HRB 8

49 2 1
                                    


Her Real Beauty
Chapter 8
Zace's Pov

   Nagulat nalang ako nang biglang hinablot niya ang aking libro. What the hell!!!

"Hey! Give it to me!!!"

Heck! Hindi siya nakikinig sa akin. Napahinto ako nang may mahulog sa kanya.

"Hindi ko tu ibibigay pag hindi ka maglilinis!!!" She said while running so damn fast. Argh!

"I said I don't care!" Sigaw ko habang hinahabol siya, at mabilis na ipinasok sa bulsa ko ang nahulog na butterfly design sa kanyang bracelet.

"Hahaha! Bahala ka---"

Suddenly, biglang humarang sa kanya ang campus president at mabilis na binangga siya. Heck!

I immediately run! Mabilis kong nasalo siya. This girl is so clumsy!

She's pretty but clumsy...

"You ok? Ms. Clumsy!" I said.

"ANO?! I'm not clumsy!!!" Hindi ko nalang siya pinansin at tinulungan siyang makatayo.

"Tsss..." Sabi ko at mabilis na hinablot ang libro ko. Agad akong naglakad palayo.

Kinuha ko ang napulot ko kanina...

"Sa kanya tu!" I said.

Mamaya ko nalang tu isuli. Magbabasa na muna ako! That clumsy girl disturbed me!

Rhycel's Pov

   Natapos na kami sa paglilinis at nakadecorate na kami ng kaunti. Bumalik na kami sa classroom na stress na stress ang mukha namin.

"Anyare?" Natatawang sabi ni Ally sa amin ni Cleven.

"WOOOH! GRABE NAKAKASTRESS!" Sabi ko at naupo saka ako uminom ng tubig.

"Hahaha! Kaya pa?" Tawa ni Ally.

"Yoko na! Kapagod!" Sabi ni Cleven at uminom din ng tubig.

"Hahaha! Agree!" Sabi ko.

"Oi! Balita ko binangga ka daw ni president?! Gaga sana inupakan mo! Mga insecure talaga." Sabi ni Ally.

Woooaah! Bilis ng tsismis!

"Haha! Hindi naman ata. Hindi niya naman sinasadya." Wika ko kay Ally.

"Campus president is so damn sexy. And oh! She said I'm cute!" Sabi ni Cleven at parang nagheart-heart pa ang mata.

"Anong silbi ng ganda kung BITCH!" Galit na sabi ni Ally. Hahaha! Selos ang gaga!

"Ehem...ehem...selos po!" Sabi ko kaya napalingon sa akin si Ally pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Yeah! Tama naman si Ally. Ilang lalaki na ang kinama niya at tapos wala na. Finish!" Sabi naman ni Cleven. Weeeh?

Insecure ba talaga siya sa akin. Bakit naman siya maiinsecure? Hindi ko kalevel ang sexiness niya nu! Pati na ganda niya.

Lumingon ako kay Zace na busy sa pagbabasa. Buti nalang at nasalo niya ako kanina kung hindi, nabagok na sana ulo ko! Sayang ganda ko na hindi naman talaga sa akin!!!

I need to say thank you to him!

"A-ah! Thanks nga pala Zace!" Mahinang wika ko sa kanya at ewan ko kung narinig niya ba.

He suddenly stared at me with his cold eyes then binalik ang atensyon niya sa libro. Heck?!

"I'll treat you Zace! Bilang pasasalamat ko sa pagligtas mo sa akin!" Sabi ko kay Zace.

"No need!"

Gago! Siya na yung lilibrehan! Bahala ka nga diyan...PIPILITIN TALAGA KITA! BWAHAHAHA!!!

"Sige ka! Sumbong kita kay president na hindi ka tumulong sa amin kanina."

"Go! I don't care! Who cares!!!" Ghad!!! Ang hirap pilitin ng gago.

"Sige na Zace! Please! Guguluhin kita!!!" Lumingon siya sa akin at seryoso akong tinignan.

"Please!" Sana tumapat ang charms and cuteness ko!!!

"Fine!"

"YES! Sabay tayo uuwi mamaya ah! Libre kita, ano gusto mo? Kwek-kwek?" Tinignan naman ako ni Zace ng confusing look niya.

WAG MONG SABIHIN HINDI NIYA ALAM ANG KWEK-KWEK?! OHMAGASH!!!

"What's...kwek-kwek?"

Sabi na nga ba!!!
Ang yaman ata nitong gago na tu! Hindi kasi alam ang kwek-kwek eh!!!

"Ah! Hindi mo pala alam. Matitikman mo yan ngayon. Ako bahala!"

"O-ok?" Sabi niya at binalik ang atensyon sa libro.

I wonder how rich he is?
As in sooobraaang yaman!

_

Kasabay ko ngayong umuwi si Zace....

"Curious lang ako Zace. Bakit ka nagtransfer dito? May sarili naman kayong eswelahan ah?"

"It's my choice!" He said coldly habang nakapamulsa.

"Ganun ba! Tara kain na tayo!" Sabi ko at pumunta sa tindahan ni Manong Iskot. Ang favorite kwek-kwek vendor ko.

"Pabili po ng dalawang kwek-kwek!" Sabi ko at inabot ang bayad.

"Salamat hija!" Sabi ni manong Iskot at ngumiti naman ako sa kanya.

Inabot ni manong Iskot ang dalawang kwek-kwek saka ko binigay kay Zace ang isa.

"What's this? Bakit ganito ang kulay? What's inside?" Sabi ni Zace at halos mabilaukan ako sa kanyang sinabi.

Seryoso? Wala siyang ka ide-ideya kung ano ang kwek-kwek?

"Haha! Mukhang ngayon pa alam ng boyfriend mo ang kwek-kwek hija!"

Teka, BOYFRIEND!!!

"I'M NOT HIS BOYFRIEND!" Sabi ni Zace.

"Hehe! Tama po! Kaibigan ko lang po siya!" Sabi ko. Nakakahiya!

"Haha! Pasensya! Akala ko mag-gf at bf kayo." Sabi ni manong. Gago ka manong! Nanginginit pisngi ko sayo! NAKAKAHIYA!!!

"Hehe! Kainin mo nalang yan Zace! Bilis!" Sabi ko kay Zace.

Lumunok laway si Zace saka dahan-dahang kinain ang kwek-kwek. Sa akin? Wala na! Finish na!!!

"Mmm...not bad! Bumili ka pa!"

At bumili ako ng bumili ng bumili pa ako ng bumili ng WAAAAH! ANDAME NIYANG KINAIN!

Nagustuhan niya ata?!

"Not bad! I'll buy tommorow! Libre naman kita!" He said then he suddenly smiled at me.

Hi-hindi ko alam pero...bigla nalang bumilis tibok ng puso ko. Heartburn ba tu? Heart attack ata?!

TO BE CONTINUED...

Her Real Beauty (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon