Part 1

9 1 0
                                    

Alas syete ng gabi.

Walang kuryente.

Tanging gasera lang ang nagbibigay ng liwanag sa aming bahay.

Malamig ang simoy ng hangin.

Bilog ang buwan.

Mga kuliglig at iba pang mga maliliit na insekto lang ang nagbibigay ingay sa paligid.


"Awooooo. Awooooo. Awooooo." Atungal ng aso ng aming kapitbahay.

Nakaka-kilabot marinig.

Nakaka-panindig balahibo.

"Nay." Tawag ko sa aking lola.

"Mmmmm?" Tugon niya sakin habang nakatutok ang kanyang atensyon sa natastas na damit ko na tinatahi niya ngayon.

"Totoo po ba yung sinabi sakin ni Myra." Si Myra ay kaibigan ko.

"Ano ba yun?"

"Na kapag umaatungal daw ang mga aso, signos daw ito na may mamamatay."

"Oo, totoo yun." Lumingon siya sakin at pansamantalang tinigil ang ginagawa niya. "Kaya dapat sasawayin mo ang mga aso kapag ganun."

"Ahhh. Sige po."

Pero wala naman na kaming aso ngayon. Kamamatay lang nung nakaraang linggo dahilan sa katandaan.

Hinihintay ko nga na manganak yung aso nila Lance. Sabi niya kasi sakin, na ibibigay niya sakin yung isa. Babae yung gusto kong kunin. Kaso mga isang buwan pa ata bago pa manganak yun.

Nga pala, si Lance ay yung crush ko. Pero hindi niya alam. :)

"Halika na Nella. Matulog na tayo."

"Opo."

Sana bukas may ilaw na.

Mag iisang buwan na din kasi kaming walang kuryente. Dahilan sa dinaanan kami ng malakas na bagyo. Sabi ng iba, mga dalawang buwan pa daw bago magka kuryente.

Habang inaayos ko ang aking higaan may nakita akong anino na dumaan sa may pasukan ng aking kwarto.

Pero 'di ko pinansin. Si Nanay lang naman yun eh. Yung lolo ko naman kanina pa tulog. Pagod sa maghapong gawain sa bukid.

"Awooooo. Awooooo. Awooooo."

Muling umatungal ang mga aso ng kapitbahay.

Lumakas bigla ang simoy ng hangin.

Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Myra nung nakaraan.

Kung saang direksyon daw umaatungal ang mga aso, sa bandang yun din daw yung lokasyon ng mamamatay.

Saang direksyon kaya nakaturo ngayon ang mga aso dito?

Bumangon ako at hinawi ang kurtina sa bintana ng aking kwarto na nasa gilid lang ng aking higaan.

Dahan dahan kong binuksan ang bintana.

Maliwanag ang buwan, siguru naman maaaninag ko pa rin ang mga aso kahit malalim na ang gabi.

Kasalukuyan kong sinisilip ang nasa labas.

"Nelia." At nabigla ako nung tinawag ako ng aking lolo.

"Matulog ka na." Sabi niya at sabay ngumiti.

"Opo." Ngumiti din ako habang gulat pa rin sa kanya. At pagtapos nun ay bumalik na siya sa higaan niya at nahiga na din ako. Di bale na nga kung saan nakaturo yung mga aso.

"Ano ba mga sinasabi mo dyan?" At nagulat ulit ako dahil naman ngayon kay lola na hawak hawak ang flashlight.

Napaupo ako sa higaan.

"Si lolo po kausap ko kanina."

"Ha? Hindi naman bumabangon ang lolo mo ah."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ni lola.

"Po? Eh pinuntahan nga niya ako kanina lang."

Dali daling bumalik si lola sa kwarto nila at sumunod ako sa kanya.

"Ador." Tawag niya kay lolo habang niyugyug niya ito para gumising.

"Ador gumising ka." Mas nilakasan ni lola ang pag yugyug ngunit wara pa rin.

"Awoooooo. Awoooooo. Awoooooo."

Muling atungal ng mga aso sa labas , napatingin ako sa may pintuan at parang may nakita akong anino na lalong nagpatindi sa takot ko ngayon.

"Wala na ang lolo mo!" Pasigaw na sabi ng aking lola.

At kasabay nun ang paglakas pa ng hangin pati na rin ng pagtulo ng luha namin dahil sa di inaasahang pangyayari.

AtungalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon