HRB 10

43 3 0
                                    


Her Real Beauty
Chapter 10
Rhycel's Pov

  "Ok lang ba yun si Kira? Kanina pa nakasimangot." Sabi ko kay Liana.

"Well, bad mood ata. First time niyang hindi mapansin ng isang lalaki. Yan ang resulta! Papansin!" Sabi ni Liana then she rolled her eyes. Napalingon naman ako kay Kira...

Papansin? Hindi niya naman ata kailangan magpapansin dahil lahat ng atensyon ay nasa kanya.

Sikat siya! Matalino! Maganda at sexy. Bakit pa ba siya magpapansin kung nasa kanya na ang lahat?!

Napalingon ako kay Zace na busy sa pagbabasa. Isa pa tu si Zace, parang walang paki sa mundo. Agad naman akong bumili ng kwek-kwek saka ako lumapit kay Zace at umupo sa tabi niya.

Agad ko namang inabot sa kanya ang dala ko.

"For me?" Nakataas kilay niyang sabi.

"Ay hindi! Para sa'kin tu! Kita namang ikaw binibigyan ko eh!" Sabi ko at mabilis na hinablot ang dala ko saka niya ito mabilis na kinain. Aba! Ang lakas kumain ng isang tu.

"Thanks..." Walang ka ekpresyong sabi niya. Well, at least nag thank-you tung Mr. Cold na tu! Agad naman siyang uminom ng tubig.

"Teka...bakit ba ang rude mo kanina kay Kira? Tignan mo oh! Nabad mood tuloy." Sabi ko kay Zace sabay turo kay Kira na nakatalikod at kanina pa galit at parang wala sa sarili.

"I hate attention seeker..." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Zace. Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Hindi naman ata siya ganun?!" I said.

"Tsss...You're so clueless. Isn't it obvious?" Cold na sabi ni Zace at napalunok laway nalang ako.

Obvious? I don't think that Kira is an attention seeker. Saka wala namang masama sa mga kilos niya.

"Oh?! I don't think so..." Sabi ko kay Zace.

Sumulpot naman bigla si Cleven.

"Tsss...you are too kind and innocent. Hindi mo ba napapansin ang titig sayo ni Kira, yung binangga ka niya, she must be insecure." Sabi ni Cleven sa akin.

"Hays! Ewan ko sa inyo." Sabi ko sa kanila.

"Hay naku! Ewan ko din sayo Rhy! Balik na daw tayo sa classroom." Nakangiting sabi ni Cleven.

"Yes! Salamat!" Masayang wika ko saka kami bumalik sa classroom.

If she's insecure...do I have to stay away from her. Hindi ko alam but is it necessary to stay away from her. Hindi naman ata siya insecure sa akin. She's the president...I'm just a student. Well, nasa kanya na ang lahat...and I'm the one who's insecure.

~*~

   "Hey!" Sigaw sa akin ni Zace.

"What?! Mr. Cold na supladong gago?!" Sabi ko kay Zace at tinignan naman niya ako ng masama. Napalunok laway nalang ako at nagpeace sign sa kanya.

"Don't call me like that! I told you yesterday. I'm going to treat you kaya samahan mo ako." Seryosong sabi ni Zace. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Oo nga nu! Yey! Tara!!!!" Excited na sabi ko saka ko siya kinaladkad sa tindahan ni Manong Iskot.

Halos maubos na namin tung paninda ni Manong. Grabe ang laki ng kain ni Zace at syempre hindi ako nagpatalo. Kung ano-ano kinain namin. At grabe parang lumaki tiyan ko sa busog.

"Kain pa Rhycel!!!" Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinititigan nitong si Zace. He suddenly smiled at me...

Parang huminto mundo ko...bakit ang cute niya magsmile? Bakit humihinto mundo ko...HIGHBLOOD BA AKO DAHIL SA KWEK-KWEK?! Nakakahigh blood ba yun?

"Haha! Tara na nga. Ang dumi na ng mukha mo." Sabi niya at pinunasan ang mukha ko.

Ano tu...
Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko? Parang sasabog sa bilis. Heart attack na ba tu...

"A-ah! Sa-salamat! Tara!" Bwesit! Bakit ako nauutal?

Agad na binayaran ni Zace ang mga kinain namin. Ang laki ng binayaran ni Zace...GANUN BA TALAGA AKO KALAKAS KUMAIN?! NAKAKAHIYA!

"Salamat Zace ah..." Hindi ako sinagot si Zace at muli na naman itong busy sa libro niya.

"Mauna na ako Zace. Bye!" Nakangiting pamamaalam ko kay Zace at hindi niya na naman ako sinagot. Well, it's Zace...

Agad akong pumara ng taxi. Then suddenly...

"Bye! Becareful Ms. Clumsy!" He shouted.

Nanginit bigla pisngi ko. I didn't expect that. He said goodbye. He said becareful...bakit ako naapektuhan sa sinabi niya?

Kinalma ko nalang ang sarili saka mabilis akong dumating sa bahay.

"Ma! Punta muna ako sa bookstore."

"Hindi ka pa kumakain anak!" Sabi ni mama.

"Busog pa po ako ma." Tumango naman si mama then she smiled.

"Sige ingat!"

Iniwan ko ang kwintas ko at pumunta sa bookstore. Nang makapasok ako...inamoy ko talaga ang mga libro.

"Woooaaah! This is heaven!!!" Nakangiti kong sabi.

I like stories na puno ng thrill at bloody. Gusto ko yung nakakatakot at nakakakilabot. I'm not fond of those those romance books and whatever.

Sa aking pamimili, nagulat ako nang may sumigaw sa likod ko.

"RHYCEL?!" Napalingon ako sa sumigaw nun. I was shocked...Zace?!

"A-ano?"

"Ikaw si Rhycel? Kaya pala pamilyar ang boses ni Rhycel. Ikaw pala! Pero paano---" hindi ko pinatapos si Zace.

WAAAH!!! PAANO NIYA NALAMAN?! DAHIL BA SA BOSES KO? WAAAAH!

Palusot bes! Palusooot!!!

"Hehe! Haha! Hihi! Pano mo nasabeh?! Hindi ako Rhycel. Si...si...si R-Rhygel ako!!! Oo! Y-yan pangalan ko."

Sabi ko at dahan-dahang akong naglakad palayo. I need to escape!!! Nakakahiya tu!

"I knew it was you. Wag ka nang magsinungaling pa."

WHAAAAT!!! I HAVE TO ESCAPE. THIS IS SO EMBARRASSING!

"Guard! Tulong! Hinaharass ako ng lalaking tu." Lumaki naman bigla mata ni Zace sa sinabi ko. Saka naman dumating ang guard.

Mabilis akong tumakbo palayo.

"Hey!!!! Rhycel!!!" He shouted pero di ko siya pinakinggan. Tumatakbo lang ako ng takbo.

Waaah!!! Pano...pano niya nalaman?

Nakakahiya! Ang gaga ko!!!

To be continued...

Finally! Nakaupdate na talaga. Please leave a vote and comment guysue!!!

Her Real Beauty (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon