Her Real Beauty
Chapter 5
Rhycel's PovLunch break na pero nandito kami ni Cleven sa library at busy sa pagbabasa sa irereport namin bukas.
"Ah...hindi ka pa ba gutom Cleven?" Sabi ko kay Cleven. Napatigil sa pagbabasa si Cleven then he smiled at me.
Well, gwapo din naman si Cleven and he's so cute. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang eye glass. I really love his cute eyes!!!
"Kanina pa pala tayo dito! Tara!" Sabi ni Cleven saka tumayo.
He's kind and gentleman too. Dreamboy ko na si Cleven!!! Hahaha!
Sabay kaming naglakad sa cafeteria at kumain. Ang tahimik din ni Cleven. Ang awkward ng feeling!
"So...childhood bff pala kayo ni Ally?" Sabi ko upang basagin ang katahimikan.
"Ah yeah! Palagi kasi kaming kaklase at magkaibigan ang nanay niya at nanay ko." Wika ni Cleven.
"Ganun ba! May childhood bff din ako. Kasing gwapo mo kaso nasa Japan! Haha!" Napangiti naman si Cleven sa sinabi ko.
"Haha! Miss ka na ata nun!" Sabi ni Cleven.
"Oh yeah!" Sabi ko.
Last kong nakita ang bff ko last year. Umalis siya sa Japan upang doon mag-aral.
"Oh! Si Ally!" Sabi ko kay Cleven sabay turo kay Ally. Mukhang bad mood si Ally. Nakasimangot kasi at parang wala sa sarili.
"Anyare?" Sabi ko kay Ally at umupo ito sa tabi ni Cleven.
"Argh! Si Zace kasi!" Sabi ni Ally.
"Bakit? May ginawa ba siya sayo?" Sabi ni Cleven.
"Wala naman! Napakasuplado lang kasi! Hindi man lang ako kakausapin sa ibang bagay." Sabi ni Ally.
"Haha! Sinabi mo pa!" Sabi ko kay Ally at uminom ng apple juice na binili ko kanina.
"Hays! Ang cold at ang sungit niya. Gwapo sana eh!" Sabi ni Ally.
"Tsss...bakit pa kasi siya ang kapares mo? Sana ako nalang!" Sabi ni Cleven.
Woooaaah!!!
"Yiiieee! Bagay kayo!" Sabi ko sa kanilang dalawa at bigla namang namula silang dalawa. Ang cute nilang dalawa!
"No! We're just friends! Diba Cleven!"
"Ah! Yeah! Lets go back to our classroom. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase." Sabi ni Cleven.
Tumango kami ni Ally at sabay kaming tumayo. Bumalik na kami sa classroom at doon ko nakita si Zace na busy sa pagbabasa.
"Ummmh...Hi Zace! Hindi ko pala nakuha number mo---"
Hindi na nakatapos si Ally nang nagsalita si Zace.
"You don't need my number!" Cold na sabi ni Zace habang nagbabasa.
"A-ah! Para kasi sa report natin---"
"Give me your phone!" Sabi ni Zace. Agad na inabot ni Ally ang cellphone niya kay Zace. Ang cold niya talaga!!!
"Ang cold talaga!" Bulong ko kay Ally.
"He's too rude!" Bulong naman ni Cleven.
"Pero gwapo!" Bulong naman ni Ally.
"Here! Don't call me unless it's urgent!!!" Cold na sabi ni Zace at binalik niya ang cellphone ni Ally at binalik ang atensyon niya sa pagbabasa.
Grabe! Ang cold talaga ni Zace.
_
Uwian na! Finally makakatakas na talaga ako sa Mr. Cold na tu!
Agad akong tumayo saka kami pumunta ni Cleven sa isang lugar na walang tao. Wala kaming gagawin ah!!!
"So tapos na tayo sa mga informations about the topic! Ang kailangan nalang natin ay practice!" Sabi ko kay Cleven.
"Yeah! We can do this!"
Nagsimula na kaming magpractice at natapos na kami agad. Pagkatapos ay umuwi na agad ako sa bahay.
"Kain na anak!" Wika ni mama.
"Alis muna ako ma! Punta muna ako sa bookstore!" Wika ko may mama.
"Ah! Ganun ba! Sige ingat!" Sabi ni mama.
Binilhan ako kahapon ni Zace ng libro. Gusto ko pang bumasa ng iba. Gusto ko ng may thrill!
Naglakad na ako papunta sa bookstore. Nang mamadating ako ay agad akong pumili ng iba't ibang libro.
"Hey!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa likod ko.
"Ginulat mo naman ako!" Wika ko kay Zace.
"Ah! Sorry..."
Woooaah! Marunong pala magsorry!
"Apologize accepted!" Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Ah...salamat nga pala..." Nahihiyang wika ni Zace.
Si Zace pa ba tu? Bakit kanina sa classroom ang cold at ang suplado niya!!!
"Para saan?" Wika ko.
"Sa librong sinabi mo kahapon. It's not so bad. I-I like it!" He said. Halos lumuwa ang mata ko. Hindi siya si Zace na nakita ko sa classroom!
"Asus! Sabi ko sayo eh! May suggestions pa ako! Halika!"
He suddenly smiled at me. Yung malapad! As in!
Napangiti siya sa sinabi ko...
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Her Real Beauty (OnGoing)
Teen Fiction- There's always a hidden beauty - She's Rhycel! Ang babaeng desperadang-desperada na gumanda. Then one day nagising nalang siya na lahat ng atensyon ay nasa sa kanya!!! ______ More ongoing stories!!! Thanks for supporting!