Part 5

2 0 0
                                    

Papasok na ko ng eskwelahan at lumingon ako saglit sa bahay nila Lance na lagi kong nadadaanan.

At may nakita akong nagwawalis sa may tapat nila.

Kinilabutan ako at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Pananaginip na naman ba to?

Sana oo.

At gusto ko nang gumising.

Dahil yung nakita ko.

Walang ulo!

Nakatitig pa rin ako dun sa nagwawalis at napatigil ito.

Nakaharap siya sakin.

Pumikit ako.

"In Jesus name." Sambit ko.

Tsaka dumilat.

Si Anti Jade.

Mama ni Lance.

Nakangiti siya sakin.

"Hinihintay mo ba si Lance?" Ang kanyang sabi. "Nasa loob pa siya nagbibihis."

"Ay hindi po." Sagot ko sa kanya na kinakabahan pa. "Mauna na po ako anti."

"Sige, baka maabutan ka na lang niya mamaya."

"Okay po."

At naglakad ako ng pabilis ng pabilis hanggang sa makalayo na ko sa kanila.

Sana naman hindi mangyari ang iniisip ko.

Please Lord. Wag po sana mangyari kay Anti yun.

Sa eskwelahan panay ang tingin ko kay Lance na lagi na lang nakikipag usap kay Angel.

Sige na nga.

Eh di magsama sila kung gusto nila isat isa.

Pake ko ba.

Ngunit nabigla ako ng lumingon sakin si Lance.

Nagkatinginan kami.

At agad kong iniwas ang aking tingin.

Syete yan!

Nahuli pa tuloy ako niya!

Baka iniisip niya sobrang gwapong gwapo ako sa kanya dahil tinitignan ko siya ah.

Hmmmp!

Uwian na at nung papalabas na ko biglang may humawak sa king mga kamay.

Napatigil ako at unti unting lumingon sa kanya.

"Uwi ka na ba?" Nakangiti niyang tanong sakin.

Hinawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Oo." Sabi ko ng hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"May meeting pa kasi kami, hindi mo na ba ko mahihintay para sabay na tayo sa pag uwi?"

Tumingin na ko ng diretso sa mga mata niya.

"Hindi na. Kay Angel ka na lang magpahintay. Total siya naman lagi mong kausap at kasama nitong mga nakaraang buwan di ba?" Sagot na may halong pagkainis na halatang ikinagulat niya.

"Ha?"

"Ewan." Sagot ko sabay irap sa kanya at tumalikod na. "Lika na Kate."

"Oh owkey." Sagot niya at lumingon kay Lance. " Sensya na Lance, highblood sayo bestie ko. Be happy na lang kay Angel."

Habang naglalakad kami pauwi nakasalubong namin si Anti Leny.

Tita ni Lance.

"Nasa school pa ba si Lance?" Tanong nito samin.

"Opo." Sagot namin at dali dali na itong umalis.

At pagdaan namin sa bahay nila Lance. Ang daming tao at may mga pulis.

May naririnig din akong mga nag iiyakan sa loob ng bahay.

At tinanong ko ang isang ale na galing dun.

"Aling Melba. Ano po nangyari?"

"Si Jade. Pinatay."

"Po?" Nabigla ako sa sagot niya at dali dali akong nagtungo dun kila Lance habang kinakabahan.

At nakita ko ang naka handusay na si Anti Jade.

Duguan.

At naka dilat ang mata at parang nakatitig siya sakin.

Sabado ng tanghali na ng dumating ang bangkay ni Anti Jade galing sa punenarya.

Ang lungkot ng paligid.

At makulimlim pa.

Sinasabayan pa ng malalakas na ihip ng hangin.

Hinanap ko si Lance ngunit wala siya.

At naisip kong baka nandun siya sa lagi naming tinatambayan.

At hindi nga ako nagkamali dahil nandun siya nakaupo.

Nakatingin sa malayo.

Malapit ng bumuhos ang ulan.

Kailangan niya na umalis dun.

Nagtungo ako sa kanya at agad kong pinatong ang kamay ko sa kanyang balikat.

"Sana ayos ka lang." Sabi ko sa kanya at kitang kita ko ang sobrang kalungkutan sa kanyang mukha.

Umupo ako sa tabi niya.

At agad niya kong niyakap. Kasabay nun ang kanyang pag iyak.

"Nelia, wala na ang mama ko."

Niyakap ko din siya ng mahigpit.

Wala akong magawa kundi ganito lang.

Wala akong maisip kung paano aalisin ang sakit na nararamdaman niya.

At nakokonsensya pa ko dahil tinarayan ko siya kahapon ng dahil kay Angel.

Umiyak ng umiyak si Lance sa piling ko hanggang sa tumahan siya.

"Sensya na Nelia, nabasa na tuloy damit mo." Humiwalay na siya sa pagkayakap sakin at sumisinghot singhot na nagsasalita.

Ngumiti ako sa kanya. "Ok lang."

Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadanas niya ngayon.

Ang hirap pala talaga pag nakikita mong nasasaktan yung mahal mo.

Sana may paraan talaga para mawala yung sakit sa puso niya.

AtungalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon