Chapter 4: Under the moonlight

87 11 23
                                    

Syhra's POV

"Lilinisin ko 'to?"

Hindi makapaniwala kong tanong kay Bryle.

Nagkalat ang iba't-ibang plastic ng junkfoods sa mesa, pati sa sahig ang dami.
Isama mo pa ang mga juice na sinadya yatang ibuhos sa bawat parte ng bahay.

Mga basag na bote, tira-tirang pagkain. Grabe, may party bang naganap dito?

"Yon ang sabi ni First eh. Linisin mo na lang."

Ang lalaking 'yon, talagang katulong talaga ang turing niya sa akin ah.

"Bryle-"

"Pasensya na, hindi kita pwedeng tulungan. Papatayin ako ni First eh. Sige, bahala ka na diyan. Nasa gilid ng cr yong mga gamit panglinis."anito at dali-daling umalis.

Tss.
Tatanungin ko lang naman kung nasaan si Jiro.

Two weeks na kasi nang huli ko siyang nakita. Usap-usapan ng ibang estudyante pumunta daw siya sa Bloodhill.

Ang duwag na 'yon na talaga. Hindi man lang ako pinatapos.

Sinuot ko ang gloves sa kamay ko at naglagay ng facemask.

Nagsimula na akong maglinis.
Inilagay ko sa garbage bag ang mga basag na bote, mga plastic ng junk foods, can juice. Halos kalahating oras na akong naglilinis pero parang hindi man lang nagalaw 'yong mga basura.

Anong klase bang tiyan meron ang unggoy na 'yon at naubos nila ang ganito kadaming pagkain?
Tsk.

This won't do.

Sumilip ako sa labas. Nang makita kong walang tao ay sinarado ko ang kurtina ng bintana.

"Okay, let's do it."

Mabilis ang galaw na pinunasan ko ang bawat sulok ng kwarto, ang bintana. Winalis ko ang mga pagkain na nagkalat sa sahig at nagmop.

In just a minute ay parang bago na ulit ang lahat.
Ang linis.
Wala man lang akong nakitang kahit isang alikabok.

Being a vampire are quiet useful in this kind of events.

Napatigil ako nang may maramdaman akong presensiya sa likod.

I then saw him, nakasandal siya sa pader habang nakapamulsang nakatingin sa akin.

"I guess your strength are quiet useful." Jiro

Tinanggal ko ang suot kong gloves at nilagay ito sa garbage bag.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko member lang ng GK ang pwedeng pumasok dito."

"I'm not just anyone, I can go wherever I want."

Right.
He's the one of the heirs of Qin after all.

"I didn't know vampires can clean. I thought they onl--"

"What do you want? For sure hindi ka pumunta dito para purihin ako, diba?"
Biglang siyang tumahimik.

"Spill it."

Umayos siya ng tayo.
I can sense the seriousness in his aura.

"About the prophecy, can you tell me more about it?"

"Prophecy?"

Did he really went to Bloodhill?

"Bakit bigla ka yatang naging interesado? Akala ko ba wala kang pakialam sa gagawin ko dito?"

SYHRA: Vampire's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon