"Nelia! Nelia! Tulungan mo ko!"
Sigaw ni lola na agad nagpabangon sakin sa higaan.
Madilim pa ang paligid.
Kinuha ko ang flashlight sa tabi ng aking higaan.
"Parang awa mo na! Wag mo kong patayin!"
Muling sigaw ni lola at kasabay nun ang pag atungal ng mga aso sa paligid.
"Awoooooo! Awoooooo! Awooooooo! Awoooooooooooooo!"
Nang nakarating ako sa kwarto ni lola.
Nakita ko siyang naka handusay at duguan habang sinasaksak ng nakaitim na babae.
"Lola!" Papaiyak kong sigaw.
At lumingon sakin yung babae na may napakatalim at nakakatakot na tingin. At sobrang nanlilisik ito.
Nanginig ang mga tuhod ko at hindi ako makakilos kahit gusto ko nang tumakbo.
Tumayo ito at patungo na sakin dala dala ang kutsilyo na may tumutulo pang mga dugo.
Agad akong napatakbo palabas at sumigaw ng sumigaw.
"Tulong! Tulong!"
Hanggang sa nadapa ako at naabutan niya ko.
"Magsama na kayo ng lola mo!"
Sabi niya sakin sa boses niyang mala demonyo.
"Waaaaaggggg !"
At tinaas niya na ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo at agad agad itong binaon saking katawan.
"Waaaaaaaagggggg!!!!!!"
At akoy nagising na may kaunting luha sa gilid ng aking mga mata.
"Hoy! Bakit ka ba sumisigaw diyan."
Napaupo ako sa higaan.
"Nanaginip po kasi ako ng masama."
At ang bilis pa din ng kabog ng puso ko.
"Hays. Bumangon ka na at papasok ka pa."
Agad akong bumangon at habang naghahanda ako sa pagpasok ay pinapakinggan ko ang lola ko sa mga kwento niya.
"Parang nung mga nakaraang linggo lang may pinatay dito sa purok natin, ngayon may pinatay na naman. Kaya pala panay na naman ang atungal ng mga aso kagabi."
"Sino po namatay lola?" Tanong ko habang kumakain ng almusal.
"Si Daisy." Sagot niya. "Pinugutan siya ng ulo."
Nabigla ako sa sinabi ni lola.
"Ha?! Seryoso po?"
"Oo. Grabe nga. Hindi din alam kung sino gumawa sa kanya nun."
Pati din yung sa tatay ni Myra hanggang ngayon wala pa din silang alam kung sino gumawa ng karumal dumal na krimen na yun.
Hindi kaya iisa lang ang gumawa nito?
Pero bakit?
Nasa school na ko at hot topic ngayon yung pagpugot ng ulo kay Anti Daisy.
Hot topic din ngayon sa section namin ang bago naming classmate na si Angel.
Transferee mula sa Manila.
Halos palagi daw kasi siyang mag isa sa bahay nila dun dahil busy masyado yung parents niya sa opisina kaya dito sila pinatira sa lola niya.
Maganda si Angel at ramdam ko naman na mabait siya.
Ang kaso nga lang parang close na kaagad sila ni Lance.
Tsk!
Parang naiinis ako.
Bakit kasi naisip ni Mam na itabi si Angel sa upuan ni Lance.
"Selos ka nu?" Naputol ang pag titig ko kila Lance nung kinausap ako bigla ni Kate.
Isa din sa mga bestfriend ko dito sa room.
"Ha? Pinagsasabi mo?"
"Awsuuu. Kunwari pa to."
"Kunwari na ano?"
"Hay naku! Wag ka nga, madami pang gwapo dyan hindi lang si Lance."
"Ewan ko sayo." Sabi ko na lang at tumigil naman na siya.
Yung kilabot na pakiramdam ko kanina mung nalaman kong may pinugutan ng ulo sa may samin napalitan ng hindi ko maipaliwanag na sakit sa may puso ko.
At muli tinignan ko si Lance na kausap pa rin si Angel.
Nakangiti sila sa isat isa.
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko.
Ayoko ng ganito.
Ang bata ko pa para makaranas ng ganitong sakit.
