Chapter 1: The Ritter

314 18 16
                                    

Syhra's POV

In human's world, they considered blood as their another life. If they lose it they'll die.

But I am different----we are different--we drink blood to survive, we kill and kill. That's our nature. That's how the vampire's life works. Nabubuhay kami sa dilim, hindi sa liwanag.

"Miss Sy, nandito na po tayo."

Tumingin ako sa labas ng bintana. Ramdam ko ang init mula sa sinag ng araw. Nandito na nga ako. Qin University, ang pinakamalaking unibersidad sa Denvor.

Sinuot ko ang sunglasses at lumabas ng kotse.

"Ihatid ko na po kayo sa loo--"

"Di na kailangan. Bumalik ka na"

Dala ang isang maleta, walang lingon-lingong pumasok ako sa malaking gate ng QU. Maraming estudyante ang napatingin sa akin pero diri-diritso lang ako sa paglalakad. Huminto ako sa isang puting pinto. The Dean's office.

"You must be Hera, the new transferee from Stanford. I'm Kyla Qin, you can call me Ky. Welcome to Denvor Ms. Sy." tinaas niya ang kamay niya.

Tinanggap ko ito pero agad ko ring binitawan.

"Here's your schedule,"

"Salamat."

Tiningnan ko ito. Kumunot ang noo ko.

"You've got the highest score but you enrolled late, so wala akong ibang magawa kundi isama ka sa Class 4-E. Don't worry kahit dalawa lang kayong babae doon, hindi ka magsisisi, mababait sila."paliwanag niya.

I just nooded.
Wala namang problema sa akin kung saang klase ako nabilang. Ang mahalaga nandito na ako.

"Hahaha, puta hindi ko talaga makalimutan ang mukha ng gurang na 'yon."

Malayo pa lang ako sa classroom rinig na rinig ko na ang sigawan sa loob.

"Siguradong hindi na 'yon babalik."

"Sinabi mo pa. Siguradon--"

Binuksan ko ang pinto. Napatingin silang lahat sa akin.

Sirang upuan, mga basag na bote at bintana, mga pintura na nagkalat sa sahig na halatang ginamit pangsulat sa pader.
So this Class 4-E.

Great.

"Witwew!"

"Miss, naligaw ka ba dito? O baka naghahanap ka ng makakasama sa langit?"

"Hahaha!"
Sabay silang nagtawanan.

Hindi ko lang sila pinansin at umupo sa pinakalikod malapit sa bintana.
Napaangat ako ng tingin nang may humawak sa balikat ko.

"You're new here, you should play with us."

"Play?"

Lumapit sa amin ang isa pang lalaki. Blonde ang buhok niya at may itim na hikaw sa kabilang tainga.

"Talunin mo ako,"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"If you lost, you have to serve us."

Umub-ob ako sa mesa nang muli niya akong hinawakan.

"Kung ayaw mo--"

"Okay. Kapag nanalo ako, wag niyo akong guguluhin. Ayoko ng distorbo."

Kailangan kong matapos agad ang misyon ko, kung hindi, hindi na ako makakabalik pa ng buhay.

Alas-singko ng hapon, isa-isa ng nagsidatingan ang mga estudyante sa loob ng gym. Nagmukha itong arena sa dami ng tao. Akala ko sa Bloodhill lang may ganitong klaseng eskwelahan.

SYHRA: Vampire's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon