balakang ni Rafael nang magising siya. Muli niyang ipinikit ang mga mata. "Presila, prepare my bath." Utos niya sa kasambahay. Itinaas niya ang kamay at pilit na may inaabot sa bedside table. Bigla siyang napamulagat nang may mabasag. Inilibot niya ng tingin ang buong kwarto at pabalikwas na tumayo nang mapagtantong wala siya sa sariling kwarto.
Sapo ang sentido na ipinikit niya ang mga mata at inalala ang mga nangyari Dumalo sila ni Czarina sa reception ng kasal ng hari at pagkatapos nan'dun si Vance at...at...they make love.
"Holy shit!" Bulalas niya. Hinawi niya ang kumot at patakbong nagtungo sa banyo.
Dahil sa nananakit pa katawan ay nadapa siya. Sinapo niya ang balakang. Anong klaseng pag-angkin ang ginawa ni Vance sa kanya? Kahit nananakit ang buo niyang katawan atmy pinilit niyang tumayo at ika-ikang pumasok siya sa loob ng banyo. Doon niya pinakatitigan ang kabuohan sa isang full length mirror. Hindi siya makapaniwala nang makitang may mga pasa siya sa magkabila niyang braso, sa bewang at sa magkabila niyang hita. Nang tumaas ang kanyang tingin, natuon ang kanyang mga mata sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.
Humakbang siya palapit sa salamit at pinagmasdan iyon. Nanginginig ang mga kamay na dinama niya iyon.tila isa iyong kagat ng kung ano.
"Aah!" Napasigaw siya at natakot sa sarili nang makita ang kulay ng kanyang mga mata. His eyes gray eyes turned purple.
Mas lalo siyang natakot nang may maninipis na balahibo ang onti-onting tumutubonsa kanyang balat. Pinagmasdan niya ang braso at hita.
"¡Que está pasando?" What's going on? Bulalas niya.
Nanlalaki ang kanyang mga mata na hindi makapaniwala sa nangyayari sa kanyang sarili. Nangiwi siya nang tila may tumusok sa kanyang labi at nang tingnan niya 'yon sa salamin ay mas lalo siyang nagsisisigaw at naghihisterikal.
"¡No! ¡No! ¡No!"
Kinapa niya ang bibig at ang ngipin niyang humaba at tumulis. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Isa ba itong panaginip? Muli siyang napasigaw nang nang nakakaramdam siya ng pagsakit sa kanyang kalamnan. Napatuwad siya dahil sa sobrang pamimilipit ni'yon. Sunod ang kanyang muka na tila humahaba at lumalaki.
"Arhh!" Hindi na niya alam ang mga nangyayari. Nakaramdam siya ng presensya sa kanyang likuran. Galit niyang nilingon ang mga ito at sinugod.
Someone's POV
"¡Hazlo más rápido antes de que sea demasiado tarde!" Make it faster before it's too late! Sigaw ni Maximus sa mga panagkakatiwalaang Lota ni Aaric na ipinasama nito kila Maximus at Karrim. Mabilis silang tumatakbo sa hagdanan paakyat sa ukopadong kwarto ni Vance sa hotel kung saan ito namalagi ng ilang araw.
Nang makarating sila sa nasabing kwarto ay agad iyong pinihit ni Maximus ngunit naka lock iyon. "¡Rompe la puerta!" Break the door! Utos ni Maximus sa mga Lota na agad namang sinunod ng mga ito.
Naglikha ng ingay ang ginawa ng mga Lota sa pagsira ng pinto kaya meron ng nakikiisyoso. Humakbang sila Maximus at Karrim papasok sa kwarto. Isang abuhing lobo ang tumambad sa kanila sa may banyo. Walang duda ito si Rafael base sa amoy ng pheromones nito.
"Shit!" Tiim-bagang sabi ni Maximus.
Mabilis niyang tinakpan ang sariling ilong at bumaling kay Karrim na tila nadala na ito sa pheromones ni Rafael. Mabilis kasi maakit ang unmated werewolf sa mga pheromones. Galit na kinuwelyuhan ni Maximus si Karrim at ikinalso ang likod nito sa pader.
"Wake up, fucker!" Sikmat nito rito.
Kurap-kurap na pinilig nito ang ulo. "I'm ok now. I think." Nagbuga ng hangin si Maximus. "Ako na ang bahalang magbuhat sa kanya. Hindi na siya pwedeng magtagal pa dit-"
Natigilan sila nang umangil ang wolf ni Rafael. Nanlikisik ang mga mata nitong nakatitig sa dalawa at mabilis itong na sumugod. Mabilis na naka iwas si Maximus at walang kahirap-hirap na naka sakay ito sa likuran ng wolf ni Rafael at mariin na kinagat ni Maximus sa balikat nito para pakalmahin.
Tumalon pababa si Maximus at kasunod ni'yon ay walang malay na bumagsak si Rafael. Ilang sandali pa, ang anyo nito ay bumalik na sa dati. Mabilis na kumuha ng kumot si Maximus at itinakip iyon sa hubad na katawan ni Rafael, kuway walang kahirap-hirap na binuhat ito na parang sako.
"Saan natin siya dadalhin?" Hirap na tanong ni Karrim.
"Sa Alhambria. Mas ligtas siya 'dun." Humakbang na palabas si Maximus.
Sapo ni Karrim ang dibdib na sumunod sa kaibigan. "How about Vance?"
"Let the fucker endure the pain." Tiim bagang sagot ni Maximus.
BINABASA MO ANG
Accidentally Yours (Great Pretender Series II)
Hombres LoboWarning! R18 Don't read if you're not BxB lover. Isa na lang ang hinihiling ni Rafael sa buhay, iyon 'yung matanggap siya ng kanyang ama bilang siya, kung ano siya. Pero kahit ata anong gawin niya hindi nito matatanggap 'yon. He's a famous novelist...