"Nelia." Tawag niya sakin habang naka upo pa rin kami sa aming tambayan.
At parang ala singko na ng hapon dahil sa sobrang kulimlim na ng paligid.
Kailangan na naming umalis.
"Hmmm?" Sabay lingon ko sa kanya.
"Galit ka ba sakin?"
"Ha? Hindi nu. Andito nga ako di ba?"
"Kahapon kasi sinungitan mo ko."
"Ha? Wala yun. Wala lang ako siguru sa mood." Nakangiti kong sabi.
"Galit ka ba dahil kay Angel?" Tumingin siya sakin.
"Ha? Hindi. Bakit naman ako magagalit kung lagi mong kausap at kasama si Angel." Sagot ko ng hindi makatingin sa kanya.
Nabigla ako dahil bigla niya ulit akong niyakap sabay sabing, "Sorry."
"Sorry saan?" Tanong ko.
"Nagselos ka kasi dahil kay Angel."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ha?"
"Hayaan mo di ko na siya papansinin."
"Ano ka ba? Hindi ako selos nu."
Hinigpitan niya pa ng konti pagkakayakap niya sakin.
"Kunwari ka pa eh. Selos ka alam ko."
Hindi na ko makapagsalita.
"Ang totoo niyan, nagpapatulong ako sa kanya kung paano sasabihin sayo."
Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Ang alin naman?"
Bumitiw siya sa pagyakap sakin at diretsyong nakatingin saking mga mata.
"Na gustong gusto kita."
Napanganga ako sa narinig ko.
"Yun ang gusto kong sabihin sayo dati pa, nahihiya lang ako. Mahal na mahal na kita Nelia."
Napangiti ako at sumagot sa mga sinabi niya. "Matagal na din kitang gusto Lance. At aaminin ko na sobrang sakit sakin pag nakikita ko kayo ni Angel na magkausap at magkasama."
Pagkatapos kong sabihin yun ay dahan dahan siyang lumapit sakin.
Napapikit ako ng nilalapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.
At unti unti kong naramdaman ang mga labi niya sa mga labi ko.
Kasabay nun ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Ang saya ng pakiramdam ko kahit mali o wala sa timing ang pangyayaring ito.
Sana ganito na lang lagi kasaya ang mangyari sa mga susunod.
At lumipas ang mga araw mula nung pinatay ang mama ni Lance ay may panibago na namang karumal dumal na krimen ang naganap.
Hindi rin malaman ang motibo at sino ang pumapatay.
Habang nasa lamay kami ni lola.
May nakita akong babaeng napadaa n.
Tumingin siya sa direksyon namin at nagkatitigan kami.
Kitang kita ko kahit nasa malayo ang kanyang mga matang nanlilisik.
Punong puno ng galit ang kanyang mga titig.
Parang yung mga matang nasa panaginip ko noon.
Walang pinagkaiba.
Nakakatakot.
"Ano bang drama mo at pinapunta mo kami dito?" Tanong sakin ni Myra.
Kasalakuyan kaming nasa tambayan ngayon kasama rin si Lance at pinsan niyang si Jun at pati rin si Kate ay nandito.
Pinapunta ko sila dito dahil gusto kong sabihin sa kanila ang gumugulo sa isip ko.
"Parang alam ko na kung sino ang pumapatay dito sa purok natin." Sabi ko.
"Ha? Sigurado ka ba? Bakit nag imbestiga ka ba?" Tanong ni Myra ulit sakin.
"Hindi." Sagot ko.
At hinila ni Kate ang buhok ko. "Toinks ka." Sabi niya.
"Makinig muna kasi kayo, ganito kasi yun." At nag focus sila sakin.
"Dati kasi may napanaginipan akong isang babae na gustong pumatay samin ni lola at nung isang araw sa lamay ni Mang Kardo parang nakita ko yung babaeng nasa panaginip ko."
"Totoo ba yang panaginip mo bestie?" - Kate
"At sino naman yung babaeng yun?" Tanong ni Jun.
"Si aleng Melba."
