Her Real Beauty
Chapter 12
Shakira's PovWhat the...?! This can't be. Bakit niya ba linalabanan yang Rhycel na yan!!! Napapahiya ako sa harapan niya. He's mad of me...and dahil sa Rhycel na akala mo maganda. Argh!
"So-sorry talaga." Nakayukong wika ko. Hindi dapat magalit si Zace sa akin. Kainis!!! Parang gusto ko sabunutan tung si Rhycel.
"You don't need to say sorry to me. Because if I'm in the position of Rhycel, I won't accept your apology." Cold na sabi ni Zace sa akin. Para akong binagsakan ng lupa sa langit. He-he's mad..
Halos lumuwa mata ko sa sinabi ni Zace. Damn! He's so mad of me.
"A-ah! Sorry Kira ah. Pagpasensyahan mo na si Zace. Mainit lang ata ang ulo." Sabi ni Rhycel. I gave her my sweet but fake smile.
"Sigurado ka bang ayos ka lang. Sorry talaga ah!" Sabi ko.
"Ah! Okay lang ako. Wala lang yun." Sabi ni Rhycel then she smiled at me. Argh! I really hate that smile.
"Let's go Rhycel!" Sabi ni Zace kay Rhycel at mabilis niya itong kinaladkad.
"A-ah! Alis na muna ako Kira ah!" Sigaw ni Rhycel and I just nodded. Nang makalayo-layo na sila, agad akong pumunta sa restroom at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Argh! Maganda naman ako. Ano ba kasing meron kay Rhycel na wala ako?! Bakit niya linalabanan si Rhycel? Are they friends...KAINIS!!!
That Rhycel is blocking my way to Zace. She's getting on my nerves!!!
I took my cellphone at nagface-book at hinanap ang account ni Rhycel.
"Rhycel Alycia Smith huh!" Sabi ko nang makita ko na ang kanyang account.
Kababago lang gawa ang account niya but she already have more than five hundred friends. She only have one photo of herself pero grabe ang dami ng likes.
"Mukhang mas famous na siya sa akin..." Sabi ko at padabog na umalis sa restroom.
This can't be! I must get rid of this girl bago niya maagaw ang lahat. I really hate her!!!
Rhycel's Pov
"Bakit mo hinayaan lang yung babae na yun?! Kung ako sayo, nakipagsabunutan na talaga ako sa bruhang yun. Porke president ang gaga!" Galit na sabi ni Ally at kanina pa ratatat ng ratatat nang malaman niya ang aksidente kanina.
"Oo nga Rhy! Alam kong sinadya niya talaga yun. Buti nasalo ka ni Zace kanina." Sabi ni Cleven.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Zace nung iniligtas niya ako. Halatang nag-alala siya at seryosong-seryoso ang kanyang mukha nung pagalitan niya si Kira.
Ang bilis ng tibok ng puso ko nang mahulog ako sa pinapatungan ko pero...parang mas bumilis ang tibok ng puso ko nang masalo ako ni Zace.
"Buti nalang talaga at nasalo ka ni Zace. Ayos na ba sugat mo bes?" Sabi ni Ally sa akin.
"Mukhang malala ang sugat mo Rhy!" Wika naman Cleven.
"Galos lang tu nu. Nadaplisan lang naman pero sumakit lang talaga ulo ko." Wika ko sa kanila.
"Kung ganun. Alis na muna kami Rhy ah!" Sabi ni Cleven.
"Okay!" Tipid kong sagot at ngumiti sa kanila at sabay silang umalis dito sa clinic.
Bakit ba kasi ako dinala dito sa clinic? Nadaplisan lang naman ako eh! Saka magiging maayos rin naman tung sakit ng ulo ko. Si Zace talaga! Master ko daw kasi siya kaya susundin ko nalang ang mga sasabihin ng supladong gagong tu!
BINABASA MO ANG
Her Real Beauty (OnGoing)
Teen Fiction- There's always a hidden beauty - She's Rhycel! Ang babaeng desperadang-desperada na gumanda. Then one day nagising nalang siya na lahat ng atensyon ay nasa sa kanya!!! ______ More ongoing stories!!! Thanks for supporting!