Part 3

2 0 0
                                    

Nag lalakad ako pauwi nang nabigla ako nung may umakbay sakin.

Napalingon agad ako sa kanya at agad kong nakita ang mali anghel niyang mukha na nakangiti sakin.

"Hindi mo man lang ako hinintay." Sabi niya sabay pout na kunwari ay nagtatampo.

Uggghhh!!! Ang cute! Ang sarap yakap yakapin. Pero nag pipigil ako. Makuntento muna tayu sa akbay.

"Buti naabutan kita." Muli niyang sabi. "Ang bilis kong tumakbo di ba?" Sabay kindat.

Kanina pa ko pinapakilig nito. Anak ng putik. Pag ako umasa sa wala. Sasapakin ko to.

"Sorry. May meeting ka pa kasi kanina kaya hindi na kita hinintay." Sagot ko sa kanya habang nag lalakad kami.

Officer kasi siya sa school.

"Ah, pero nexttime sana hintayin mo ko, kasi nakakapagod na habulin ka."

"Hays, minsan lang naman tayo hindi magkasabay umuwi ah."

"Kahit na." Inalis niya na pagka akbay sakin.

Ay oh. Akbay ka pa beybi please.

"Gusto ko sabay tayo lagi eh." Sabi niya pero diretso ang tingin niya sa daan.

"May sasabihin pala ako."

"Hmmm? Ano yun?"

Nagkatinginan kami.

"Ammm." Siya.

"Ammm?" Ako.

"Ah wala." Umiwas siya ng tingin at parang namumula siya.

"Ha? Sabi mo may sasabihan ka eh."

"Wala. Joke lang yun."

Sinuntok ko sya ng mahina sa braso niya.

"Para kang toinks."

"Aray." Sabi niya sabay pout.

"Ay sorry." Sabi ko habang hinawakan yung braso niya. "Ikaw kasi."

"Sa sunod ko na lang sabihin sayo."

"Ang alin nga?"

"Basta."

"Pag di mo sinabi magtatampo ako sayo."

"Ha? Eh di sige mag tampo ka."

"Anu ba yan."

"Pag nag tampo ka hahalikan kita." Sabi niya sakin ng nakangiti at may pa kindat kindat pa.

"Ha?" Nabigla ako pero napangiti ako.

"Wala, joke lang. Sige dito na ko samin. Ingat sa pag uwi." At dumiretso na sya sa kanilang bahay.

At ako mga ilang segundong nakatunganga sa kanya.

Hays. Lance. Ano ba kasi yun?

Hindi tuloy ako makakatulog niyan eh.

At amoy na amoy ko pa rin yung pabango niya. Hindi siya naalis sa damit ko. Ahihi.

"Awoooooo. Awoooooo. Awoooooo. Awoooooo"

Malapit na ko sa bahay ng umatungal ang mga aso.

Takte. Anu ba yan! Kinikilig na ko eh tapos ganyan.

Tinignan ko kung saang direksyon sila nakatungo.

"Halla. Sa bahay nila Myra." Nasambit ko sa aking sarili.

Hays. Wag naman sana .

Sana trip lang nilang umatungal at walang buhay ang mawawala.

"Inang Lydia! Inang Lydia!"

Habang nagbibihis ako narinig ko ang sigaw ng aming kapitbahay na patungo dito samin.

At habang nasa kwarto ako pinakinggan ko sila.

"Oh bakit?"

"Yung tatay ni Myra! Pinatay!"

"Ano?!"

Napatigil ako saglit sa narinig ko at dali dali nang lumabas para mapakinggan ng mabuti ang mga susunod na sasabihin ni Manang Alma.

"Halos di na makilala mukha niya! Grabe talaga! Nakilala lang siya dahil sa damit na suot niya."

"Diyos ko. Eh sino naman kaya gagawa nun sa kanya?"

"Wala nga silang ideya eh."

At hindi ko na narinig ang ibang sinasabi niya dahil agad na kong nagtungo kila Myra kahit padilim na.

Sigurado akong sobrang lungkot nun ngayon at sobrang sakit ng nararamdaman niya dahil pinatay ang tatay niya sa di malamang dahilan.

AtungalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon