Chapter 6

4 1 0
                                    

Margaret's P.O.V.

"Nasa baba si Russell" sabi niya at binigyan ng pagkain yung mga ka-klase namin.

"Yown, yayamanin"

"Salamat"

"Yes, pagkain"

"Penge nun"

Di ko pa tapos kina-kain ko. Naki- kuha na nga si Raikko ng pagkain ko eh. Lah ka pera kuya?

"Marga!" Tawag sakin ni Paul

"Oh?" Sabi ko

"Si Russell nga daw nasa baba" sabi naman ni Joseph habang parehas ang kamay niyang may hawak na pagkain.

"Sino si Russell?" Tanong ni Alicia

"Boyfriend mo? Ayiiieeee" asar naman ni Sheryl

Di ko sila pinansin at tumingin kay Paul.

"Bakit daw?" Sabi ko at inagaw yung pagkain na nasa kamay ni Raikko

"Lah?!" Sinamaan niya ako ng tingin at kumuha ulit ng pagkain sa lamesa ko.

"Malay ko, ikaw hinahanap eh" sagot niya at umupo sa upuan niya.

Epal tong buset na to.

"Asan si Rocelio?" Tanong ni Sharwin

"Naka- sunod lang sakin kanina yun eh, darating na yun" sagot naman ni Paul

"Marga, di ka talaga bababa?" Tanong sakin ni Joseph

"Umakyat siya dito. Siya may kailangan eh" sabi ko at kinuha ang cellphone ko.

"Masama galitin ang isang Russell" sabi niya at kinuha rin ang cellphone niya.

"Hoy!..... Pumunta ka raw dito..... Ako daw pinaka pogi... basta umakyat kana..... *cough* *cough* Oo" sabi niya.

Dun ko lang napansin na lahat pala kami naka- tanga sa kanya.

"Aakyat na yun *cough*" sabi niya habang ubo pa rin ng ubo. Ayan ang napapala ng taong akala mo laging aagawan ng pagkain

"HOY PENGENG TUBIG" sigaw niya at umubo parin ng umubo.

"Tulong nga" sabi ni Rocelio na kakarating lang. May dala siyang dalawang case ng softdrinks. Balak niya bang mag-patiwakal? ~___~

Tumakbo naman ka-agad si Joseph sa kanya at kinuha yung isang case. Napa wow nalang ako ng ganon niya lang kadaling nabuksan yung softdrink.

"Aray ansakit sa lalamunan" sabi niya at bumalik na sa upuan. Inumin daw ba ka-agad ang isang bote? Aning

Nagpuntahan naman ka-agad sila sa harap at kanya kanyang kumuha ng softdrinks.

"SALAMAT HA" sarcastic na sigaw ni Rocelio

"Welcome" Mark

"Where is she?" Nagulat kami lahat sa lalakeng nasa pintuan.

"Hi Bro" sabi ni Paul

"Marga ayan na" sabi ni Joseph na naka-taas na ang paa ngayon sa harap ng upuan niya.

"ARAY gago" daing niya, inupuan kasi ni Erick yung paa niya.

"Gwapo" sagot ni Erick at kumain na ulit.

"Kelangan mo?" Tanong ko kay Russell

"Yung players ng Basketball mga polpol" sabi niya.

"Ako magaling mag baketball" sabi naman ni Joseph------WAIT bat andito ang hinayupak nato?

Im His CurtainWhere stories live. Discover now