HRB 1

127 5 0
                                    


Her Real Beauty
Chapter 1
Rhycel's Pov

"Good morning class!"

"Good morning Sir John!"

Nagsimula nang magturo si Sir John sa amin. Well, isa pa tung sir na tu! Pinahiya pa niya ako last year na sobrang pangit ko. Gago! WHO YOU?!

Pero nagtataka ako!

Bakit hindi nila ako namumukhaan! Ang gaga ko kasi! Hindi man lang ako nagsalamin papunta dito. Gaga!

Ano ba talagang nangyayari? Gumanda ba talaga ako! Ahahaha...IMPOSIBLE!

Since elementary pangit ako! Lahat ng crush ko iniiwasan ako dahil bakulaw daw mukha ko.

Hays! Titignan ko nga ang sarili ko sa salamin!

"Ah! Excuse me sir! May I go to the restroom?" Sabi ko kay sir habang nakataas ang aking kamay.

"Oh? Okay! Sure!" Nakangiting sabi ni sir. Heck! Creepy ng smile mo sir!

"T-thank you sir!" Nahihiyang sabi ko.

"Bakit siya pinayagan mag-cr during class ni sir?"

"Gago pala tu si sir eh! Pakyo sir!"

Rinig ko ang mga bulong ng aking mga kaklase pero di ko sila pinansin. Diretso akong naglakad papunta sa restroom at tumingin sa salamin!

"WOOOOAAAH! OH MY..."

"...GOOOOODNEEEES!" Sigaw ko.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon sa salamin. Ako ba tu? Bakit nagkaganito mukha ko? GUMANDA AKO!!!

This is unbelievable!

Kanina ko pa sinasampal sarili ko at hinahawakan ang aking mukha.

"Ako ba tu?!"

Sampal na naman ako ng sampal. Hangang sa lumabas nalang ako sa restroom at bumalik sa classroom.

Ang mukha kong puno ng pimples...BAKIT NAWALA?!
Anyare sa mga alagang pimples ko? Five years ko yung inalagaan nu. Biruin niyo? Five years kaming magkasama tas nawala lang sila agad-agad? Nagsawa na ba sila sa mukha ko!

Pero seriously...ANG GANDA KO! Pumula lips kong walang kakulay-kulay. Nawala lahat ng pimples ko at infairness! Ang kinis ng mukha ko!!!

Hindi ko halos madescribe ang sarili ko. Ano ba tung nangyayari? Pano nangyari tu?

Umupo na ako sa aking upuan at inalala ko ang mga nangyari nung mga nakaraang araw. Hmmm...hindi kaya dahil tu sa matandang babae na tinulungan ko nung nakaraang araw?

- Flashback -

Huhu! Ganito ba talaga ako kapangit? Bakit ba ako pinanganak ng ganito kapangit! Huhu!

Naglakad lang ako ng mag-isa hangang sa napahinto ako nang makita ko ang grupo ng babae na sinasabunutan ang isang matandang babae.

"HOY!" Sigaw ko saka ko sila tinignan ng masama.

"Oh shit! Ang pangit!" Sabi ng babae na isa sa kanila at tumawa naman ang mga gaga. Lumapit sila sa akin at iniwan ang matandang babae.

"Oo! Pangit ako! Pero kaya ko kayong talunin sa awayan!!! Ano gusto niyo? Suntukan?!" Maangas na sabi ko at tumawa na naman silang lahat.

"Ahahaha! And then...hahaha! Mukha mo parang sinuntok ng unggoy! Ahahaha!!!" Tawa nila pero di ko sila pinalampas at mabilis ko silang sinampal isa-isa.

"Ouch! How dare you to slap me! You monkey!!!" Mabilis akong umiwas sa kanilang sampal at isa-isa ko silang sinuntok.

"Argh! Magkikita rin tayo monkey!" Sabi nila at tumakbo palayo.

"Mga duwag pala kayo eh! Mga Gaga!!!"

Mabilis akong lumapit sa matandang babae at tinulungan siyang makatayo.

"Okay na po ba kayo?" Tanong ko saka ko pinaupo sa may puno.

"Salamat hija! Heto tanggapin mo ito ang aking kwintas, bilang pasasalamat ko sa iyo!" Nakangiting wika ng matanda at inabot sa akin ang kwintas na may kakaibang disenyo.

"A-ah! Salamat po!"

"Soutin mo iyan hija! Matitigil ang panlalait at buhay ay di na mapait. Taglay ng kwintas na iyan ang kakaibang kagandahan kaya dapat ay ingatan!" Nakangiting sabi ng matanda na aking ipinagtaka.

Hanudaw? Nagtutula ba siya?

"Si-sige po!"

"Alis na ako hija! Maraming salamat sa pagtulong sa akin." Wika ng matanda.

Paika-ikang naglakad ang matanda saka ito biglang naglaho sa aking paningin. Wooooah! Pano nangyari yun? Naghahallucinate na ata ako dahil sa stress.

Sosoutin ko nalang tu bukas ang kwintas na tu...

- End Of Flashback -

Dis is OMG!!!
Dahil ba sa kwintas na tu gumanda ako?!

Unbelibabol!!!
Pag tatangalin ko itong kwintas, papangit ba ako ulit.

"Ummmhh...Hi!" Bati sa akin ng kaklase ko last year na si Jessy.

"Hi!" Sabi ko sa kanya.

"Mindi if I ask your facebook account?"

"Ay sorry ah! We're not close kasi." Sarkastik kong sabi kay Jessy at tinoun ang atensyon ko kay sir John.

"Tsss...Porke maganda!" Rinig kong bulong ni Jessy pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko inakalang ganito na ako kaganda!!!

Well, MARAMING THANK YOU SA MATANDANG BABAE!!!

TO BE CONTINUED...

Her Real Beauty (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon