17. Indirect Kiss

1.3K 145 42
                                    


Chapter 17: Indirect Kiss

Mga 7:30 Am ako gumising ngayon umaga. Sabi kasi ni mama sa akin kahapon na mag-bake raw ako as we welcome our new neighbor. Syempre, ngayon umaga ko na naisipan gawin iyon kasi kapag mamaya ay for sure, mauubos 'yong time ko para sa pagbabasa. Gusto ko kasi ay 'yong nagawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin bago magbasa para wala na mag-disturb sa akin.

Hinahanda ko na ngayon 'yong kakailanganin kong mga ingeredients. I invited Claire, Jess and Aivin to help me, hindi naman sila tumanggi kasi may pa-free taste raw. Ang kakapal talaga ng mga mukha.

Pinagpaalam ko sila kay Mama at pumayag naman siya.

-

Habang kinukuha ko 'yong ibang ingredients I suddenly heard my phone ringing, unknown number 'yong nakalagay kaya nag-alinglangan pa 'ko bago sagutin. Syempre naman, baka mamaya ma-scam pa ako dahil lang dito.

"Hi, Friend." Masaya pagbati no'n taong nasa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to?"

"Si Friend mo."

"Ha?"

"Your newest handsome friend slash boss. Si Oliver 'to, Jamilla." Halos mapangiwi ako nang malaman kong siya pala 'to. Hindi ko talaga alam kung gaano na kataas ang level ng pagiging slow ko, kahit boses niya ay hindi ko manpang namukhaan. Gosh.

But wait. wait. wait? Newest handsome friend? Sige 'wag na natin kontrahin ang sinabi niya kasi totoo naman. Magkunwari na lang tayo na hindi natin narinig.

Napahinga ako nang malalim dahil meron akong nararamdaman na may darating na sobrang masamang balita mula sa kanya. Jusko.

"Ah hehe. Pero pwede bang 'wag mo na 'kong tawaging Friend? Ang weird kasi, t'saka 'di ako sanay. Ano bang kailangan mo?" Para kasi talagang weird 'pag tatawagin ako ng lalaki ng friend, pwera na lang kung beki siya para tawagin niya 'ko ng ganyan.

"Cute kaya, buy the way, papunta ako sa bahay niyo at susunduin kita para samahan ulit akong gumala. I-save mo na 'yong number ko, alam kong 'di mo pa na-sa-save. Wait for me, bye!" Ang galing ko mag-predict 'no? May masamang ngang balita.

"Wait, may ga-" Napanganga ako nang hindi manlang niya 'ko pinatapos magsalita because he already end up our conversation. Nakakagigil. Napakabastos niya talaga.

I tried to contact him back but unfortunately wala na pala akong load. Hahayaan ko na nga lang siyang pumunta rito, masasayang lang 'yong gas niya, mahal pa naman ngayon 'yon bawat litro no'n.

Tulad ng utos niya ay si-nave ko na 'yong number niya at i-tinuloy ulit 'yong ginagawa ko.

Lumabas ako ng bahay namin pagkatapos kong ihanda lahat ng kakailanganin ko. Mabuti't wala si kuya John ngayon kasi I'm pretty sure kapag nakita niya ulit si Oliver dito sa bahay ay aasarin na naman niya 'ko about sa 'very very kind classmates' na iyan.

Umiinit talaga 'yong ulo ko everytime na naaalala ko 'yon, hindi pa raw kasi keri ng brain cells ko para i-forgot iyon.

-

Wala pang 15 minutes ay nandito na agad siya sa bahay namin kaya nandito na rin ako sa main door namin para salubungin siya. Habang naglalakad siya papalapit sa akin ay bigla na naman ako kinabahan. Gosh! Ang gwapo niya sa suot niya, I hate the way he wear his outfit today. Ang galing niyang pumorma, bes.

"Magbihis ka na, I'll wait for you here." Natauhan ako nang bigla siyang nagsalita, mabuti't nagsalita siya kung hindi, baka nahuli na niya 'kong napopogian sa kanya. Gosh! Ayokong mapahiya na naman.

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon