Chapter 6: Bloodhill

78 4 7
                                    

(Leo Vatore at the top❤)

Syhra's POV

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ang sasakyan sa malaking pader ng Bloodhill. Dumagdag pa ang maitim na aura galing dito.
Parang bumabalik sa isip ko ang nangyari noon.

Ang driver kanina pa tingin ng tingin sa akin. Bakas ang takot sa mga mata niya.

Tinanggal ko ang suot kong sunglasses at sinuot ang itim na cloak.

"M--Miss, ma-malayo pa ba ang--"

"Ihinto mo ang kotse sa harap ng gate, bababa na ako."

Pansin ko ang kakaibang tingin ng driver sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit ako pumupunta sa ganitong klase ng lugar.

"Salamat."

Mabilis na pinaharurot niya paalis ang sasakyan.

Tumingala ako sa itaas.
Welcome to Bloodhill.
Sira-sira na ang signboard at may bakat pa ng dugo. Pinikit ko ang mata ko.

"Relax Sy. Kaya mo 'to."

Inayos ko ang hood ng cloak at nagsimulang maglakad papasok.

Bawat bahay na nadadaanan ko, bawat kanto, ni-isang tao wala akong makita.
Ang mga basura nagkalat sa kalye.
Para itong isang ghost town.
Kahit isang hininga wala akong nararamdaman.
Ni-wala akong maamoy na dugo.

Totoo nga ang sinabi ni Ryzen sa sulat, pagkatapos mamatay ng mga tao dito. Naglaho na parang bula ang mga katawan nila.

Walang alam ang mga tao tungkol sa Bloodhill. They didn't even knew about its existence. Ang mga taong nakatira dito noon ay mga bilanggo lamang ng Vatore Clan kung saan pinamumunuan ni Leo.

Angkan ng Merrick ang namumuno ng Bloodhill noon na pinamumunuan ni Victor Merrick, ang ama ko. Pero nawala ito ng patayin ni Leo ang ama ķo at gawin akong Ritter.
Ang babaeng bampira na magiging asawa ng isang pinuno ng isang pinakamalakas na angkan.

Ang Ritter ay naiiba sa lahat. My strength, my eyes, isang kagat ko lang ay magiging abo na ang katawan ng isang bampira.
Lahat sila naiinggit sa katauhan ko, sa kakayahan ko.

Nakakatawa diba?

Sinong nilalang ang gugustuhing mabuhay sa dilim habang-buhay?

I didn't choose this, but I guess being miserable is my destiny.

Ang Bloodhill ay nasa kalagitnaan ng kagubatan. Maaari kang maligaw o mamatay.
Hindi ka basta-basta makakapasok dito kapag wala kang kasamang bampira o nanirahan sa Bloodhill dahil isang hakbang mo pa lang, isang dosena na ng bampira ang nakatayo sa harapan mo.

Kung paano nalaman ni Hero at Chrysler ang tungkol sa Bloodhill ay hindi ko rin alam. Siguro nga may koneksyon talaga ang angkan ng Qin sa mga bampira.

Huminto ako sa paglalakad nang may maramdaman akong presensiya.
Isang matulis na dagger ang dumaan sa mukha ko na mabilis kong sinalo.
Nakangiting lumabas galing sa likod ng poste si Ryzen.

"Nag-alala ako na baka humina ka na dahil sa pamamalagi mo sa Denvor pero mukhang nagkamali ako."

Sumilay ang ngiti sa labi ko.

"You're still slow."
Hinagis ko pabalik sa kanya ang dagger.

Sumeryoso ang kaninang nakangiti niyang mukha. Palinga-linga siya sa paligid.

"Sumunod ka sa akin. Hindi tayo pwedeng magtagal dito."

Huminto siya sa isang puting pader na gawa sa bato. May pinindot siya dito. Maya-maya ay dahan-dahan itong bumukas at iniluwa ang hagdan papunta sa baba.
Tahimik lang akong sumunod sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SYHRA: Vampire's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon