Part 2

7 0 0
                                    

"Sige na ho inang Lydia, kayo na lang po huli kong pag asa. Lahat po dito sa may purok natin hiniraman ko na pero wala po silang naibigay." dinig kong paki usap ni aling Melba kay lola habang nagpuputol ako ng kuko.

Nanghihiram ito ng pera para daw pambili ng gamot ng nag iisang anak niya na ngayon ay may mataas na lagnat.

"Pasensya na. Wala din ako Melba eh. Hindi kasi ako nakapag benta ng gulay nitong nakaraan. Wala talaga ako mapapahiram sayo ngayon."

Halata sa mukha ni aling Melba ang pagka dismaya.

"Sige ho, salamat na lang po. Alis na po ako." Sabi nito at agad ng umalis.

"Hays. Mahirap talaga pag iniwanan ka ng asawa." Sabi ni lola habang nag lalakad papuntang kusina.

Nakaramdam ako ng awa kay aling Melba, iniwan na nga siya ng babaerong asawa niya tapos ngayon yung anak niya may malala pang sakit.

Kung may pera lang sana ako ibibigay ko na lang to sa kanya.

Kaso wala eh, estudyante lang ako at hindi man lang ako nakaka ipon sa mga baon ko. Kahit na minsan ay nililibre ako ni Lance my loves. Haha.

"Nelia." Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang boses na yun.

Na excite ako bigla.

"Oh lance?" Nasa may pintuan siya nakatayo.

"Punta ka na samin , mag sisimula na yung party ni bunso. Asan na si lola Lydia?"

"Nasa kusina, tawagin ko lang at punta na kami." Sabi ko habang naka ngiti. Hindi ko mapigilan, at natutuwa ako lalo kasi ganun din siya habang kausap ako.

Ugggh! Ang gwapo! Mala Donny Pangilinan ang tipo niya.

"Sige. Antayin ko kayo ah."

Tumango ako umalis na siya.

First bithday ngayun ng kapatid niya, na magiging kapatid ko din sa future. Wahaha. Assuming. Pasensya na. Hehe.

Ang daming handa ng kapatid ni lance. May pa games pa sa mga bata at mga clowns na nagpapasaya sa lahat dahil sa mga magic tricks nila.

Bongga talaga palagi pag first birthday ng mga bata, talagang pinag hahandaan ng mga magulang. Nagpapakita lang na talagang mahal nila ang biyaya ng Diyos na binigay sa kanila.

Ang daming laman ng plato ko. Si lance kasi daming nilagay. Lahat ata ng naka display sa lamesa eh. Except yung cake kasi mamaya pa siya hahatiin.

At oo! Si Lance ang kumuha ng pagkain ko sabi ko nga wag na kasi kaya ko naman. Haha.

Ang sweet ni Lance may beybi. Haha

Habang kumakain ang lahat at nag kakasiyahan kami.

Biglang nag atungal ang mga aso.

"Awoooooo. Awooooo. Awooooooo."

Buti na lang hapon pa lang ngayon kaya hindi masyadong nakakatakot.

Sinaway at binato ng mga nag iinuman yung mga aso para tumigil ang mga ito pero pasaway ayaw tumigil ng mga to hanggat di sila natatamaan ng pambabato.

At mas muling nabigla ang lahat ng may narinig kaming napakalakas na pag iyak na may pag hihinagpis ng isang babae.

"Anak koooooooo!"

Si aling Melba.

May ilang mga nandun na pinuntahan siya.

Kapitbahay lang sila nila Lance.

Sumunod kami ni Lance papunta dun.

At nakita namin si Aling Melba. Yakap na yakap ang kanyang anak habang naghihinagpis siya ng sobra.

"Anaaaaaak! Ayokong mawala ka agaaaaad!!!! "

Ang kaninang kasiyahan ay nabalutan ng matinding kalungkutan.

AtungalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon