Chapter 10

3 1 0
                                    

Margaret's P.O.V.

Andito ako ngayon sa corridor naglalakad papunta sa office ni Ate Jov. Itatanong ko lang pano napunta ang horoscope card na to sakin -____-

"You'll be dead soon"

Na- aaning na ata siya. Balian ko siya ng buto eh.

"ATE" sigaw ko pagka pasok sa office niya. Pero nataranta ako sa dinatnan ko.

Sumusuka siya sa banyo. Umiiyak na rin siya kasabay ng pagsuka

"Haluh ate anyare sayo? Idedemanda ko na ba ang school canteen?" Tanong ko habang hinihimas ko likod niya.

Tumayo siya at flinush yung banyo. Lumapit siya sa sink at naghilamos at mumug.

Tumakbo naman ako sa ref niya para kumuha ng mai-inom. Saktong may lemon juice dun kaya yun yung isinalin ko sa baso.

"Huhuhuhu" iyak niya ulit.

"Uninom ka nga muna" sabi ko.

Uminom naman siya pero bumalik din sa pag iyak. Maya maya lang tumigil siya bigla pero yun pala tatakbo ulit siya sa cr para sumuka -___-

"Hoy! Di na ako natutuwa sayo ah. Mamaya pati bituka mo iluwa mo na jan" Bigla naman siyang tumigil sa pagsuka at pinindot yung flash.

"Huuuuuhuhuhu" iyak niya ulit.

"Ano ba kasing nangyayari sayo?" Tanong ko.

"Wala tina-try ko lang kung pwede ba akong mag artista" sabi niya.

"ATE!" Bantang sabi ko sa kanya.

"Ka-ka-kasi--------" napalingon kami sa pinto nung pumasok dun si Tita Sheena.

"Jov nakita mo ba si Marga----- andito ka pala" sabi niya at tumingin kay ate Jov na may mga luha pa ang mukha.

"Oh? Pati ba si Jov ina-away mo na rin?" Takang tanong niya.

"Lah hindi ah" sabi ko at tiningnan mula ulo hanggang paa si Ate Jov.

"Andyan na yung visitors" sabi niya. Sumeryoso naman kami pare- parehas sa narinig namin.

Di nga din ako pumasok sa morning classes namin ngayon. Sure naman akong walang teacher na magtuturo ngayong umaga. Kasi sobrang exited sila sa program para i-welcome ang BUWisitor.

" Susunod na lang po kami dun" sabi ko.

"Sige pero wag kayo magrambulan ha" sabi niya at lumabas na ng office ni Ate Jov.

Ang office niya mas maliit lang ng kunti kesa dun sakin.In- adjust kasi yung room para maging malawak yung principal's office. Nasa 3rd floor toh. Guidance office at CCTV room yung nasa 2nd floor.

:'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'(

"Nakapag toothbrush na ako at lahat ganyan parin pwesto mo jan" sabi niya.

Pano kasi nakatulala ako ngayon habang nakahiga sa mahabang sofa dito sa office niya.

"Di ko alam kung pano ko siya pakikitunguhan ng maayos. Baka mamaya maulit lang yung dati at may magawa ulit akong di karapat dapat"
Sabi ko.

"Aynako! Wag ka mag inarte jan, sapakin mo kung gusto mo iche- cheer pa kita. Tsaka antagal na nun 3years ago?" Sabi niya habang hinihila ako patayo

Di ko na nga nasabi sa kanya yung dapat na pakay ko sa kanya -____-

Dumeretso kami sa auditorium kasi dun gaganapin ang program. Naka-ayos naman na lahat. Pero pakiramdam ko may kulang.

"Parang gusto kong mag-lagay ng bomba dun sa stage" wala sa sariling nai-usal ko.

Im His CurtainWhere stories live. Discover now